-
Dianne Medina: 'Nabuo Si Baby During COVID, Kaya Dapat Naka-Mask Tayo!'
by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments
Excited na ang mag-asawang Dianne Medina at Rodjun Cruz sa nalalapit na pagdating ng kanilang panganay. Halos tatlong buwan na ang nakalipas nang ianunsiyo ng celebrity couple sa Instagram na magiging magulang na sila.
Sinabi nila noong April 12, 2020, Easter Sunday, na 17 weeks pregnant si Dianne, at baby boy ang kanyang dinadala. Binalita nila ito sa pamamagitan ng virtual gender reveal party na uploaded sa YouTube channel ng actress-host noong June 21.
Sa sumunod na vlog entry ni Dianne, na nag-premiere nitong July 6, ipinakita naman ang kanilang maternity shoot. Base sa behind-the-scenes video, ginawa nila ang photo shoot sa kanilang tahanan kasama ang ilang photographer ng Nice Print Photography. May suot na face mask at personal protective equipment (PPE) ang mga bisita nila sa bahay alinsunod sa ipinapatupad na health at safety protocol laban sa COVID-19.
Nagsuot din si Dianne ng face mask na katerno ng kanyang outfit na off-shoulder dress, sabay biro, “Nabuo si baby during COVID, kaya dapat naka-mask tayo. Para pag binalikan ni baby ’yung photos namin, maalala n’ya ’yung COVID, joke! I mean ’yung pregnancy journey na pinagdaanan ko during the lockdown.”
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWTulad ng karamihan, nalimitahan ang labas at kilos ni Dianne at mga kasama nilang mag-asawa sa bahay dahil sa community quarantine na nagsimula noong March. Madalas nga ay nasa loob lang siya ng bedroom kaya nag-set up ng dining table si Rodjun para doon na lang siya kumakain.
Kaya unang beses daw niyang lumabas ng bahay nang mag-shoot sila ng isang layout sa vacant lot malapit sa kanilang tinitirhan. Ang apat pang layout ay ginawa na sa loob ng kanilang bahay. Bukod sa off-shoulder dress, simple lang ang kanyang outfit, tulad ng black turtleneck with long sleeves at blue jeans; black lingerie at red cardigan; black blazer over black bra at black pants; at black dress with long sleeves.
CONTINUE READING BELOWwatch nowKuwento ni Dianne na naghanap lang daw silang mag-asawa ng masusuot sa kanilang closet at tumanggap din ng padalang outfit mula sa kanilang stylist. Aniya, “Ano lang ito, a little celebration, remembrance. Para pag laki niya, makita ng baby no’ng nasa loob ko pa siya.”
Dagdag naman ni Rodjun, “Siyempre habang lumalaki siya, ikukuwento namin kung ano’ng nangyari, itong maternity shoot, ’yong gender reveal. At least may photos kami na ipapakita. And puwede rin niyang mapanood sa YouTube channel namin.”
What other parents are reading

- Shares
- Comments