embed embed2
Dahil Sa Dry Labor, Nauwi Sa C-Section Ang Isang First-time Mom
PHOTO BY courtesy of April Rose Serafica
  • Ninais ni April Rose “Cess” Serafica ang normal delivery sa una niyang panganganak. Pero dahil sa hindi inaasahang dry labor birth, nauwi siya sa Cesarean section upang ligtas na mailuwal ang panganay nila ng asawang si Jordan Serafica. Isinilang ang baby girl nilang si Addie Celestine noong July 5, 2020.

    Ano ang dry labor?

    Ang dry labor, ayon sa Merriam Webster dictionary, ay “childbirth characterized by premature escape of the amniotic fluid.” Tinatawag na amniotic fluid ang likido sa loob ng amnion/amniotic sac o panubigan na siyang nagsisilbing proteksiyon ni baby habang nasa sinapupunan ng kanyang ina.

    Kilala rin ang dry labor sa medical term na premature rupture of membranes (PROM). Ibig sabihin, napaaga ang pagputok ng panubigan. Maaaring mangyari ang PROM kapag narating na ng buntis ang full term at bago pa siya mag-labor.

    Pero kung kulang pa siya sa buwan, isa na itong pregnancy complication na kilala bilang preterm premature rupture of membranes (PPROM). 

    Sa sandaling mangyari ang PROM, kadalasang nirerekomenda ang agarang panganganak (delivery) kapag ang panganib ng “ascending infection” ay mas matimbang kesa sa panganib ng “prematurity.” Posibleng mag-labor nang kusa ang buntis o di kaya sumailalim siya sa induced labor.

    Signs ng dry labor 

    Sanhi ng pag-alala ang dry labor birth o di kaya PROM, ayon sa Children’s Ospital of Philadelphia, dahil “complicating factor” ito sa halos one-third ng premature births.

    Isa pang panganib ang pagkakaroon ng “serious infection of the placental tissues called chorioamnionitis.” Dagdag pa dito ang mga posibleng kuplikasyon na placental abruption, compression of the umbilical cord, Cesarean birth, at postpartum infection.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ibinahagi ni Cess ang kanyang childbirth story sa SmartParenting.com.ph sa pamamagitan ng email interview. Kuwento niya na October 2019 nang malaman niyang buntis siya. Nagte-training siya noon sa trabaho sa isang bangko habang nagtatrabaho naman si Jordan sa isa pang bangko. 

    Nasa ika-limang buwan si Cess ng pagbubuntis nang ideklara ang enhanced community quarantine (ECQ) bunsod ng COVID-19 pandemic noong March 2020. Pareho na silang mag-asawa na nakabase sa hometown ni Jordan sa Mangaldan, Pangasinan. Naging challenging ang mga sumunod na buwan lalo na kay Cess.

    Pagbabalik-tanaw niya, “Nakaramdam ako ng [pagiging] homesick kasi ’yong family ko, nasa Pampanga. Every month, we try to visit them, but since the start of ECQ, hindi na kami nakauwi.

    "Next, nagkaroon po ako ng allergies, and hindi kami basta-basta makapunta sa hospital kasi natatakot kami lumabas. Lastly, nakaramdam din ako ng anxiety dahil sa COVID. Lagi naming iniisip, ‘Paano si baby pag labas niya at ganito pa ang sitwasyon?’”

    Lalong tumindi ang pangamba ni Cess pagkatapos niyang magpa-checkup sa kanyang OB noong July 4. Lahad niya, “That day, sumasakit na puson ko and tumitigas na tummy ko. Nagpa-IE [internal examination] ako kay OB, pero sabi niya, 1 cm pa lang ako.

    “The next day, early in the morning, nanaginip pa ako na manganganak na nga ako, and I was asking my mom na tulungan akong umire. When I woke up, na-feel ko na ’yong water bag ko, pumutok na, then sumunod blood discharge na.”

    Emergency CS na ang kailangan 

    Nagsabi si Cess sa kanyang OB at pinayuhan siyang “observe muna kasi hindi naman ako makaramdam ng pain.” Pagdating ng 4 p.m. ng araw ding iyon, nagdesisyon ang kanyang asawa na dalhin siya sa ospital na hindi kalayuan sa kanilang bahay. Kaagad siyang ineksamen ng doktor at nirekomenda ang C-section “kasi hindi bumababa si baby at di po nago-open ang cervix ko.” 

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Pero buo ang loob ni Cess na ituloy ang plano niyang normal delivery, kaya siya na mismo ang nasabi sa kanyang OB na bigyan siya ng induced labor. Pagkaraan ng apat na oras ng pagle-labor, hindi talaga bumubuka ang kanyang cervix para makalabas ang sanggol. Kaya pumayag na siyang magpa-CS “dahil paubos na panubigan ko and hindi na safe para kay baby.”

    Baon ang taimtim na panalangin sa kaligtasan ng kanyang sanggol, tuluyan niyang naipanganak si Baby Addie Celestine nang eksakto 9:05 p.m. ng July 5. Nagkaroon lamang ng kumplisyon sa sanggol “kasi nakakain na daw po siya ng popoo niya.” Kaya kinailangang maiwan si baby sa ospital ng ilang araw pa.

    Makinig sa maternal instinct

    May ilang payo naman si Cess sa expectant moms: “Always stay fit and eat healthy foods. Practice eating healthy and do some safe physical activities para makatulong sa panganganak.

    “Idagdag ko na din ’yong matulog ka nang matulog at magpahinga hangga’t puwede kasi kakailanganin mo ng lakas sa panganganak at paglabas ni baby. Always stay positive despite of what we are facing right now.

    Sabi ni April, “Heto ’yong nagpapalakas ng loob ko: Always pray. Next is trust yourself, let your maternal instinct kick in and listen to it. Do not Google everything. Mas nakakapraning.”
    PHOTO BY courtesy of April Rose Serafica
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    “Remind yourself that you’re doing great. Being a mom is one of the hardest titles to hold, but it is the most rewarding. From the moment na marinig mo ang first cry ni baby and mahawakan mo siya, you know that it was a success!” 

    Sa mga pinagdaanan ni Cess, kabilang na ang dry labor birth, masasabi niyang mayroon siyang kakaibang lakas na nais niyang matuklasan din ng iba.

    “I want every mom and expectant moms out there to know that we are superwomen. We created a miracle in our body, and that is undeniable. Let’s all treat ourselves with love, patience, and compassion.”

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles