Sa panahong matataas ang presyo ng gasolina, sibuyas, at itlog, dito lumalabas ang kakaibang diskarte ng mga magulang.
Lalo na't kung may special occasion na paparating, gaya nang mga milestone birthdays ng ating mga anak. Talaga namang magtitipid, pero hindi titigil!
Tulad ng mom of two na si Jelvy Dumolyog Ramos, 32, mula sa Baguio City na kamakailan ay nagdaos ng first birthday at dedication ng kanyang ikalawang anak, sinikap niya na mairaos ang espesyal na araw na ito kahit na nagtitipid at halos isandaan ang kanyang mga bisita.
BASAHIN: 20 All-In Kiddie Party Packages With 2022 Rates In And Around Metro Manila
Tipid cupcakes for 100 guests
Sa eksklusibong panayam ng Smart Parenting kay Jelvy, ikinuwento niya kung paano siya nakatipid sa handa niyang cupcakes para sa kaarawan ng anak.
Aniya, gusto sana nila umorder ng customized cupcakes para sa kanyang anak, ngunit dahil mahal ang itlog, naisipan niyang mag-DIY o do-it-yourself na lamang nito.
"Naisip po namin na mag-DIY nalang kasi over 100 po yung guests namin sa birthday at dedication ni baby. Nag-inquire po kami, yung customized cupcake ay 20-25 pesos po isa so mahal talaga siya," sabi niya.
Kung siya ay umorder, aabot sa P2500 ang gastos niya sa cupcakes pa lamang. Sabi niya, ang 9-inch cake na inorder niya sa kaibigan ay P750 na. "Pinalagyan ko lang ng madaming toppers. Yung cake po na iyon for display lang at yun po yung inuwi namin after the event."
Kaya naman, para makamenos sa gastos, naisipan niyang gawin na lamang ang cupcakes. "So nanood po ako ng tutorial kung paano gumawa ng icing at yun po yung result. Nasa P70 po ung cupcake by 10 [pieces], at P220 po yung icing, tapos nagpaprint nalang po kami ng topper."
Finished product:
Ito ang ginamit na cupcake base ni Mommy Jelvy:
Ito naman ang ginamit niyang whipped cream. Sabi niya, sobra-sobra pa ang isang icing para sa 100 pieces na cupcakes. Kung kukuwentahin, nasa P920 lang ang nagastos niya! Nakatipid siya ng P1580!
Sa isang Facebook group, binahagi ni Jelvy ang hack na ito, "Hatiin niyo po sa half yung isang container ng whipped cream at i-mixer niyo po bago ilagay sa piping bag. Di na po ako nag-add ng ano pa man maliban sa food coloring. Sakto lang yung lasa hindi masyadong matamis. Kailangan din po muna niyong i-chill bago i-mix."
Kailangan lang daw ng hand mixer, at kung wala ka nito, may mabibili sa Shopee na nasa P230 lamang. Tingnan dito.
Para naman sa mga magulang na gustong gawing memorable ang mga birthday celebration ng kanilang anak, ngunit kailangan rin magtipid, heto ang mensahe ni Mommy Jelvy.
"Sa mga mommies planning to hold ng mga occassions na ito, we just need to activate our creativity and lets be resourceful. We can always find ways to come up with a beautiful one with just our little resources na hindi nacocompromise ang ganda ng gusto nating gawin."
Panoorin naman ang no-cost gender reveal party ng daddy na mula sa Pangasinan, dito.
Para sa mas marami pang tipid tips mula sa kapwa magulang, sumali sa Smart Parenting Village Facebook page.