embed embed2
  • Para Sa Anak, Pupunta Sa Checkpoint Para Kunin Ang Birthday Cake

    Hindi man natuloy ang parties ninyo sa bahay, ang mahalaga'y malusog at masaya ang inyong pamilya.
    by Ana Gonzales .
Para Sa Anak, Pupunta Sa Checkpoint Para Kunin Ang Birthday Cake
PHOTO BY courtesy of Via Antoinette Cuesta Halili
  • Napakarami ngang biglang nagbago nang makapasok sa ating bansa ang banta ng COVID-19. Ang noo'y community quarantine ay mas pinaigting na ngayon. Isang miyembro na lang ng bawat pamilya ang pwedeng lumabas para bumili ng mga pangangailangan ng pamilya.

    Ipinagbawal na rin ang mga social o mass gatherings dahil mahirap ipatupad sa mga ganitong pagtitipon ang social distancing at proper hygiene. Kaya naman maraming magulang ang nalungkot dahil ibig sabihin nito, hindi na tuloy ang birthday party at binyag na naplano na nila. Isa kasi sa mga talagang binibigyan ng effort ng mga nanay ay ang first birthday ng mga bata.

    What other parents are reading

    Isa si mommy Via Antoinette Cuesta Halili sa mga nanay na marami nang nabiling party supplies bago pa man magkaroon ng COVID-19 sa bansa. Kaya naman labis ang kanyang panghihinayang nang hindi na matuloy ang pagtitipon nila.

    Kwento niya sa amin sa pamamagitan ng isang Facebook Messenger interview, ang orihinal na plano talaga nila ay magdiwang sa isang resort. "Safari-themed birthday party [sana] in a traditional way?—'yung may clown at palaro," kwento ni mommy. "[Balak din namin sana na sabihin sa guests] na pwede [silang] magsuot ng animal costumes. Syempre, may prize din sila doon."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    Wala man ang red car na para sana sa entrance ni baby, mayroon naman siyang cute na 'motorcyle'.
    PHOTO BY courtesy of Via Antoinette Cuesta Halili
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    Bagay na bagay kay baby ang kanyang safari-themed costumes.
    PHOTO BY courtesy of Via Antoinette Cuesta Halili
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    Sabi pa ni mommy, may nahiraman na rin daw sila ng maliit na sasakyan para sa mga bata, para sana sa entrance ni baby.

    Mahigit tatlong daang piraso naman ng mga maliliit at malalaking lobo ang naihanda na nila. Lahat ng ito ay gagamitin sana para sa isang magandang balloon arc.

    What other parents are reading

    Handa na rin ang safari costume ng anak ni mommy na binili pa niya sa Shopee.

    Maging ang mga panahog at panghalo sa handa na pwede namang ilagay sa refrigerator at mayroon na rin sila. May ice cream, party hats, at giveaways na rin.

     

    Siyempre walang batang makakatiis sa hotdog na may marshmallows--plus spaghetti!
    PHOTO BY courtesy of Via Antoinette Cuesta Halili
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    At dahil nga bawal munang magtipon-tipon, idineliver na lang nila sa mga bahay-bahay sa loob ng compound nila ang mga handa nilang spaghetti and chicken, hotdog mallow sticks, at menudo.

    What other parents are reading

    Kakaiba (at nakakatawa) naman ang kwento kung paano nakuha ni mommy ang napaka-cute at napakagandang birthday cake ni baby. "Ganito po talaga ang kwento no'n," pagsisimula niya. "Kaunting damit lang ang dala namin dito sa bahay ng in-laws ko. [Kaya naman] kinailangan kong maghanap sa area ng mabibilhan ng underwear ko," paliwanag niya sabay tawa. "Nagkataon lang na 'yung nakita kong bilihan ng damit ay gumagawa rin pala ng cake."

     

    Ito naman ang cake na talaga namang dinayo pa nila sa checkpoint.
    PHOTO BY courtesy of Via Antoinette Cuesta Halili
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    "At first, ayaw pa niyang pumayag," sabi ni mommy. "Ang dahilan niya, wala raw kasi siyang makukuhanan ng mga ingredients. Kalaunan, pumayag din siya. Pero ang usapan ay for pick-up lang ang cake. Bandang huli, nagkasundo kaming magkita na lang sa mismong checkpoint sa gitna ng aming mga barangay," dagdag pa niya. 

    Sabi ni mommy, hindi na sila umasa na makakabili o makakaorder pa sila ng cake dahil lahat ng mga bilihan ay sarado. Maswerte naman at ang binilhan ni mommy ng damit (at underwear) niya ay gumagawa pala ng cake. Maswerte rin dahil may umako sa pamilya ni mommy na magbayad ng cake. 

    What other parents are reading

    Ang orihinal na budget nina mommy ay humigit kumulang Php30,000 hanggang Php35,000. Sa ginagawa nilang birthday ng anak niya sa bahay, gumastos sila ng Php6,000 para sa pagkain, Php2,800 para sa cake, Php1,000 para sa mga dekorasyon, at Php1,400 para sa damit ni baby.

    Hindi man kasing engrande ng orihinal na plano ni mommy ang natupad niya, masaya pa rin silang mag-anak dahil lahat sila'y malulusog at ligtas.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    What other parents are reading

    Nagbirthday na ba ang anak mo? Paano ninyo ito ginanap sa bahay? Anu-ano ang mga pagkaing ihinanda ninyo? I-share mo lang sa comments section.

    Isang paalala: Kung walang ma-orderan ng cake online, mas maganda nang huwag na lang lumabas ng bahay at pagkatapos na lang ng qurantine bilhan ng cake ang inyong anak.

    Para sa iba pang good vibes stories at pinakahuling balita tungkol sa COVID-19, i-click mo lang ito.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles