Filipino,miscarriage,grief,pregnancy loss,#SPConfessions,dealing with grief,lch-00432,team-00432,Gabay Sa Pagharap Sa Miscarriage: Mga Dapat Malaman,miscarriage, pagkawala ng sanggol, cord coil, pagluluksa, suporta sa paggaling, labor at childbirth, Smart Parenting Village, pagharap sa pagsubok, komplikasyon sa pagbubuntis, pag-alala sa sanggol,Isang malalim na gabay para sa mga magulang na dumaan sa pagsubok ng miscarriage. Alamin ang mga hakbang ng paggaling, pagharap sa pagluluksa, at suporta mula sa karanasan ng ibang magulang.
PregnancyLabor & Childbirth

‘Wala Nang Heartbeat Si Baby,’ Gabay Para Sa Mga Magulang Na Nakaranas Ng Miscarriage

Isang ina ang nagtanong sa Smart Parenting Village kung paano nalampasan ng ibang magulang ang miscarriage at kung ano ang mga susunod na dapat gawin.

Ang kwentong ito ay hango sa isang tunay na #SPConfessions na ipinadala sa amin sa Smart Parenting Village. Ang ilang mga detalye ay bahagya naming binago upang bigyang proteksyon ang nagpadala nito.

Trigger Warning: Ang sumusunod na teksto ay naglalaman ng mga paksang maaaring sensitibo para sa ilang mambabasa, kabilang ang pagtalakay sa pagkawala ng sanggol, pagluluksa, at iba pang kaugnay na karanasan.

Ang pagkawala ng anak ay isa sa pinakamahirap na pagsubok na maaaring maranasan ng isang magulang, kasama na dito ang pagkawala ng sanggol mula sa sinapupunan. Ang kwento ng isang ina mula sa Smart Parenting Village sa Facebook tungkol sa pagkawala ng kanyang anak dahil sa komplikasyon ng cord coil ay nagdulot ng malalim na kalungkutan hindi lamang sa kanya kundi pati na rin sa ibang magulang sa grupong ito na nakaranas ng katulad na pagsubok. Narito ang kanyang post:

“I had an ultrasound yesterday and the doctor said na wala nang heartbeat si baby. We lost ourboy due to a cord coil. Sobrang sakit kasi I’m 34 weeks and 4 days pregnant na. Malapit na siyang lumabas sana kaso we lost him pa. Hindi ko pa nasasabi sa parents namin ni husband and hindi pa kami nakakapunta sa hospital kasi parang wala pa akong ganang lumabas and makipag-usap sa ibang tao.”

Sumunod dito, tinanong din ng ina kung ano ang mga susunod na mangyayari sa kanyang panganganak at kung ano ang dapat gawin sa sanggol at pagluluksa. Narito ang ilang komento mula sa ibang magulang batay sa kanilang karanasan.

Gabay para sa mga magulang matapos makaranas ng miscarriage

Kumonsulta at makipag-ugnayan sa doktor

Mahalaga ang pakikipag-ugnayan sa doktor upang masigurong ligtas ang kalusugan ng ina. Iba-iba ang maaaring sanhi ng miscarriage, kaya’s iba-iba rin ang karanasan ng mga ina sa paglabas ng sanggol.

Pagbabahagi ng isang ama, “Ayon sa OB namin, hindi naman poisonous basta huwag mag-rupture yung bag of water. Normal delivery din si wife pero induced labor na.” Sumang-ayon din dito ang isa pang ina at sinabing, “Normally they will give you drugs to bring on labor and soften your cervix. CS is unnecessary unless may complication.”

Ayon naman sa isa pang ina, “My baby was 3 months and no heartbeat din. We waited for a week and then another 36 hours sa hospital before i-D&C because hindi ako dinugo sa kahit anong gamot na binigay sa akin–via IV, suppository or oral.”

watch now

Pagbabahagi din ng isa, “Pipilitin ka mag-labor at papa-bukahin ang cervix mo. Kung ayaw bumuka or ayaw bumaba ni baby, pwedeng ma-CS ka.”

