party planning,birthday,Tagalog,Harry Potter,Smart Parenting Village,Harry Potter theme,baby stage,toddler stage,cake smash,DIY Harry Potter Cake Smash For P2,000,harry potter, cake smash, cake, diy, diy cake smash, smart parenting village, party planning,Dahil paborito talaga ni mommy ang Harry Potter series, ito ang naisip niyang theme para sa pre-birthday photoshoot ng anak niya.
Isa sa mga challenges ng mga nanay pagdating sa party planning ay ang pag-iisip ng theme. Buti na lang at mahilig sa Harry Potter ang mommy na nakilala namin sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.
Ayon kay mommy Marianne Uy-Quiogue, na isang self-proclaimed Gryffindor, bata pa lang siya ay talagang mahilig na siyang magbasa ng mga libro. “I love reading books, every single books, comics, magazines, i will find in our house, I will read them,” kwento niya. “A friend knew I love reading then she let me borrow her Harry Potter collection and I fell in love with the story.” At gaya nga ng sabi nila, the rest is history.
Kaya naman nang magkaanak si mommy Marianne, Harry Potter ang naisip niyang theme para sa pre-birthday photoshoot ng kanyang baby.
Magkano ang photoshoot at venue?
PHOTO BY Marianne Uy-Quiogue
Libre ang photoshoot at venue ni mommy dahil ninang ni baby ang kumuha ng mga litrato at sa hardin lang sa bahay nila ginanap ang photoshoot.
Paano ginawa ang mga props?
Nagtapos si mommy na may degree sa pagpipinta kaya naman hindi na kami nagtaka kung bakit maganda ang disenyo ng mga props na ginamit niya.
Luggages
PHOTO BY Marianne Uy-Quiogue
watch now
Para mabuo ang mga luggages, gumamit siya ng mga lumang kahon ng computers na galing sa IT department sa opisina nila. Saka niya ito binalot ng kraft wrappers at dinisenyohan ng brown na ribbons, stamps, at acrylic paint details. Narito ang breakdown ng nagastos niya:
Old computer boxes - Free (galing sa office ni mommy)
Kraft wrappers - Php45
Brown ribbons - Php61
Stamps - Php38 para sa 48 piraso
Acrylic paint - Free (galing sa sariling gamit ni mommy)
Total: Php144
Wands
PHOTO BY Marianne Uy-Quiogue
Kahit na pre-birthday photoshoot pa lang ito ay ready na ang giveaway ni mommy—64 piraso ng wands na siya mismo ang gumawa. Sa itsura ng mga ito, maniniwala ka bang gawa ito sa mga lapis at melted glue stick?
PHOTO BY Marianne Uy-Quiogue
Babalutin mo lang ang taas na bahagi ng lapis ng melted glue stick at ipapalibot mo ito para magsilbing hawakan ng iyong DIY wand.
PHOTO BY Marianne Uy-Quiogue
Para sa tags naman, nag-print lang si mommy sa Kraft paper ng sarili niyang disenyo at doon niya inipit ang mga wands na ginawa niya. Narito ang breakdown:
Pencils - Php60 para sa 64 pieces)
Spray paint - Php85 sa Divisoria
Glue gun - Php125
Glue sticks - Php102 para sa 100 piraso
Letter-size Kraft paper para sa tags - Php95
Printing - Php110 para sa 11 sheets ng tags
Total: Php577 o Php10 para sa isang piraso ng wand
Candles
PHOTO BY Marianne Uy-Quiogue
Syempre, hindi kumpleto ang Harry Potter theme ni mommy kung wala ang mga enchanted na kandila.
PHOTO BY Marianne Uy-Quiogue
Binuo niya ang mga ito gamit ang mga lumang tissue rolls. Para naman makuha niya ang melted candle effect, gumamit siya ng melted glue stick. Inilagay niya lang ito sa gilid at sa paligid na malapit sa “apoy” ng kandila.
Para mas mag-mukhang realistic ang kanyang enchanted candles, gumamit siya ng spray paint para pinturahan ito ng puti.
Bumili rin siya ng LED tea light candles sa Divisoria para magmukhang nakasindi ang mga kandila.
Ito ang total ng kanyang ginastos:
Tissue rolls - Free (inipon ni mommy ng matagal ang mga ito)
Spray paint - Php85
Glue sticks - Mula sa mga natira na ginamit sa wands
LED tea light candles - Php216 sa Divisoria para sa 24 piraso
Total: Php301
Bertie Botts Every Flavor Beans
PHOTO BY Marianne Uy-Quiogue
Isa ito sa mga unang treats na natikman ni Harry nang makarating siya sa Wizarding World, kaya naman hindi pinalampas ni mommy na isama ito sa photoshoot ng kanyang anak.
Mayroong printable boxes na pwede mong makuha online, basta may printer ka, pwedeng-pwede mo itong gawin. Bumili lang si mommy ng jellybeans sa Divisoria.
Every Flavor Beans boxes - Php175 hindi kasama ang jellybeans
Total: Php175
Costume
PHOTO BY Marianne Uy-Quiogue
Para sa costume, binili ni mommy ang tutu at glasses sa nakaraang 10.10 sale ng Shopee kaya naman nakuha niya ito ng murang-mura.
Tutu Skirt - Php200
Eyeglasses - Php55
Necktie - Free (meron na si mommy)
Total: Php255
Cake
PHOTO BY Marianne Uy-Quiogue
Agaw pansin din ang smash cake ni baby dahil kuhang-kuha nito ang firt birthday cake ni Harry na makikita mo sa film adaptation ng libro.
Inorder niya ang cake mula sa Rylhomemade at nakuha niya ito sa halagang Php550. Ito’y isang 8in x 3in na banana cake na may strawberry frosting.
Ayon kay mommy, nakuha niya ito ng mura dahil simple lang ang design. Unique rin daw ito kaya nagustuhan ng may-ari ang challenge na buuin ang cake.
Iba pang mga elemento
PHOTO BY Marianne Uy-Quiogue
Kung mapapansin mo ay may mga libro rin ng Harry Potter sa background. Ang isa dito ay iniregalo kay mommy, habang ang ilan naman ay mga libro niyang binalot niya ng printable book covers para talagang lumutang ang Harry Potter concept niya.
PHOTO BY Marianne Uy-Quiogue
May makikita ka ring felt letter board pagmamay-ari ni mommy. Dito niya inilagay ang mga katagang “Midori solemnly swears she’s up to no good”—isa sa mga pinaka-popular na linya sa pelikula.
Pagdating naman sa mga letter names, cartolinas ang ginamit niya. Ni-recycle niya lang ang mga ito mula sa company Halloween decorations nila.
PHOTO BY Marianne Uy-Quiogue
Gustong-gusto talaga namin ang pagiging creative at resourceful ng mga nanay mula sa aming Facebook group na Smart Parenting Village. Patunay sila na hindi mo kailangang masyadong gumastos para maging espesyal, makabuluhan, memorable, at maganda ang mga celebrations sa inyong pamilya.
Mayroon ka bang DIY photoshoot o party na gusto mong i-share? Ikwento mo lang sa comments section o ‘di kaya ay i-share sa mga nanay sa Smart Parenting Village.
We use cookies to ensure you get the best experience on SmartParenting.com.ph. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.