exercise,Tagalog,prenatal exercise,Solenn Heussaff,baby stage,LOOK: Prenatal Workout Routine Ni Solenn Heussaff-Bolzico,workout, prenatal workout, buntis, solenn, solenn heussaff, pregnant, pregnancy, labor, preparation, yoga, prenatal yoga,Narito ang mga tips ni Solenn at ng kanyang trainer pagdating sa pagwoworkout habang buntis.
PregnancyLabor & Childbirth

LOOK! Prenatal Yoga Routine Sa Bahay Ni Solenn Heussaff-Bolzico

Malaki ang maitutulong ng prenatal yoga para ihanda ang isang nanay sa panganganak.
PHOTO BYSolenn Heussaff-Bolzico/YouTube

Kwento ni Solenn, isa sa mga bagay na kinailangan niyang bitawan nang siya’y maging ina ay ang kanyang hardcore workouts. “But that doesn’t mean that being preggo meant I had to stop all forms of exercises,” kwento niya sa kanyang blog.

Paalala niya, importanteng kumonsulta sa iyong doktor bago ka gumawa ng kahit anong ehersisyo. Kahit na sanay ka nang nag-eehersisyo, importante pa ring kumuha ng approval mula sa iyong doktor. “Remember that not everything that works with one preggo mom will work with another,” paalala pa niya.

Para sa prenatal yoga ni Solenn, tinutulungan siya ni Isabel Abad Santos ng P.Y.T Studio MNL. Ayon kay Solenn, specialty ni Isabel ang prenatal at post-natal yoga na may kasamang mindful birthing techniques. Dagdag tip pa ng first-time mom, kung gusto mong makamura, pwede kang mag-imbita ng mga kaibigan mong buntis para maghati-hati kayo at mag-enjoy na rin habang nag-eehersisyo. Narito ang kanyang workout routine:

Side Jumping Jacks

(10-20 repetitions)

Dahil karamihan ng mga buntis ay hindi pwedeng tumalon, nirekomenda ni Isabel ang side jumping jacks na ito.

article image
PHOTO BY Solenn Heussaff-Bolzico/YouTube

Habang natakatayo, hahakbang ka lang sa iyong kaliwa o kanan habang tinitataas mo ang iyong mga kamay.

Hug The Baby

(2-3 repetitions)

watch now

Ayon kay Isabel, kapag nagsisimula ka pa lang sa prenatal exercises, ang gusto mong maging focus ay ang mas malalakas na mga braso at binti para hindi ka mahirapang dalhin ang lumalaking sanggol sa iyong sinapupunan.

article image
PHOTO BY Solenn Heussaff-Bolzico/YouTube

Para sa ehersisyong ito, kailangan mo ng gym ball na maliit. Kung wala ka naman nito, pwede kang gumamit ng inirolyong twalya. Ipitin mo ito sa gitna ng iyong mga hita. Dahan-dahang pag-ipit lang ang gagawin mo hanggang maramdaman mong parang niyayakap ang iyong tiyan.

Side To Side Push-Ups

(8 to 10 repetitions, 2 to 3 sets)

Magandang exercise naman ito para palakasin ang iyong mga braso at balikat.

article image
PHOTO BY Solenn Heussaff-Bolzico/YouTube

Siguraduhin mo lang na dahan-dahan mo itong gagawin para hindi mapwersa ang iyong katawan.

Tricep Dips

(8 to 10 repetitions, 2 to 3 sets)

Katulad ng push-ups, papalakasin din ng ehersisyong ito ang iyong mga braso. Ilayo mo lang ng bahagya sa iyong katawan ang mga kamay mo bago ka dahan-dahang tataas at bababa. 

article image
PHOTO BY Solenn Heussaff-Bolzico/YouTube

Tandaan, nakakapagod ang ehersisyong ito kaya siguraduhing sinasabihan mo ang iyong trainer kung anong nararamdaman mo. Kung gagawin mo naman itong mag-isa, siguraduhin mong hindi mo itotodo ang iyong lakas para hindi ka mahilo. Huwag ka ring tatayo bigla.

Clamshell Exercise

(5 to 10 repetitions, 2 to 3 sets)

Turo ni Isabel, malaki ang maitutulong ng pagpapalakas ng mga hita mo pagdating ng oras ng iyong panganganak.

PHOTO BY Solenn Heussaff-Bolzico/YouTube

Pagkatapos mong gawin ang exercise na ito, iunat mo ang binti na ineehersisyo mo at saka mo ito itaas at ibaba. Ulitin sa kabilang side pagkatapos ng dalawa hanggang tatlong sets ng repetitions.

Bridge Stretch

(8 to 10 repetitions, 2 sets)

Relaxing naman ang exercise na ito, pero paalala ni Isabel, ugaliing humiga muna sa iyong tagiliran bago tumayo o umupo—huwag na huwag tatayo biglaan nang paharap.

Assisted Squats

(6 to 5 repetitions)

Makakatulong naman sa contractions ang leg exercise na ito. Maganda rin ang ehersisyong ito para magkaroon ka ng endurance sa iyong panganganak.

 

article image
PHOTO BY Solenn Heussaff-Bolzico/YouTube

 

Ipitin lang ang bola o nirolyong twalya sa gitna ng iyong mga hita, sumandal sa pader at mag-squat. I-hold ang posisyong iyan habang patuloy ang malalim na inhale at exhale.

Payo ni Isabel, kung hindi ka komportable na gawin ang mga ehersisyong ito nang nakahiga sa sahig, pwede mo itong gawin habang nakaupo sa upuan o ‘di kaya ay nakasandal sa pader.

Payo naman ni Solenn, pakinggan mo ang iyong katawan at sundin mo ang iyong mother’s instinct. Tumigil ka agad kung nararamdaman mong may mali.

Maraming benepisyo ang prenatal yoga. Makakatulong ito para umayos ang iyong pagtulog, mabawasan ang iyong stress at anxiety, lumakas ang iyong mga muscles, mabawasan ang ano mang nararamdaman mong back pain o pagkahilo, sakit ng ulo at hingal. Magandang paraan din ito para makipag bonding ka sa mga kapwa mo newbie moms.

Ikaw? Anong mga paghahanda at ehersisyo ang ginagawa mo para ihanda ang iyong sarili sa nalalapit mong panganganak? I-share mo lang sa comments section.


Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close