;
embed embed2
Nanganak Na Sina Ryza Cenon, Maya Flores At Regine Angeles!
PHOTO BY Instagram/g_eigenmann_ and iamryzacenon
  • Sa gitna ng katuwaan at katatakutan ng Halloween, isinilang ni Ryza Cenon ang kanyang unang supling na pinangalanan na niyang Night bago pa ito lumabas nitong October 31, 2020.

    WHAT PARENTS LIKE YOU ARE READING

    “Napakahirap pero lahat worth it,” lahad ng aktres kinaumagahan ng November 1 sa kanyang Instagram post. Makikita sa litratro na hawak niya ang mga munting daliri ng panganay nila ng partner na si Miguel Cruz, isang cinematographer. Pagbati niya sa sanggol na lalake, “Welcome Baby Night!”

    Halloween din nanganak ang singer na si Maya Flores sa ikatlo naman nilang anak ng fiance na si  Geoff Eigenmann, isang aktor. 

    Ibinahagi ni Geoff ang magandang balita noon ding araw na iyon sa photo-sharing app na kalakip ang larawan ng kanyang mag-ina. Ipinakilala niya ang sanggol na babae bilang si Penelope Rose Eigenmann na may nickname na Pepper at birth time na 11:11 a.m. Sabi pa niya, “We are now a family of 5.”

    Nanganak rin ng Halloween si Regine Angeles. Sa Instagram post, sinabi niya na normal ang kanyang delivery. Kaia Rosalie ang ipinangalan nila ng kanyang asawa na si Van Victor Leano sa kanilang pangawalang baby.

    Pinasalamatan ni Regine ang kanyang doktor sa caption. “Thank you so much @thejavismd for helping me get through this kahit na ang laki laki ni baby. Thank you Lord for this wonderful blessing!”

    Noong September 2020, nagbigay si Geoff ng online interview sa SmartParenting.com.ph habang nagaganap ang baby shower para sa parating pa lamang nilang Baby Number 3. Ikinuwento niya na two names at food-related nickname ang ibibigay nila sa sanggol, tulad ng elder kids. Ang panganay na si Arabella Simone, 3, ay may palayaw na Beanie, at Angus naman sa ikalawa na si Augustus Geoffrey, 1.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sa kabilang banda, desidido talaga ang isa pang celebrity parent na si Ryza na isang pangalan lang ang ibigay sa anak. Kuwento niya sa amin sa sarili niyang baby shower noon ding September na Night ang napili niyang itawag sa baby dahil nagbibigay ito ng liwanag sa mga gabing inaatake siya ng insomnia.

    WHAT PARENTS LIKE YOU ARE READING

    Ang suhestiyon naman daw ng partner ng aktres na si Michael ay idagdag ang Irie, na “good, nice, pleasing” ang ibig sabihin sa Jamaican English. Kaya Irie Night, or “good night,” sana. Pero giit ni Ryza na siya ang masusunod.

    What other parents are reading

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.
Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles