vitamins,postpartum,postpartum care,fourth trimester,bagong panganak,sc23,vitamins bagong panganak,Mga Vitamins Na Kailangan Ng Bagong Panganak, Alamin!,Vitamins & Supplements,Nutrition,Health,Family & Relationships,People & Society,supplements brand,Diet Plan,weight loss supplement,food supplement,supplement,Nutrition,Diet,Health & Fitness | Diet ,dietary supplement,Ito ang mga vitamins na dapat na iniinom ng bagong panganak
HealthYour Health

Mga Vitamins na Kailangan ng Bagong Panganak, Alamin Dito!

Kailangan pa rin ng katawan ng nutrisyon pagkapanganak kaya dapat na ipagpatuloy ang pag-inom ng vitamins.
PHOTO BYADOBE

Ayon sa Medical News Today, ang pag-inom ng prenatal vitamins ay mahalaga para suportahan ang paglaki ng baby sa sinapupunan ng ina at maging ang pagbubuntis ng ina.

Gayundin naman, labis na mahalaga ang pag-inom ng vitamins ng bagong panganak o postpartum vitamins dahil sinusuportahan nito ang paggaling ng katawan at ang pagbabago sa nutrisyon ng katawan dulot ng pagbubuntis. Kung nagbe-breastfeeding ka rin, kakailanganin din ang pag-inom nito para sa iyong kalusugan.

Hindi palaging sapat ang balanced diet para maiwasan ang kakulangan sa nutrisyon. Hindi rin nakatitiyak na sapat ang nakukuhang nutrisyon sa mga pagkain. Malaki ang pangangailangan ng katawan sa nutrisyon sa panahon ng pagbubuntis at malaki ang pagbabagong naidulot nito sa katawan ng ina kaya naman sa pagkapanganak, higit na kailangan din ng katawan na masuportahan ang mga kinakailangang nutrisyon para manatiling malusog ang ina at ang kaniyang baby.

Bakit kailangan ng vitamins ng bagong panganak?

Batay sa Penn Medicine, mahalaga ang pag-inom ng postnatal vitamins dahil naiwasan nito ang anumang suliranin o problemang pangkalusugan o nutrisyon sa ina at sa baby. Mainam din ang patuloy na pag-inom ng vitamins pagkapanganak dahil nakatutulong itong panumbalikin ang mga bitamina at mineral na nawala sa katawan ng babae sa panahon ng pagbubuntis at sa panganganak. Nagtataglay ang mga postnatal vitamin ng calcium, vitamins B at D, iodine, choline, and iba pang mahahalagang nutrisyong kailangan ng ina at ng baby.

Sa pag-inom ng mga vitamin ng bagong panganak, nasusuportahan nito ang postpartum na kalusugan sa:

• Pagtulong sa breastfeeding

Inirerekomenda ng mga eksperto na pagkonsumo nang hanggang 400 na calories kada araw kung nagpapasuso. Kaya ang postpartum vitamins na iniinom mo ay dapat nakatutulong sa pagpaparami ng bitamina at mineral na susuporta sa iyong pagpapasuso at pagpaparami ng iyong gatas.

• Pag-iwas sa anemia

Ang pagkawala ng maraming dugo mula sa panganganak ay maaaring magdulot ng iron deficiency anemia na maaaring maging sanhi ng mga sintomas ng postpartum gaya ng pagkapagod, panghihina, paglalagas ng buhok, pamumutla ng balat o gilagid.

• Pagbawas ng paglalagas ng buhok

Maaaring maranasan ang hair loss o paglalagas ng buhok pagkapanganak. Kadalasan na nagsisimula ito 3 buwan pagkapanganak at tumatagal nang 6 hanggang 12 linggo. Ngunit maaaring lumala ang kondisyon na ito kung may kakulangan sa nutrisyon.

Ang patuloy na paglalagas ng buhok ay kaugnay ng kakulangan sa selenium, zinc, at copper. Hindi man mapipigilan nang lubos ng mga vitamin ang postpartum hair loss, magagawa naman nitong mapigilan ang paglala ng kondisyon. Ang pagkuha ng sapat na protina mula sa mga pagkain ay makatutulog din sa pagbawas ng paglalagas ng buhok.

watch now

• Pagbabalanse ng hormones

Nagpoprodyus ang katawan ng maraming progesterone sa panahon ng pagbubuntis at bigla naman itong baba pagkapanganak. Magpoprodyus din ng kaunting estrogen ang iyong katawan kung nagpapasuso ka. Ang mga hormone na ito ay nagdudulot ng postpartum depression at pagkawala ng libido.

