Inulan ng engrandeng mga regalo ang bagong kasal na couple dahil sa mga ipinamudmod na gifts mula sa kanilang mga mahal sa buhay.
Tumataginting na PHP1 million, brand new car, at PHP5 million lang naman ang regalong natanggap ng bagong kasal na sina Razzel Nae Peñamora Tan at Cedric Francis Cruz.
Ang isang milyong piso ay ibinigay sa bagong kasal in the form of a wedding cape na ipinasuot sa mag-asawa.
Ipinakita rin sa big LED screen sa wedding reception ang tsekeng sinulatan ng PHP5 million na galing naman daw sa mga magulang ng bride.
At siyempre, bongga rin ang fully-paid brand new car na regalo sa mag-asawa.
Ang detalyeng ito ay nakasaad sa Facebook post ng celebrity photography service na Nice Print.
Binanggit dito na ang cash at kotse ay galing pala sa sister ng bride, ang beauty entrepreneur at social media influencer na si Rosmar Tan.
Sa isang post ay binanggit ng businesswoman kung bakit kotse ang isa sa mga naisipan niyang iregalo sa kanyang newlywed sister at asawa nito.
“Nabanggit nya kasi sakin na mag installment sya ng car, tapos di pa kilalang brand. Kaya sabi ko, ako na! Ayokong may isipin kayong dalawa after ng kasal,” sabi ng businesswoman.
Karamihan naman sa comments ay positibo at marami sa kanila ay napa-"sana all."
READ ALSO: Ellen Reacts To Derek's Early Wedding-Anniversary Gift: 'Enjoy Driving My Car!'
This story originally appeared on Pep.ph.
*Minor edits have been made by the SmartParenting.com.ph editors.