embed embed2
  • Narito Ang Sagot Sa Ilan Sa Mga Lagi Ninyong Tanong Tungkol Sa Inyong PhilHealth Membership

    Mula sa kung gaano kadalas nga ba dapat mag contribute hanggang sa paano mag-claim.
    by Ana Gonzales .
Narito Ang Sagot Sa Ilan Sa Mga Lagi Ninyong Tanong Tungkol Sa Inyong PhilHealth Membership
PHOTO BY PhilHealth
  • Sa kabila ng mga issues na kinakaharap ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth ngayon, hindi maikakailang malaki ang naitutulong nito sa mga Pilipino, lalo na sa mga taong walang sapat na pambayad sa kanilang mga medical bills. 

    Sa Smart Parenting Village, madalas magtanong ang mga miyembro tungkol sa kanilang PhilHealth membership. Kaya naman inipon namin ang ilan sa mga tanong na ito kasama na ang mga sagot ng mga nanay at impormasyon mula sa PhilHealth.

    Pwede bang gamitin ang PhilHealth ni Husband para sa aking panganganak?

    Oo. Siguraduhin mo lang na isa ka sa mga nakalistang dependents niya at nakapaghulog o contribute siya ng diretso at kumpleto sa loob ng isang taon. Kailangan ay updated din ang payment kada buwan. Ide-deactivate din ng PhilHealth ang iyong membership kapag ginamit mo ang membership ng asawa mo.

    What other parents are reading

    Kailangan ko bang palitan ang apelido ko sa PhilHealth ngayong may asawa na ako?

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Walang batas sa ating bansa na nagsasabing kailangan mong magpalit ng apelido ngayong kasal ka na. Ngunit sa experiences ng mga nanay sa Smart Parenting Village, nagpalit sila ng apelido para magamit nila ang insurance sa kanilang panganganak. May mga ospital kasi na hindi iho-honor ang iyong insurance kung hindi mo kaapelido ang iyong baby. Ang mahalaga ay mayroon kang kopya ng inyong marriage certificate bilang patunay ng inyong kasal.

    Pwede bang ilista as dependent ang anak ko kahit hindi pa siya ipinapanganak?

    Hindi. Pagkapanganak mo, automatic ng ililista ng ospital ang anak mo as dependent mo. Kailangan mo lang ibigay ang Certificate of Live Birth ni baby, filled out PMRF at ang iyong valid ID kung ikaw ang magpoproseso. Kung ibang tao naman, kailangan mo ng authorization letter, valid ID mo, at ID ng magpoproseso.

    What other parents are reading

    Naka-confine ang anak ko, hindi kami kasal ng tatay niya at nakasunod ang apelido niya sa tatay niya. Magagamit ko ba ang PhilHealth ko para sa kanya?

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Oo. Basta nakalista ang anak mo bilang dependent mo, kahit hindi kayo kasal ng tatay niya, magagamit mo pa rin ito para sa kanya.

    Sa lying-in lang po ako nanganak, magagamit ko po ba ang PhilHealth benefits ko para bayaran ang bills namin?

    Depende. Kung accredited ng PhilHealth ang lying-in kung saan ka nanganak, magagamit mo ang benefits mo para bayaran ang bills mo. Pero kung hindi member ng PhilHealth ang lying-in na pinaganakan mo, hindi mo magagamit ang benefits mo. Mas magandang siguraduhin mo munang accredited nga ng PhilHealth ang lying-in o ospital na pupuntahan mo.

    What other parents are reading

    Self-employed na ako ngayon at matagal akong hindi nakapaghulog sa PhilHealth, magkano kaya ang kailangan kong bayaran buwan-buwan? Kailan ko ito pwedeng gamitin?

    Php200 ang monthly contributions sa PhilHealth. Pwede mo rin itong gawing quarterly kung ayaw mo itong bayaran buwan-buwan. Kailangan mong makabuo ng nine months na payment bago mo ito magamit.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Anong mga requirements para magamit ko ang PhilHealth benefits ko sa ospital kapag nanganak ako?

    Bukod pa sa certificate of live birth ni baby, kailangan mo rin ng MDR at PhilHealth ID. Kailangan mo ring magdala ng kopya ng iyong CF1 at summary ng iyong contributions. Kung employed ka, company mo na ang magbibigay ng CF1. Isang tip mula sa mga moms sa Smart Parenting Village: magprint ka rin ng kopya ng PMRF para ma-update mo agad ang pangalan ni baby sa bagong MDR mo.

    Magkano po ang makukuha ko kung premature si baby?

    May tinatawag na Z Benefits for Premature and Small Newborns ang PhilHealth na maaari mong i-avail kung ikaw ay nasa 24 hanggang 36 at anim hanggang pitong buwan ng iyong pagbubuntis. Prevention of preterm delivery ang layon nito. Kung ipinanganak mo namang premature si baby, covered siya mula 24 weeks hanggang 37 weeks at ang timbang niya ay 500g hanggang 2,499g.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa prevention ng preterm birth, maaari kang makakuha ng mula sa Php3,000 hanggang Php4,000. Sa small newborns, maaari kang makakuha ng mula Php35,000 hanggang Php135,000. I-clik mo lang ang link na ito para makita ang buong listahan ng maaari mong makuha.

    Mayroon ka pa bang ibang tanong tungkol sa iyong PhilHealth membership na gusto mong masagot? Ipadala mo lang sa Smart Parenting Village o mag-iwan ka ng comment sa baba. 

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close