embed embed2

Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
  • Wedding At Binyag In One! Pwede Pala? Teamwork Ni Mommy At Daddy Ang Sikreto

    Narito ang listahan ng mga suppliers nila para sa dalawang event.
    by Ana Gonzales .
Wedding At Binyag In One! Pwede Pala? Teamwork Ni Mommy At Daddy Ang Sikreto
PHOTO BY courtesy of Rozanne Tandas
  • Hindi na bago sa ating mga Pilipino na pagsabayin ang selebrasyon ng mga mahahalagang okasyon sa ating buhay. Kalimita'y pinagsasabay natin ang first birthday at binyag ng ating mga anak.

    Iba naman ang naisip na pagsabayin nina mommy Rozanne Tandas at ng kanyang asawa dahil pagkatapos nilang magpakasal, sinunod naman nila ang binyag ng kanilang anak. Kwento ni mommy sa amin sa pamamagitan ng isang Facebook Messenger interview, mas praktikal kasi kung pagsasabayin na nila ang dalawang okasyon.

    More from Smart Parenting

    Nag-civil wedding na sina mommy, Abril noong isang taon. Apat na taon na silang mag-asawa habang three months naman si baby nang bininyagan ito.

    Sweet na sweet at sobrang cute sina mommy at daddy sa kanilang 'moment'.
    PHOTO BY courtesy of Rozanne Tandas
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Php100,000 hanggang Php150,000 ang itinalaga nilang budget para sa parehong event. Narito ang kanilang mga suppliers:

    Para sa damit ng kanilang entourage, nilapitan nila ang Mikkim's Burda't Ukit (Facebook: @Mikkims-Burdat-Ukit-1759313364309630). Dito nila inorder ang barong ng mga groomsmen at ang infinity gown ng mga bridesmaids. Dito rin nila pinagawa ang coat barong at pants ng groom.

     

    Gwapong-gwapo naman si daddy kasama ang kanyang mga groomsmen.
    PHOTO BY courtesy of Rozanne Tandas
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Syempre, hindi naman papahuli si mommy at ang kanyang bridesmaids.
    PHOTO BY courtesy of Rozanne Tandas

     

    Sa Dennis Santos Salon naman nagpa-makeup sina mommy at daddy. Dito na rin niya pinadisenyo ang kanyang wedding gown.

     

    Bagay na bagay kay mommy ang kanyang gown!
    PHOTO BY courtesy of Rozanne Tandas
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    Napakaganda rin ng kanyang hair and makeup.
    PHOTO BY courtesy of Rozanne Tandas
    More from Smart Parenting

     

    Ginawa naman ang preparation para sa kasal sa Asia Blooms Hotel na siya ring nagsilbing venue para sa reception ng binyag at kasal. Asia Blooms na rin ang nagsilbing caterer ng parehong event. Inayos itong lahat ng kanilang event organizer na nagmula sa Fati's Event Organizer (Facebook: @fatieventscoordination).

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    Mahirap man ang naging preparasyon para sa dalawang events, sulit naman ito, ayon kay mommy.
    PHOTO BY courtesy of Rozanne Tandas
    Napagtagumpayan nila ang hamon dahil sa pagtutulungan nilang mag-asawa.
    PHOTO BY courtesy of Rozanne Tandas
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    Inorder naman nila ang kanilang cake at dessert table mula sa Lovely's Sweet Tooth (Facebook: @Lovelys-Sweet-Tooth-1494427067443492).

     

    Simple lang ito pero talaga naman napakaelegante.
    PHOTO BY courtesy of Rozanne Tandas

     

    More from Smart Parenting

    Lahat naman ng kanilang wedding accessories, mula sa customized na bibliya hanggang sa kandila, cord, pillow, at aras, ay inorder nila sa My Event Essentials (Facebook: @myeventessentials). Dito na rin sila umorder ng mga personalized na kandilang ginamit nila sa binyag ni baby.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    May photobooth din sila mommy para masaya ang mga bisita. Elijan Studio Photography (Facebook: @Elijan-Studio-Photography-143718469012546) ang supplier nila. Elijan Studio rin ang nagcover ng kanilang event at nagshoot ng kanilang prenup video at photo.

     

    Wala namang pinalampas na mga moments ang kanilang photo and video team.
    PHOTO BY courtesy of Rozanne Tandas
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

     

    Pagkatapos naman ng kasal ay agad na sumunod ang binyag ng kanilang anak.
    PHOTO BY courtesy of Rozanne Tandas
    Masayang-masaya sina mommy na nairaos nila nang matiwasay ang dalawang events na halos walong buwan din nilang pinagplanuhan.
    PHOTO BY courtesy of Rozanne Tandas
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

     

    Specific ang mga souvenirs na ipinamigay ni mommy para mas maappreciate ng mga bisita. Nagpagawa sila ng mga luggage tags sa PURSEonality (Facebook: @PURSEonalityph) para sa mga bisita.

    Para naman sa mga ninang at bridesmaids, Sotomayor items mula sa London ang ipinamigay nila. Wine na may kasamang wine glass naman ang nakuha ng mga ninong. Sunglasses naman at medyas ang ibinigay nila sa mga groomsmen.

    More from Smart Parenting

    Kwento ni mommy, nahirapan sila sa preparasyon dahil dalawang event ang inayos nila. "Nahirapan kami, pero sa pagtutulungan naming mag-asawa, naging maayos naman ang lahat."

    Walong buwan nilang binuo ang dalawang events kaya masayang-masaya sila nang maging matagumpay ito. Kwento pa ni mommy, dumating rin siya sa punto na naisip niyang huwag na lang ituloy ang dalawang events dahil sa sobrang stress. Buti na lang daw at nakaalalay ang pamilya nila sa kanilang mag-asawa sa bawat yugto ng preparasyon.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Recommended Videos
Trending in Summit Network
View more articles