embed embed2
  • Halos anim na buwan na ang sanggol sa kanyang sinapupunan nang malaman ni Regine Tolentino na buntis siya sa ikatlong beses noong huling bahagi ng 2019. Abala daw siya nang mga panahon na iyon sa trabaho bilang host/actress, dancer/fitness instructor, at couturier/boutique owner. Dumalas din ang kanyang mga local at international travels. 

    Pansin lang ni Regine, “I really felt so beautiful because I felt so healthy, I felt so strong. I felt so empowered that I can get the things that I want, I can move, and I can just be myself. I was just enjoying ang pagkababae ko, being me, a working mom at my age.” 

    Ngunit nang papalapit na ang kanyang due date bandang March 2020, nagulo ang kanyang magandang disposisyon sa pagkalat ng bagong sakit na COVID-19. Idinetalye ni Regine ang kanyang mga pinagdaanan sa SmartParenting.com.ph at iba pang media outlets sa virtual presser niya bilang endorser ng supplement brand na Radiance C Vitamin C Plus nitong September 5, 2020. Tatlong araw iyon bago ang kanyang 42nd birthday sa September 8.

    What other parents are reading

    Pangaganak na kasagsagan ng COVID-19 

    Sobra daw ang takot niya dahil noong March, araw-araw siyang nagpupunta sa ospital kasama ang kanyang partner na si Dondi Narciso, isang photographer-director, para sa kanyang checkup. Pagbabalik-tanaw niya, “Gustong-gusto ko nang manganak, eh hindi pa nagda-dilate whatever, ganyan."

    Dugtong niya na takot silang dalawa na mahawaan ng COVID-19 at “very, very stressful” ang pakiramdam ng lahat, tulad ng medical at nonmedical frontliners. Kaya naging maingat na lang sila sa kanilang mga kilos at tutok sa pagsuot ng protective gear

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Isang araw pagkatapos ideklara ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa buong Luzon, isinilang ni Regine ang panganay nila ni Dondi na pinangalanan nilang Rosie noong March 17, 2020.

    Si Baby Rosie ang kumumpleto sa Tres Marias sa pamilya na kinabibilang din nila Reigne, 21, at Reigen, 19, na mga anak ni Regine sa dating asawa na si Lander Vera-Perez.

    What other parents are reading

    Na-emergency CS si Regine Tolentino

    Kuwento ni Regine na sumailalim siya sa emergency CS at nailuwal si Baby Rosie. Nagkaroon ng pneumonia ang sanggol, kaya kinailangang ma-confine ito sa ospital nang 10 araw. 

    Pag-amin niya, “I was so depressed. Parang napaaga ang postpartum depression ko. I felt I was crying morning till night every day that I was at the hospital. Kasi na-CS din ako. With that and all the stress of not being able to see your child for the first few days and the stress of kung lalabas ang breast milk mo and kung makikita mo s’ya and kung paano mo s’ya ilalabas. 

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    “It was a very traumatic experience for me, to be honest. It was more challenging to take her home because they [the doctors] actually wanted to keep her there for another two weeks. And I had to talk to the doctors and consult many professionals to make sure safe siyang iuwi.”

    Lahad niya na hindi mapanatag ang kanyang isip sa kakaisip ng mga posibilidad na mangyari sa kanya at kanyang sanggol, lalo na’t nasa ospital sila habang tuloy-tuloy ang pagpasok ng mga pasyante ng COVID-19.

    What other parents are reading

    Nakaramdam ng postpartum depression si Regine  

    Dagdag pa dito, 19 taon na ang nakalipas nang huli siyang nanganak at unang beses namang makaranas ng C-section, kaya lubhang nanibago at nahirapan si Regine. Ang akala daw niya ay tulad noong dati na magiging madali lang ang lahat.

    Laking gulat niya na hirap siyang gumalaw. Hindi nga raw siya makapunta sa banyo mag-isa, halimbawa. Kailangan na may umaalalay sa kanya, at “heartbreaking” para sa kanya na maging immobile, lethargic, at dependent sa mga tao sa paligid niya. Sanay kasi siya sa pagkakaroon ng active lifestyle at punong abala sa maraming bagay.”

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa puntong iyon, nasabi niyang “I felt at my ugliest” habang humaharap sa “very challenging obstacle.” Mabuti na lang at malakas ang kanyang support system na walang sawang nagbigay sa kanya ng motivation tungo sa recovery. Sila-sila lang din ang tulong-tulong sa pag-aalaga kay Baby Rosie at sa lahat ng gawain dahil wala silang kasambahay.

    What other parents are reading

    Postpartum recovery

    Paliwanag ni Regine na “slow progress” ang panunumbalik ng kanyang sigla mula sa pagbangon sa kama hanggang sa paggawa muli ng mga bagay na dati niyang ginagawa. Nakatulong daw ang panonood niya ng videos upang makakuha ng inspirasyon galing sa kanyang “favorite people,” tulad ni Jennifer Lopez. Hangang-hanga kasi siya sa pagiging positive, sexy, at vibrant ng 51-year-old American singer-actress.

    Malaking tulong din ang kanyang mga anak na sina Reigne at Reigen sa pagbabawas niya ng timbang. Nag-umpisa sila sa pagkain ng healthy dishes at pagkakaroon ng physical activity kahit hindi todong workout dahil bawal pa siya. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Para mas ganahan siyang magpapayat pa, sinusuot niya ang mga dating damit, gaya ng fitness outfit, kahit masikip at hindi pa masyadong bagay sa kanyang pangangatawan. Gumagaan daw ang kanyang pakiramdam dahil layunin niyang makarating sa puntong kasya na ulit ang mga damit na iyon sa kanya. Nagsimula na rin siyang pumostura at iniwasan ang pagsusuot ng pambahay buong araw. Hindi daw kasi sanay ang mga anak niyang makita siyang losyang. 

    Sa ngayon, masayang pahayag ni Regine na “bustling with joy” ang kanilang tahanan. Si Baby Rosie daw ang  “light of our lives” at tagapagdala ng “sunshine.” Tinatawag din niya ang sanggol na “my wake-up call” at “my silver lining” sa gitna ng pandemya. 

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close