-
Konti Na Lang, Ma! Cramps, Hingal, Hemorrhoids At Iba Pang Tanda Ng 8 Buwan Buntis
by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Ang bilis ng panahon, ma! Isang buwan na lang, makikilala mo na ang baby mo. Sa puntong ito ng iyong pagbubuntis, mas magiging mahirap na ang mga sintomas na mararanasan mo.
Patuloy na rin ang paglaki ng baby sa iyong sinapupunan. Patuloy ang pagbigat ng kanyang timbang at maaaring tumutubo na rin ang buhok sa kanyang ulo.
Nade-develop na rin ang kanyang utak hanggang sa punto na mas kaya na niyang kontrolin ang temperatura ng kanyang katawan. Tumitigas na rin ang ilan sa kanyang mga buto, gayunpaman, malambot pa rin ang kanyang bumbunan para mas madali itong makadaan sa birth canal sa oras ng iyong panganganak.
Mapapansin mo ring mas magiging malikot na ang baby mo ngayong buwan na ito. Maaari na siyang sinukin at nagu-unat na rin siya. Mas mararamdaman mo na ang bawat galaw niya ngayong walang buwang buntis ka na.
Sintomas ng pagbubuntis month 8
Ngayong walong buwang buntis ka na, maraming panibagong sintomas ang maaar mong maramdaman. Narito ang ilan sa kanila:
Madalas kang hingalin
Dahil lumalaki na ang matris mo para i-accommodate ang lumalaki mong anak, mas nagiging masikip na sa iyong tiyan. Maaaring naitutlak na na matris mo ang tiyan mo at ang baga mo kaya nagiging mahirap nang huminga.
Para maibsan ito, sanayin mo ang sarili mo na nakaupo ng diretso. Pwede ka ring tumayo-tayo kung talagang hirap kang huminga.
What other parents are reading
Maaari kang magkaroon ng hemorrhoids
Nangyayari ito dahil sa tinatawag na increased blood circulation na maaaring magdulot ng paglaki ng iyong mga ugat—minsan, nagiging makati ito o masakit. Kapag pumutok ang ugat na ito, lalo na sa iyong rectal area, magiging hemorrhoids ito.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAyon sa mga eksperto, malimit itong nangyayari sa mga buntis kapag nagsisimula nang maglagay ng pressure ang uterus sa mga ugat at hindi na nakakadaloy nang tama ang dugo papunta sa ibabang bahagi ng katawan.
Para maiwasan ito, makakatulong ang pagkain ng sapat na fiber at pag-inom nang maraming tubig. Kung sakali mang mangyari pa rin ang hemorrhoids, maglagay ka lang ng ice pack o maligo ka nang maligamgam na tubig.
What other parents are reading
Magkakaroon ka rin ng varicose veins
Isa ring sintomas ng pagbubuntis month 8 ang paglabas ng malalaking ugat sa iyong binti. Maaari itong maging kulay blue. May ilang nakaalsa at may ilang makati at namamaga.
Para maibsan ang pamamaga, pwede mong panatilihing nakataas ang iyong mga paa. May mga support hose ka rin na pwedeng gamitin o suutin habang buntis ka.
Makakaramdam ka rin ng leg cramps
Malimit daw itong mangyari sa third trimester, ngunit hindi pa naipapaliwanag ng mga eksperto kung ano ang nagiging sanhi nito.
Para maiwasan ito, ugaliin mong unatin ang iyong mga binti bago ka matulog. Kung sakaling umatake man ang leg cramps, masahihin mo pababa ang binting nagca-cramps. Mainam ding kumonsulta ka sa doktor mo na maaaring magrekomenda ng mga stretching exercises sa iyo.
Mas mapapadalas ang iyong pag-ihi
Mas bumababa na ang baby mo sa iyong matris. Sa maraming buntis, nagiging dahilan ito ng malimit na pag-ihi. Sa ganitong bahagi na rin kasi ng iyong pagbubuntis mo mararamdaman na parang nakapatong sa pantog mo ang baby mo.
Kung nararanasan mo mang naiihi ka sa tuwing tatawa ka o uubo o babahing, makabubuting magsuot ka ng panty liner.
CONTINUE READING BELOWwatch nowMararanasan mo rin ang Braxton Hicks contractions
May ilang nakakaramdam nito bilang sintomas ng pagbubuntis 7 month. May ilan namang mararamdaman ito bilang sintomas ng pagbubuntis sa ikawalong buwan. Ang Braxton Hicks contractions ay irregular at hindi lumalakas.
Mahalagang manood ng mga talks o kumonsulta sa iyong doktor para maituro nila sa iyo kung ano ang false labor at true labor. Sa ganitong paraan, hindi ka magpapanic kung sakali mang maramdaman mo ang Braxton Hicks.
Ilan lamang ang mga ito sa mga sintomas ng pagbubuntis sa ikawalong buwan. Tandaan na iba-iba ito depende sa mga babae kay mas maganda pa ring kumonsulta ka sa iyong doktor.
What other parents are reading

- Shares
- Comments