Family & Relationships,People & Society,Family and Relationships,sc24,con-00432,Malamig Para sa Bagong Panganak na Ina, Pwede Ba?,Family & Relationships, People & Society, Family and Relationships,Basahin kung dapat bang iwasan ang malamig sa mga bagong panganak na ina at ano ang mga pwedeng alternatibo.
PregnancyLabor & Childbirth

Bawal Ba Ang Malamig Sa Bagong Panganak Na Mommy?

Alamin ang sagot sa katanungang ito.
PHOTO BYShutterstock

Sa maraming kultura, may paniniwalang ang mga bagong panganak na ina ay dapat iwasan ang malamig na pagkain, inumin, at maging tubig na panlinis ng katawan. Ayon sa mga pamahiin, dapat daw itong gawin upang maprotektahan ang kanilang kalusugan at mapabilis ang recovery matapos manganak. Ilan lang ang mga ito sa mga bahagi ng mga tradisyong naglalayong suportahan ang postpartum healing ng isang ina.

Glass of drinking water.
PHOTO BYCanva

Bawal ba ang malamig sa bagong panganak?

Ang mga rekomendasyong ito ay maaaring may iba't ibang dahilan, kabilang na ang pananaw na ang pagkakalantad sa malamig ay maaaring magdulot ng masakit na mga kasukasuan, magpabagal sa healing ng tahi (kung mayroon man mula sa caesarean section o episiotomy), o iba pang mga health concerns.

Gayunpaman, sa medikal na perspektibo, walang sapat na ebidensiyang pang-agham na sumusuporta sa paniniwalang ito.

Ano ang mga dapat gawin upang maging kumportable ang "fourth trimester?"

Ang fourth trimester ang unang tatlong buwan pagkapanganak ng isang ina. Sa mga panahong ito, nag-aadjust pa lang ang ina at ang kanyang sanggol. Ito rin ang panahong hinahanap pa nila ang kanilang ritmo.

Kasama sa mga adjustments na ito ang breastfeeding, setup ng pagkilos sa loob ng bahay, at iba pang mga aspetong kailangang pag-isipan upang mas maging maayos ang recovery ng ina at ang paglaki ng bata.

Mahalaga para sa bagong panganak na ina ang mga sumusunod sa stage ng motherhood na ito:

watch now

Komportableng Temperatura

Panatilihing nasa komportableng temperatura ang kapaligiran para sa bagong panganak na ina, hindi masyadong mainit at hindi rin masyadong malamig, para sa optimal na comfort at wellness.

Sapat na Pananamit

Magdamit ng naaangkop sa temperatura ng kapaligiran. Ang pag-layer ng damit ay maaaring makatulong upang madali itong i-adjust batay sa iyong comfort level.

Masustansiyang Pagkain

Kritikal ang pagkain ng balanseng diyeta para sa postpartum recovery. Walang direktang kinalaman ang temperatura ng pagkain at inumin sa medikal na aspeto ng paggaling, ngunit ang pag-inom ng maligamgam na sabaw o pagkain ay maaaring makapagbigay ng comfort.

Pag-aalaga sa Sarili

Kasama rin dito ang pagkakaroon ng sapat na pahinga, hydration, at pag-iwas sa stress na may mas malaking epekto sa paggaling kaysa sa mga bagay na may kinalaman sa temperatura.

Regular na Konsultasyon sa Doktor

Sundin ang mga payo ng iyong healthcare provider hinggil sa postpartum care, kasama na ang tamang pag-aalaga sa anumang tahi, at kung paano suportahan ang iyong mental at physical health matapos manganak.

Ano ang mga recommended na pagkain at inumin para sa mga bagong panganak na ina?

Ang postpartum period o yugto pagkatapos manganak ay isang panahon kung saan mahalaga ang tamang nutrisyon para sa bagong panganak na ina. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga recommended na pagkain at inumin na maaaring makatulong sa recovery at sa pagpapalakas ng katawan, pati na rin sa suporta sa lactation kung ang ina ay nagpapasuso. Maaaring kainin o inumin ang mga ito sa temperaturang higit na kumportale ang ina.

Protein-Rich Foods

Ang lean meats, tofu, beans, at legumes ay mahalaga para sa paggaling ng tahi at pagpapalakas ng katawan.

Whole Grains

Sa kabilang banda, and oatmeal, quinoa, brown rice, at whole grain bread ay nagbibigay ng sustained energy at fiber na nakakatulong para sa digestion.

Fruits and Vegetables

Ang diverse selection ng prutas at gulay, lalo na yung mayaman sa Vitamin C (oranges, broccoli, strawberries) at Vitamin A (carrots, sweet potatoes, kale), ay makakatulong sa immune function at healing.

Dairy or Dairy Alternatives

Ang gatas, keso, yogurt, o fortified non-dairy alternatives para sa calcium at protein, ay mahalaga naman para sa bone health.

Healthy Fats

Nakakatulong din sa pagpapalakas ng katawan ng ina and avocado, nuts, seeds, at olive oil na kadalasang nagtataglay ng essential fatty acids.

Lactation Teas

Para sa breastfeeding mommies, maaaring makatulong sa pag-stimulate ng milk production ang herbal teas na may fenugreek, ginger, at fennel.

Fruit and Vegetable Juices

Makakatulong din ang fresh juices na mayaman sa bitamina at antioxidants. Piliin ang low-sugar options para maiwasan ang excessive calorie intake.

Soups at Broths

Magandang source ng hydration at nutrients ang mga ito, lalo na kung may kasamang gulay at lean meats.

Bukod sa paghahanda ng mga pagkain at inuming may sustansiya para sa ina, dapat ding isaisip ang mga sumusunod:

  • Balanseng Pagkain. Tiyaking balanced ang iyong pagkain at kumakain ka ng variety of food groups para matugunan ang lahat ng nutritional requirements.
  • Limit Processed Foods. Iwasan ang sobrang processed at sugary foods na maaaring magdulot ng pagod at hindi magandang digestion.
  • Sapat na Calorie Intake. Kumonsulta sa healthcare provider para malaman ang tamang dami ng pagkaing kailangan mo sa araw-araw.

Alamin ang mga kailangang vitamins ng mga bagong panganak dito.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close