health,Tagalog,mental health,panganganak,binat,sc23,People & Society,Family/Children,Genres,Sintomas Ng Binat Pagkatapos Manganak | Smart Parenting,Postpartum, binat, symptoms, sintomas,Mga dapat bantayan sa kalusugan ng ina matapos manganak
PregnancyLabor & Childbirth

Kailan Masama Ang Manas, At Iba Pang Dapat Bantayan Matapos Manganak

Kailan delikado and paghilab ng tiyan matapos manganak?
PHOTO BYADOBE

Matapos ang 9 na buwan na pagbubuntis, at madaanan ang paghihirap sa panganganak, nangangailangan ang mga ina ng tamang kalinga, pahinga, at medikal na atensiyon.

Mahirap man ito mapanindigan sa dami ng oras na dapat ilaan sa pag-aalaga ng sanggol, mahalaga na alam ng ina, kaniyang asawa, at ibang myembro ng pamilya ang mga dapat bantayan upang masiguro ang mabilisang paggaling ng ilaw ng tahanan. 

Ayon sa World Health Organization (WHO), mainam na ma-monitor ang kalagayan ng ina sa loob ng ilang linggo matapos ito manganak, upang maagapan ang postpartum o postnatal na mga karamdaman. Sa Pilipinas, tinatawag ng ilan na binat ang iba’t-ibang karamdaman na ito, na kadalasan ay may sintomas na biglaang panghihina, o matinding pananakit ng ulo at katawan.

Ayon sa World Health Organization, ito ang mga danger signs na dapat maagapan matapos ang panganganak 

  • Labis na pagdurugo

  • Mabahong vaginal discharge

  • Lagnat

  • Matinding sakit ng tiyan

  • Hirap sa paghinga

  • Pamamaga ng kamay, mukha, hita, na may kasabay na matinding pananakit ng ulo o pagkahilo; 

  • Matinding sakit ng suso

Paliwanag ng mga eksperto, marami ang dapat bantayan sa kalusugan ng isang ina. Narito ang ilan:

1. Matinding pagdurugo, malakas na contraction o paghilab ng tiyan, at mataas na blood pressure

Ayon sa WHO, mainam na bantayan ang pagdurugo matapos ang panganganak. Normal man ang post-partum bleeding, hindi maaari na mawalan ng maraming dugo ang ina. Sa pag-aaral ng National Center for Biotechnology Information sa Amerika, postpartum hemorrhage (PPH) o blood loss ang tawag sa higit isang litro na pagkawala ng dugo matapos ang panganganak.  Ito ay delikado at maaaring ikamatay. 

Mainam rin na pakiramdaman ang sakit ng paghilab ng tiyan, dulot ng uterine contractions. Makabubuti ang pagpapasuso sa sanggol o breastfeeding upang mabawasan ang paghilab, dagdag naman ng WHO. 

Nararapat din na i-record ang blood pressure, lalo na sa loob ng 24 oras matapos manganak, upang mapigilan ang eclampsia, na maaaring magdulot ng seizures o kumbolsiyon at sa mga malalang kaso, ikamatay ng ina. 

watch now

2. Bantayan ang paggaling ng sugat, pagdumi at pag-ihi, pagsakit ng suso

Nararapat na may 5 na follow-up check-up ang ina upang mabantayan ang progreso ng kaniyang paggaling. Sa loob ng 6 na linggo, babantayan kung walang impeksiyon ang kaniyang mga sugat, normal or Caesarian delivery man.

Ilan sa mga dapat tandaan at masagot ay ang mga sumusunod: tama ba ang kaniyang pagdumi at walang almoranas na maaaring magdulot ng pagdurugo habang dumudumi; kung gaano karami ang kaniyang lochia o dugo na lumalabas matapos manganak; at kung mayroong di kanais-nais na pagsakit sa suso. Ang mga ito ay maaaring matugunan ng health worker o mga doktor. 

3. “Manas” o post-partum edema

Kadalasan nagsisimula ang pamamanas sa ikatlong trimester ng pagbubuntis. May mga kaso naman ng paglala ng manas o “edema” matapos ang panganganak. Ito ay bunsod ng water retention ng katawan. Maaaring mabilis na mawala ang pamamaga sa pag-angat ng paa habang nakaupo. Nararapat naman konsultahin ang doktor kung ang manas ay hindi nawawala matapos ang isang linggo. 

4. Lagnat matapos manganak na maaaring sintomas ng infection

Ang lagnat ay paraan ng katawan upang labanan ang bacteria at virus. Kung may lagnat pagkatapos manganak, dapat na matingnan kung ang ina ay may bacterial infection. Mahalaga na maagapan ang impeksiyon. Ang impeksiyon ay maaaring maiwasan sa pamamagitan ng pagsunod sa itinalagang health practices ng WHO, gaya ng malinis na lugar ng paanakan, paglilinis sa maselang bahagi ng ina bago manganak, at pagbibigay ng karampatang gamot gaya ng antibiotics kung kinakailangan. 

5. Pagod at puyat lamang o post-partum depression na? 

Iminumungkahi ng WHO na alagaan hindi lamang ang physical na estado ng ina, kundi pati na rin ang kaniyang emosyon at mental na kalagayan. Sa loob ng 10-14 days matapos ang panganganak, mainam na matanong ang ina tungkol sa kaniyang mga nararamdaman (galit, lungkot, takot, atbp), at kung paano siya makitungo sa sanggol. Bantayan ang mga sintomas ng “maternal blues” gaya ng pabago-bagong mood, madalas na pag-iyak, matinding kalungkutan at pagkawala ng tiwala sa sarili. Agapan ito agad sa pagkonsulta sa espesyalista. 

Mahalaga na may kaagapay ang ina sa pag-aalaga sa bata upang siya ay makahanap ng oras para sa tamang pagkain at makakuha ng sapat na tulog, dagdag pa ng WHO. 

Ilan lamang ang mga ito sa dapat bantayan. Mainam na patuloy ang pagkonsulta sa mga doktor matapos ang panganganak, at masunod ang mga required na check-up. 

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close