Pagpapanatili ng mga alaala kasama ang anak

Nagbigay kaalaman ang isang ina ukol sa kagawian sa Australia na maaaring makatulong sa mga magulang na nawalan ng sanggol. Sabi niya, “Dito sa Australia, parents are given a chance to bond. We have what’s called a ‘cradle cot,’ which is a cooling mattress that can allow the parents to spend some time with their baby bago nila ito i-let go nang tuluyan. Most hospitals din dito ay nag-ooffer ng photos, hand and foot stamping as a keepsake para sa mga parents.”

May ilang magulang din ang nagsabi na may mga OB dito sa Pilipinas na pumapayag na makasama din ng magulang si baby pagkatapos ipanganak. Ayon din sa isa, depende sa hospital kung saan manganganak kung anong susunod na kailangang gawin, “As per hospital, lagpas na sa weight si baby kaya kailangan na siya kunin sa morgue at sunduin ng funeral parlor. Binurol namin siya at inilibing. Pina-bless din namin siya at idinaan sa simbahan.”

Pag-hingi at pagtanggap ng tulong sa ibang ka-pamilya

Napakahalaga ng suporta mula sa pamilya at mga kaibigan sa mga unang araw matapos mawala ang anak. Ayon sa isang ina, “Hindi agad nag-sink in sa akin ang lahat kaya parents and in-laws ko ang nag-asikaso ng lahat.”

Pag-aasikaso ng kinakailangang mga dokumento

Siguraduhing makuha ang lahat ng kinakailangang dokumento, tulad ng death certificate, na kinakailangan para sa pagproseso ng libing ng sanggol. Kailangan ito ng mga funeral services at maging ng mga munisipyo bilang katunayan ng pagkamatay ni baby.

Paglalahad ng isang ama, “Inasikaso ko yung papers for funeral like yung death certificate para maitransfer si baby from morgue to funeral, sa case namin, naghanap din ang city hall ng ibang cause of death.”

Pagbibigay ng “blessing” sa baby na naaayon sa paniniwala ng pamilya

Maraming nagbahagi na nagpa-misa at pina-bless nila ang sanggol bago ito ilibing. Ayon sa isang ina, “Sa mismong hospital na siya minisahan ng pari. Sabay kami ni baby lumabas ng hospital, diretso crematorium, at diretso na sa bahay.”

Pagbabahagi naman ng isang ina, “Hindi namin binurol si baby kasi ang sabi ng ilan ay anghel na siya. Wala din ginawa kay baby sa funeral parlor, one day lang siya nag-stay doon.”

Ang isa namang ina ay pinaghandaan ang funeral ni baby, “We wanted to give our daughter a good send off. We put her inside a coffin, had a carriage, balloon, lot, permits, lapida, and flowers. She wore the dress that was supposed to be her baptismal gown.”

Gawin ang nararapat para sa pamilya

Mahalaga na gawin ng pamilya ang itinuturing nilang pinakamainam para sa pag-alala at pagtanggap sa pagkawala ng kanilang sanggol. Iba-iba ang paraan ng bawat isa sa pagharap sa miscarriage, at walang iisang tama o maling paraan.

Kaya’t iba iba din ang naibahagi ng mga magulang ukol sa mga damit at gamit na inihanda para kay baby. Sabi ng isa, “Consumables were donated to the children’s hospital. After a year ko pa nakayanang tingnan ang mga gamit niya, yung iba pinamigay sa mga pamangkin, yung iba, nagamit namin sa rainbow baby namin.”

Pagbabahagi ng isang ama, “We kept yung gamit and clothes kasi we still plan on having a baby that time. Yes, masakit kasi naalala mo yung nangyari, pero it is also part of the healing process and it gave us hope.”

Ang pagkawala ng isang anak ay hindi madaling harapin, at ang bawat isa ay may kanya-kanyang proseso ng pagluluksa at paghilom. Mahalagang tandaan na hindi kayo nag-iisa at may mga taong handang magbigay ng suporta at pagmamahal sa inyong paglalakbay tungo sa paghilom.

Edited for spelling, punctuation, grammar, and formatting.

Mayroon ka bang sarili mong #SPConfessions na nais ibahagi sa amin? Ipadala lang kay Sara Palma sa Smart Parenting Village o hindi kaya ay i-email sa amin sa smartparentingsubmissions@gmail.com.

Basahin ito para sa dagdag kaalaman ukol sa pagluluksa.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close