-
Labor & Childbirth Why C-Section Moms Are Brave: The Serious Risks They Face During Delivery
-
Toddler Having Good Grades Is Not The Only Way A Child Will Excel In Life, Says Psychologist
-
Wellness Embracing Mom Bod! 6 Moms Say Bye To Insecurities, Hello Sexy And Strong Body
-
Family Fun The Peninsula Manila Has A Terrific Staycation Deal For Moms And Their Families
-
Budget-Friendly Honeymoon Destinations sa Pilipinas
Kasama na rin sa listahan na ito ang budget at sample itinerary.

PHOTO BY iStock
Kalimitang kasunod ng kasal ang isang maikling bakasyon o iyong honeymoon. Isa ito sa mga inaasam na first vacation ng mga ikinakasal. Hilig pa naman ng mga Pinoy couples ang magpunta sa mga picture-perfect destinations at mag-celebrate ng mga romantic milestones sa mga beaches, kabundukan, romantic hotels, parks at iba pa.
Kaya lang, dahil malimit maubos ang budget ng mag-asawa sa pagpapakasal, may mga pagkakataong naisasantabi na ang honeymoon. Kaya naman inilista namin ang ilan sa budget-friendly honeymoon destinations sa Pilipinas na bukod sa romantic, ay abot-kaya pa.
Sagada, Mountain Province
Noon pa man ay kilala na ang Sagada bilang isang magandang pasyalan. Mas naging kilala pa ito nang maging isa ito sa mga locations sa pelikulang That Thing Called Tadhana. Bukod sa napakaganda ng mga tanawin dito, lubhang mababait din ang mga tao sa Sagada.
Isa ito sa mga paboritong puntahan ng mga magkasintahan o bagong kasal dahil maraming masasayang maaaring gawin dito tulad ng hiking, trekking, at iba pa.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWBukod pa sa mga nabanggit, nakakaengganyo rin ang katahimikan sa lugar—bagay na bagay sa kahit sinong gusto ng panandaliang pahinga mula sa ingay ng siyudad.
Magiging mas malapit rin kayong mag-asawa sa kalikasan. Bagay ang lugar na ito para sa mga adventurous na couples.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosMaraming affordable na homestay dito na pwede ninyong i-book. Mas masayang makitira sa mga residente dahil makikita mo ng malapitan ang mga kaugalian nila at matitikman mo rin ang mga masasarap nilang putahe.
Activities:
I-explore ang Sumaguing Cave at Lumiang Cave kung saan makikita ang mga hangging coffins
Magtrekking sa Bomod-ok Bokong Falls
Mag-kayak sa Lake Danum
Magtrekking sa Marlboro Hill at Blue Soil Hill kung saan makakakita ng sea of clouds
Budget (3 days, 2 nights):
Sasakyan: Coda Lines roundtrip bus (Standard Airconditiones Bus, Manila to Sagada): Php760 each = Php1,520
Tutuluyan: Single room na may kitchen: Php1,500 each per night = Php3,000 for one night
Pagkain: Php150 each for three meals (Php450 per day) = Php2,700 for three days, for two people
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWTourism Fees at Tour Guide: Php2,000 para sa dalawang tao
TOTAL: Php7,870
Dasol, Pangasinan
Isa pang patok na budget-friendly honeymoon beach destination sa Pilipinas ang Dasol, Pangasinan. Isa ito sa mga ngayon pa lang napapansin na white snad beach dito sa atin bansa. Ipinagmamalaki nila ang kanilang napakagandang view ng sunset. Marami rin silang perfect spots para kumuha ng mga litrato.
Tiyak na magaganda ang mga memories na mabubuo ninyon mag-asawa sa Dasol. Maganda rin dito dahil hindi pa ito masyadong dinarayo ng mga turista. Tahimik ang lugar at wala pang masyadong tao.