Hindi nasusuportahan ng mga vitamin lamang ang ganitong pagbabago sa katawan pero nakapagbibigay ito kinakailangang suporta. Dapat pa ring samahan ng tamang diet o pagkonsumo ng mga pagkaing mayaman sa omega-3 fatty acid upang mapababa ang banta ng postpartum depression. Nakatutulong naman ang mga vitamin B para sa produksyon ng estrogen, na mahalaga para tumaas ang libido.

• Pagbawas sa sakit ng kalamnan at iba pang kontraksiyon pagkapanganak

Maraming bagong panganak ang nakararanas nang hindi pagiging komportable dahil sa nararamdamang sakit ng kalamnan, pangangalay, pamumulikat, at uterine contraction. Ang kakulangan sa magnesium ang maaaring magdulot ng mga ito. Kaya ang pag-inom ng supplement ay makapagpapabawas ng tsansa ng muscle cramps at tindi ng kontraksiyon.

READ ALSO: 

Ano ang vitamins para sa bagong panganak?

Gaya ng naunang nabanggit, malaki ang naitutulong ng vitamins sa bagong panganagk upang matutugunan ang mga pangangailangang nutrisyon ng ina lalo na sa kaniyang pagpapadede. Karaniwan na bitamina at mineral ang kailangan ng ina para sa pagpapagaling ng katawan sa panganganak at sa pagpapasuso.

1. Iron

Isa ang iron na nababawasan pagkapanganak at kailangang mapanumbalik. Kapag nagpapasuso, ang iron na nasa katawan ng ina ay naipapasa naman sa baby para sa pagdebelop nito at para sa function ng thyroid. Ang maaaring pagkunan nito ay red meat, atay, clams, oysters, at mga berdeng gulay. Karaniwang iminumungkahi ang pag-inom ng iron supplement.

2. Vitamin B12

Kailangan ito ng maayos na debelopment ng red blood cell, produksyon ng enerhiya, at tumutulong sa pagbuo ng DNA. Makukuha ang ang bitamina na ito sa mga pagkain gaya ng clams, tuna, liver, beef, at salmon. Maaari din sa mga cereals at dairy products. Mainamn din ang pag-inom ng B12 supplement.

3. DHA, omega-3 fatty acid

Batay sa mga pag-aaral, nakapagpapabuti ng debelopment ng utak at paningin ang pagkakaroon ng mataas na DHA sa breast milk. Maaaring makuha ito sa mga pagkain ng salmon, sardines, itlog, at dairy products. Inirerekomenda ang pag-inom ng mga nanay na bagong panganak ng DHA supplement dahil marami ang hindi nakakukuha nito sa kanilang pagkain.

4. Choline

Nakatutulong ito sa debelopment ng utak para sa mga baby ngunit mayroon din itong benepisyo para sa mga ina. Nagagawa nitong maging maganda ang immune system kaya mahalaga ito pagkapanganak. Sa tulong ng vitamins na ito, nagagawang i-regulate ng iyong utak ang memorya, mood, at ibang mga function nito.

5. Vitamin D

Mahalaga ito bilang suporta sa immune system, utak, at nervous system at para mabawasan ang epekto ng postpartum depression at anxiety. Maaaring pagkunan ng ganitong bitamina ang mga pagkain ng fatty fish gaya ng salmon at tuna, ang atay, mga fortified daity, orange juice, at itlog.

6. Calcium

Kailangang mapanatiling may sapat na calcium ang katawan pagkatapos manganak lalo na kung nagpapasuso. Ayon sa National Institute of Health, karaniwang nawawalan ng 3-5% ng kanilang bone mass ang mga ina na nagpapasuso. Mahalagang masigurong sapat ang calcium sa iyong katawan upang matiyak ang kalusugan ng iyong buto.

Gaano katagal dapat uminom ng vitamis pagkatapos manganak?

Maaaring ipapatuloy ang pag-inom ng vitamins hanggang 3 buwan o hanggang nagpapasuso ka. Ipinapayo rin n mga eksperto na mainam din kung itutuloy ang pag-inom ng vitamins anim na buwan pa pagkatapos mong mapasuso. Kailangan ng sapat na panahon para mapanumbalik ang nutrisyon sa iyong katawan. Sa katunayan, walang nakatakdang panahon kung gaano ito katagal pero maaari mong isaalang-alang ang iyong pagpapasuso, kung makararanas ka ng vitamin deficiency, at kung nananais mong sundan muli ang iyong baby pagkaraan ng isang taon.

Sa kabuuan, kung gaano kahalaga ang pag-inom ng prenatal vitamins ganoon din ang postnatal. Walang dapat na ikabahala sa pag-inom ng vitamin pagkapanganak dahil malaki ang nagagawa nito sa kalusugan ng bagong mommy. Dapat kasabay rin nito ang masustansiyang pagkain para maging balanse at matugunan nang sapat ang mga kinakailangang nutrisyon ng katawan.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close