embed embed2
Pagbubuntis At Panganganak Sa Panahon Ngayon: 'Kung Anu-Ano Ang Pumapasok Sa Isip Ko'
PHOTO BY courtesy of Eloisa M. Calalo
  • Apat na buwang buntis si Eloisa M. Calalo nang magsimulang magsulputan ang COVID-19 cases dito sa Pilipinas noong February 2020. Kaya naman nag-doble ingat siya para maiwasan ang nakakahawang sakit na dulot ng novel coronavirus mula sa siyudad ng Wuhan sa China at mabilis na kumalat sa marami pang bansa.

    Kuwento ngayon ng mother of two, nagtatrabaho siya bilang associate product manager sa isa sa pinakamalaking business process outsourcing (BPO) companies. Nagsusuot na siya ng face mask pag pumapasok siya sa office kahit hindi pa ito mandatory nang panahon na iyon. Dinalasan din niya ang paghuhugas ng kamay at siniguro na mayroong bote ng alcohol sa kanyang mesa, habang maya’t-maya ang pag-spray niya sa kanyang mga kamay, computer keyboard at mouse. 

    “Takot talaga ako kasi mahirap na magkaroon ako, ’tapos pati ’yung baby ko, mahawaan pa,” lahad niya sa SmartParenting.com.ph

    What other parents are reading

     

    Nang ipatupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) noong mid-March bunsod ng health crisis, pumirmi na lang si Eloisa sa bahay. Kasama niya ang kanyang mister na si Marc Josef L. Calalo, na team manager sa isa pang BPO company, at kanilang panganay na si Macoi

    Pag dating ng mid-May, niluwagan ang paghihigpit sa paglabas bilang pag-iwas sa pagkalat ng virus hanggang tuluyang maging General Community Quarantine (GCQ) ang status nito mula June. Ngunit hindi naging kampante si Eloisa, bagkus lubha pa siyang nag-alala.

    Pag-amin niya, “Pati consultations with my OB, tinigil ko muna kasi takot akong lumabas. Natatakot akong magkaroon ng COVID-19, pati ’yung unborn child ko, so until May, di ako lumabas at nagpa-checkup. Iniinom ko lang ’yung mga vitamins na nireseta sa ’kin. And I was praying and hoping na walang mangyaring masama sa ’min ng baby ko while nasa bahay.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Lumabas lang daw siya ng bahay nang kinailangan niyang sumailalim sa lab tests, tulad ng ultrasound, at magpa-check-up na rin sa kanyang obstetrician-gynecologist. Komunsulta din si Eloisa sa dati niyang ob-gyn na affiliated sa ibang ospital. Hindi ito ang doktor na talagang pinupuntahan niya na ang clinic ay malapit sa kanyang office. Huminto muna ito nang magsimula ang community quarantine.

    What other parents are reading

    Bilang buntis sa gitna ng pandemya, pansin ni Eloisa ang pagtaas ng kanyang anxiety level. Aniya, “Kung ano-ano na rin ang pumapasok sa isip ko, like paano if magka-COVID ako? Paano ako gagamutin, eh, may baby ako sa tyan? Baka di ako puwede saksakan ng kung ano-anong gamot? Paano ako gagaling?”

    Dagdag pa niya, “Gusto kong lumabas para mawala ’yung stress and anxiety, kaso di naman puwede. So, I have to be really in control of my thoughts. I tried to lessen ’yung negative thoughts, and prayed na magiging maayos ang lahat until manganak ako.”

    Dumating ang pinakahihintay na araw ni Eloisa noong July 1, 2020. Dinala siya ni Marc Josef sa ospital na 15-to-20-minute drive away lang sa kanilang lugar sa Marikina City. Pinili niya ito dahil “confident ako na walang COVID cases kasi maternity hospital siya.”

    Sinusunod daw ng ospital ang mga health at safety protocol, tulad ng “no mask, no entry” at temperature check sa lahat ng pumapasok doon. Kahit consultation sa ob-gyn, pasyente lang ang puwedeng pumasok sa silid at bawal na ang kung sino mang kasama nito. 

    What other parents are reading

    Bago naman ma-admit sa ospital, halimbawa ang manganganak, sinabi niya sa amin na required ang pasyente at bantay nito na kumuha ng rapid test kaugnay ng COVID-19. Pag positibo daw ang pasyente sa virus, ire-refer ito sa ibang ospital para doon manganak. Kung may karagdagang bantay na pupunta sa ospital, kailangan din nitong sumailalim sa rapid test. 

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Isinilang ni Eloisa si Marco Xavier at may palayaw na Max sa pamamagitan ng Cesarean section, tulad ng panganay na si Macoi.

    Nagpapasalamat si Eloisa na nasunod ang kanyang birth plan at walang naging aberya. Naopera siya ng Wednesday at pagdating ng Friday, nakauwi na siya sa bahay.
    PHOTO BY courtesy of Eloisa M. Calalo

    “Ang pinakamahirap lang naman pag C-section is ’yung after childbirth,” pahayag niya. “I hate the feeling of being groggy. As much as I wanted to sleep, di ko magawa kasi masakit ang ulo ko. ’Tapos no’ng nasa recovery room, nagchi-chills ako. Fortunately, wala naman complications during or after childbirth.”

    May payo siya sa mga buntis: “Please don’t be complacent. Kailangan laging mag-ingat. Always wear your face mask and wash your hands properly. Matakot sa COVID-19 (pero huwag naman sobra), just enough para protektahan ang sarili at ang baby. 

    “Drink your vitamins regularly. Get enough sleep. Huwag matigas ang ulo at magpumilit lumabas. Huwag na muna makipagkita sa mga friends/relatives, etc. Keep in touch with your OB. Puwede naman mag-consult through text, if takot lumabas.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close