Activities:
Island, beach hopping at diving sa Culebra Island, Polo Camaso Islet, Crocodile Island, Lagaratas Island Paratec Beach, Pao Beach at Balinmanok Beach
Camping, kayaking, at trekking sa Salabusuban Falls
Budget (2 days, 1 night):
Sasakyan: Victory Liner roundtrip bus (standard airconditioned bus, Cubao to Dasol): Php700 = Php1,400
Tutuluyan: Tent rental: Php800 to Php1,000
Pagkain: Php150 each for three meals (Php450 per day) = Php1,800 for two days, for two people
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWTourism Fees at Boat Fare: Php2,500 para sa dalawang tao
TOTAL: Php4,200
Dinadiawan, Aurora
Isa naman kilalang romantic beach destination ang Dinadiawan, lalo na para sa mga couples na mahilig mag-camping. Kung hindi niyo pa naranasang mag-camping sa beach, isa ang Dinadiawan sa mga magagandang lugar para masubukan niyo ito sa unang pagkakataon. Pwede pa kayong side trip sa Baler kung gusto niyong subukang magsurfing.
Activities:
Beach hopping sa Dinadiawan (Dipaculao) Beach, Bungan Beach, Disagadan (Dibutunan) Beach at Ampere Beach and Rock Formation
Mag trekking sa Aleman Falls, Baul Falls, Panindiga (Dinidiawan) Falls at Bulangan Falls
Mag surfing sa Baler
Budget (2 days, 1 night):
Sasakyan: Genesis roundtrip bus (standard airconditioned bus, Cubao to Baler): Php450 (Php900 per person) = Php1,800
Tutuluyan: Sand and Star (tents) Php1,800 / Rooms Php3,000 to Php4,000
Pagkain: Php150 each for three meals (Php450 per day) = Php1,800 for two days, for two people
Environmental Fee, Tour Guide, At Transportation: Php2,000 para sa dalawang tao
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSan Rafael, Bulacan
Kung gusto niyo namang mapalibutan ng magagandang ilog at malalagong mga puno, magandang pumunta sa San Rafael Bulacan. Relaxing, tahimilk, at payapa ang lugar—bagay na bagay sa mga bagong kasal. Dito, makakapagpahinga kayo at makakapagfocus ng mabuti.
Activities:
Magswimming sa mga waterfalls sa area
Sumubok ng water at land sports na inooffer ng mga resorts
Magpamasahe
Budget:
Baliwag roundtrip bus (standard air conditioned bus, from Cubao to Baliwag, Bulacan) = Php400 + Php200 para sa tricycle na maghahatid sa inyo papuntang San Rafael Riverside.
Tutuluyan: San Rafael Riverside (tent): Php3,600 per night
Pwede kayong magbook ng maaga para makakuha ng discount. Kasama na sa bayad ang paggamit ng lahat ng facilities sa resort at grillers. Pwede rin kayong magluto. May kasama ring libreng breakfast para sa mga overnight campers.
Alabang, Muntinlupa City
Kung ayaw niyo namang lumayo para sa inyong honeymoon, pwede kayong pumunta sa Azumi Boutique Hotel sa Alabang.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWIbang-iba ang view sa hotel na ito. Tahimik din ang lugar at maganda ang disenyo ng buong hotel, mula sa lobby hanggang sa lounge, pati na rin sa mga kwarto.
Amenities:
Entertainment area
Pools
Spa bars
Outdoor lounges
Budget:
Room accommodation for two people: Php3,000 to Php4,000, depende sa luwag, pwesto, at view na mayroon ang kwarto
Pagkain: May kasama nang breakfast for two ang room rates nila. Pwede rin kayong kumain sa Romulo's Cafe na matatagpuan sa loob mismo ng hotel.
Libre na ang mga amenities sa loob ng hotel maliban sa spa. May karagdagan ding bayad sa mga bars sa loob ng hotel.
Sasapat na ang total budget na Php5,000 kung gusto ninyong maghoneymoon dito.
What other parents are reading
Ilan lamang 'yan sa mga honeymoon destinations na pwede ninyong puntahang mag-asawa. Depende na lang iyan sa kung ano ang paborito ninyong ginagawa at kung anong buwan kayo ikinasal. May mga honeymoon destinations na maulan sa ilang bahagi ng taon habang crowded naman ang iba. Pwede niyo ring isama sa inyong wedding planning kung saan kayo pupunta sa honeymoon para handa na rin ito bago pa man kayo ikasal.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMagandang isama niyo na rin ito sa budget ninyo para hindi naman makompromiso ang kalidad ng inyong unang bakasyon bilang mag-asawa.
Saan kayo nag honeymoon ng asawa mo? Kumusta ang inyong experience? I-share niyo lang iyan sa comments section.

View More Stories About
Trending in Summit Network