-
Pwede Bang Maligo Pagkapanganak? Ito Ang Sagot Ng Mga Eksperto Taliwas Sa Pamahiin
May mga paalala lang kung susubukang maligo.by Dinalene Castañar-Babac . Published Mar 16, 2023
- Shares
- Comments

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.
Kapag malapit nang manganak, naghahanda na ang buntis bago siya magpunta sa kaniyang ob-gyn o sa hospital. Maggagagayak nang maayos at maliligo siya para mas presko rin ang pakiramdam. Bukod pa rito, hindi kasi nawawala ang paniniwala ng mga Pilipino na hindi raw puwedeng maligo ang bagong panganak. Nariyan ang posibilidad na magdulot ng binat sa panganganak, mapasukan ng lamig, at mabaliw.
Kaya minamabuti ng ibang buntis na maligo na bago manganak dahil sa paniniwala nilang hindi sila agad makaliligo pagkatapos manganak. Iba’t iba ang pananaw ng mga Pilipino sa pamahiing ito. Pero ano nga ba ang paliwanag ng mga eksperto tungkol dito?
Batay sa mga eksperto, wala namang siyentipikong paliwanag ang pagbabawal ng pagligo pagkapanganak. Sa katunayan, malaki ang naibibigay nitong ginhawa sa bagong panganak.
Mga benepisyo ng pagligo ng bagong panganak
Kadalasan na ngang tanong ng mga bagong nanay kung puwede na bang maligo pagkapanganak?' Palagi rin namang ipinapayo ng mga doktor na okay at safe ang pagligo para sa mga bagong panganak. Paalala lamang nila na mas mainam na maligamgam na tubig ang ipanligo.
Sa katunayan, hinihikayat ng mga doktor ang mga bagong pananganak na mapanatili ang kalinisan ng kanilang katawan upang makaiwas sa anumang sakit kaya naman mahalaga ang pagligo para maalis sa katawan ang mikrobyo at bakteriya.
Maituturing na therapeutic ang pagligo ng maligamgam na tubig pagkatapos manganak. Maraming benepisyo rin ang naidudulot nito sa isang bagong nanay, kabilang ang mga sumusunod:
1. Nakatutulong sa healing process o pagpapagaling ng sugat ng bagong panganak kasama na rito ang hermorrhoids o almoranas kung nagkaroon siya nito.
2. Nakapagpapa-relax ng isip at katawan.
3. Nagagawa nitong maibsan ang tensyon at pagod ng katawan dulot ng panganganak.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW4. Nagiging maayos din ang pagdaloy ng dugo, lalo na ang sitz bath.
5. Nagagawa ring maging malinis ang dede lalo na ang nipple area para sa baby kapag nagpadede.
6. Nakatutulong din ito sa pagpapalabas ng gatas sa dede at maibsan ang sakit na dulot ng pagbara ng mga milk ducts.
Sa mga may episiotomy o may tahi at sugat sa vagina, ipinapayo ng mga doktor na maghintay muna ng 1 araw o 24 oras bago ang pagligo para makaiwas sa anumang komplikasyon.
Samantala, kahit na Cesarean section ang panganganak ay ipinapayo rin ang pagligo. Iwasan lamang na mabasa ang sugat para hindi kapitan ng mikrobyo. Ang ginagamit naman ng mga doktor ngayon sa mga hospital na pantakip sa mga sugat ay itong waterproof self-adhesive dressing. Ito ay para makaligo ang bagong panganak pag-uwi sa bahay at maiiwasang mabasa ang sugat habang naliligo.
Mahalaga kasing mapanatiling malinis ang iyong puwerta, may tahi man ito o wala, para mas mapabilis ang paggaling ng sugat at maiwasan na magkaroon ng impeksyon. Kaya bukod sa pagligo, ipinapayo rin ng mga doktor ang paghuhugas ng sugat ng dalawang beses sa isang araw gamit ang mild soap at maligamgam na tubig.
CONTINUE READING BELOWwatch nowIlang paalala sa pagligo pagkapanganak
1. Maaari kang maligo pagkapanganak ngunit tiyaking kaya mo na ring kumilos o may sapat na lakas ka na para sa pagligo.
2. Iwasan muna ang pagbabad o pagligo sa bath tub. Palipasin muna ang 3 araw ng pagkapanganak o kung ano ang ipapayo ng iyong doktor din.
3. Isaalang-alang din ang mga produkto na gagamitin mo sa pagligo o iyong ilalagay mo sa bath tub. Tiyaking safe ito para sa iyo.
4. Hindi kailangan ang matagal na pagligo. Tiyaking sapat na malinis lamang ang iyong katawan.
5. Punasang mabuti ang sugat at dahan-dahan lamang. Mahalagang napananatiling tuyo ang mga bahaging ito.
Bago ka umuwi at ang iyong baby sa bahay mula sa ospital, magbibibigay din naman ng payo ang iyong doktor sa mga dapat mong gawin o iyong pangangalaga sa iyong sarili bukod kay baby. Sunding mabuti ang ibibigay na bilin sa iyo higit lalo sa pangangalaga sa iyong sugat dulot ng panganganak.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWTandaang mahalaga ang pagpapanatiling malinis ng katawan at pagsunod sa tamang hygiene practices para sa ikabubuti mo.
Kung may mapansin kang kakaiba gaya ng sumusunod, ipagbigay alam mo agad sa iyong ob-gyn:
- Pagkakaroon ng lagnat
- Pakiramdam na giniginaw
- Hindi pangkaraniwang vaginal discharge
- Matinding pagdururgo
- May papamaga at labis na sakit ng iyong sugat o tahi
- Hirap sa pag-ihi o pagdumi
- Hirap sa paghinga
Totoo rin namang walang masama kung susundin ang matatandang pamahiing Pilipino hinggil sa panganganak ngunit mas mainam na gawin ang makabubuti para sa iyong sarili. Tiyak na mas makakaramdam din ng ginhawa ang katawan kung maliligo pagkapanganak.
Kailangan mo ring buhatin at alagaan ang iyong baby kaya mainam na malinis sa pangangatawan. Piliin lamang ang pagligo na maligamgam ang tubig. Wala namang problema din kung maglalagay ng mga pinakuluang dahon-dahon gaya ng bayabas at sambong sa pampaligo dahil ang mga ito ay itinuturing namang halamang-gamot na nakatutulong din sa pagpapagaling ng sugat.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW---
Mga pinagkunan ng impormasyon:
When Should You Take A Bath After Giving Birth
Can you take a bath after giving birth – and when
---
Basahin dito ang tungkol pa sa postnatal care.
What other parents are reading

- Shares
- Comments