Alam nating lahat na ang pagbubuntis ay isang napakagandang biyaya, pero hindi natin maikakaila na may kaunting pagbabago din ito pagdating sa ating physical appearance. Kaya bago mo salubungin si baby, why not give yourself a little glow-up?
Narito ang mga safe at mom-approved beauty treatments para tulungan kang maging maganda at komportable bago manganak. Tandaan: when in doubt, you can always consult your doctor first!
Safe, Mom-approved Beauty Treatments before Giving Birth
Hair Cut and Hair Treatments
As a mom of two, trust me, hindi mo na gugustuhing mag-ayos ng buhok araw-araw kapag may newborn ka na! Kaya bago manganak, magpa-hair cut or hair treatment na! Subukan ang keratin treatment o natural oil-infused therapy para sa mas malambot at at manageable hair kahit bagong gising.
Kung gusto mong magpa-hair color, payo ng mga eksperto na maghintay ng second trimester bago ito gawin. Nirerekomenda rin ang highlights na hindi makakaapekto sa scalp.
Mommy peg: Iya Villania Arellano
Makikita sa Instagram reel na pinost ni Iya na ang hairstyle na napili niya ay sleek at modern bob cut na may full bangs–sobrang flattering sa mukha niya.
View this post on Instagram
Mga salon na pwede bisitahin ng mga expecting moms:
Studio Fix by Alex Carbonell
Toni & Guy
Hairshaft Salon
Zero1story salon
Miqesi Salon
Facial
Para sa fresh and glowing aura kahit puyat ka, subukan ang all-natural facial gamit ang gentle ingredients tulad ng honey, aloe vera, at kalamansi. Ibilin sa beauty technician na ikaw ay buntis, para siguradong safe and gentle ang gagamiting products para maiwasan ang irritation, lalo na para sa mga buntis na may sensitive skin.
Mommy peg: Angelica Panganiban-Homan
Sa kanyang post noong ipinagbubuntis pa lamang niya si Amila Sabine, makikita kung gaano ka-glowing at healthy ang kanyang balat matapos ang prenatal facial sa isang sikat na clinic. Ang kanyang relaxed at confident na aura ay nagpapakita kung gaano kahalaga ang self-care para sa mga soon-to-be moms.
View this post on Instagram
Mga safe na facial treatments para sa buntis, ayon sa Healthline:
- Hydrating Facials – Boosts moisture with gentle ingredients like aloe vera.
- Oxygen Facials – Revitalizes skin for a fresh, glowing look.
- Gentle Deep Cleansing Facials – Controls breakouts with pregnancy-safe products.
- Enzyme Facials – Exfoliates using natural fruit enzymes like papaya.
- Brightening Facials – Helps with pigmentation using vitamin C.
- Mild Exfoliation Facials – Uses oatmeal or honey for gentle exfoliation.
- Aromatherapy Facials – Relaxing with pregnancy-safe essential oils.
Saan pwede magpa-facial ang buntis?
Belo Medical Clinic
Aivee Clinic
Cathy Valencia Skin Clinic
Kamiseta Skin Clinic
Prenatal Pilates
Ang prenatal Pilates ay nakakatulong hindi lang sa flexibility at relaxation, kundi pati na rin sa overall well-being mo bilang isang mommy-to-be. It’s the secret to that inner glow na mahalaga kaysa sa kahit anong makeup!
Mommy peg: Sheena Halili-Manzanero
In an Instagram reel, makikita kung paano niya na-maintain ang pagiging active kahit buntis. Pilates helps her stay fit, and also gives her mental and emotional strength while she's preparing for the arrival of her second child.
View this post on Instagram
Pre-natal Pilates studios to try:
Onelife Studio
Fit to Live Pilates
Every.day Pilates
XO Alabang
ELV8 Studio
Eyelash Extensions
Isa pang safe and recommended beauty treatment bago manganak ay ang eyelash extensions. Perfect ito para sa busy, postpartum moms dahil hindi na kailangang mag-makeup araw-araw. Choose a natural curl para effortless at low-maintenance ang look.
Mommy peg: Joyce Pring Trivino
Mukhang effortlessly glowing at radiant sa photo na ito si mom of two Joyce because of her lashes. Option rin ang lash lift, na mas natural na paraan para i-enhance ang iyong lashes.
View this post on Instagram
Saan pwede magpa-eyelash extensions ang buntis?
New Lounge
Ilash Extension salon
Strokes Eye Beauty Studio
Ayumi Eyelashes
Lash Manila
Skincare Routine
Hindi kailangang maging complicated ang skincare routine mo, lalo na’t mag-iiba talaga ang priority pagdating ni baby. Go for pregnancy-safe products tulad ng gentle facial cleansers, hydrating serums, at sunscreen para protektado ang skin mo sa araw-araw. Huwag kalimutan ang moisturizer para ma-maintain ang healthy glow kahit puyat sa pag-aalaga kay baby.
Mommy peg: Camille Co-Koro
Makikita sa post ni Mommy Camille na glowing ang kanyang skin noong buntis siya sa kanyang second child. Gamit lamang ang mga produkto na walang harsh chemicals tulad ng retinol o parabens, na-maintain niya ang healthy skin kahit buntis.
View this post on Instagram
Pregnancy-safe skincare shops to check out:
Ckin Collective
Happy Skin
Cetaphil
CeraVe
Beauty Treatments na Dapat Iwasan ng mga Buntis
Bagamat maraming beauty treatments ang ligtas para sa buntis, may ilang dapat iwasan para sa kalusugan ng mom and baby. Halimbawa, ang paggamit ng nail polish at acrylic nails ay hindi inirerekomenda ng mga eksperto dahil kinakailangan ng mga healthcare professionals na makita ang natural na kulay ng iyong kuko sa panganganak. Ang kulay ng kuko ay maaaring maging indication ng oxygen level at overall health condition ng isang buntis, kaya mas mainam na panatilihing natural ito bago manganak.
Isa pang beauty treatment na hindi inirerekomenda ay ang microblading. Dahil sa hormonal changes ng buntis, maaaring maging mas sensitibo ang balat, na maaaring magdulot ng matagal na pamamaga, pangangati, o impeksyon. Bukod dito, may posibilidad din na magbago ang pigment absorption ng balat dahil sa fluctuating hormones, na maaaring humantong sa hindi pantay na kulay ng kilay matapos ang procedure.
Ano ang mga alternatibo na pwede gawin?
Para sa eyebrows na on fleek: Maaaring gumamit ang buntis ng brow gels, eyebrow pencils, o brow mascaras na hindi nangangailangan ng invasive procedures.
Para sa magandang nails: Maaaring gumamit ng pregnancy-safe nail strengtheners o cuticle oils upang mapanatili itong malusog at makinis.
Interesado ka bang magpa-vaginal rejuvenation pagkapanganak? Basahin ang review dito.