Tagalog,hips,hip pain,ask the doctor,greener,exercise para sa sakit ng balakang,Exercise Para Sa Sakit Ng Balakang | Smart Parenting,exercise para sa sakit ng balakang, sakit ng balakang, hips, hip pain, hip pain exercises,May mga exercise para sa sakit ng balakang na maaaring subukan kaagad kung wala ka namang injury.
HealthFitness & Nutrition

Happy Baby, Butterfly Pose, At Iba Pang Exercise Para Sa Sakit Ng Balakang

May mga simpleng galaw na malaki ang maitutulong sa pananakit ng balakang.
PHOTO BYShutterstock

Editor's Note: Mahalaga na kumonsulta sa iyong doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo. Palaging humingi ng payo ng isang doktor at nutritionist pagdating sa diet o exercise kung buntis, kapapanganak lang, o breastfeeding.

Sinasabing natural sa mga nagkakaedad ang masakit na balakang, pero may iba pa namang dahilan kaya kahit hindi pa katandaan ay puwedeng maging problema ito. Mabuti na lang, merong mga exercise para sa sakit ng balakang na puwedeng gawin kahit sa bahay upang guminhawa ang pakiramdam at maaari pang maging lunas.

Mga posibleng sanhi ng sakit ng balakang

Batay sa sintomas na iyong dinadaing, magkakaroon ng idea ang doktor kung ano ang posibleng sanhi ng pananakit ng iyong balakang o hip pain, ayon sa United Kingdom National Health Service (NHS). Pero kailangan pa raw ng pagsusuri, o di kaya tests bago magbigay ang doktor ng diagnosis at kaukulang treatment para dito.

Sprain/strain

Kung pagkatapos ng mabigat (intense) o paulit-ulit (repetitive) na exercise ay nakaramdam ka ng pananakit, pamamaga, o di kaya pagkapasa ng balakang, maaaring nagkaroon ka ng strain o sprain.

Tinatawag na sprain ang nahila (stretched) o di kaya nasira (torn) na ligament. Ito iyong tissues na kumokonekta sa mga buto na matatagpuan sa mga kasu-kasuan (joint).

Tinatawag namang strain ang mga stretched o di kaya torn tendon. Ito iyong tissues na kumokonekta sa muscle at buto. Maaari itong mangyari nang biglaan at puwede ring mabuo sa loob ng ilang panahon.

Osteoarthritis

Kung higit 45 years old at nakakaramdam ng sakit ng balakang sa tuwing naglalakad pati naninigas sa tuwing gumagalaw, posibleng meron kang osteoarthritis. Isa itong uri ng rayuma o  arthritis, na siya namang pamamaga (inflammation) ng joints.

Ang osteoarthritis of the hip ay nagdudulot ng pananakit at paninigas ng balakang, ayon sa American Academy of Orthopaedic Surgeons (AAOS). Ito ang posibleng dahilan kung bakit nahihirapan kang gampanan ang mga pang-araw-araw na gawin. Kabilang diyan ang simpleng pagbangon mula sa kama, pagtatali ng sintas ng sapatos, at paglalakad kahit hindi kalayuan.

watch now

Rheumatoid arthritis

Kung gumagrabe ang kirot at paninigas ng balakang sa tuwing natitigil ka sa paggalaw ng ilang oras, gaya ng pagkagising, posibleng meron kang rheumatoid arthritis. Isa itong"systematic disorder," sabi ng mga eksperto. Anila, apektado nito hindi lang ang hip joint ngunit ang buong katawan. May kinalaman kasi dito ang immune system, hindi lang ang tumatandang mga buto.

Kaya raw wala sa edad ang apektado ng rheumatoid arthritis. Lahat daw, maging mga bata at mas madalas sa mga kababaihan, ang nagkakaroon nito. Bukod sa pananakit at paninigas sa magkabilang balakang, may hatid itong panghihina ng katawan at pagiging madaling mapagod.

Joint infection

Kung may nararamdamang mainit at pamamaga sa bandang balakang na may kasamang mataas na lagnat at pangangatog, posibleng meron kang joint infection. Ang malalang uri nito ay tinatawag na septic arthritis, at bilin ng mga eksperto na kailangang magamot ito kaagad.

Hip fracture

Kung nakakaramdam ng grabeng kirot at hindi na makalakad pagkatapos mahulog o di kaya magkaroon ng injury, posibleng meron kang hip fracture. Isa itong bali sa itaas ng thigh bone (femur) na malapit sa hip joint.

Exercise para sa sakit ng balakang

Bago simulan ang exercise routine, subukan muna ang paunang gamot sa rayuma sa balakang. Payo ni Dr. Ronald John Unico, isang general practioner, na subukan ang anti-inflammatory medicine at steroids. Makakatulong daw ang mga ito upang mabawasan ang kirot na nararamdaman.

Rekomendado ng NHS ang paracetamol, pero iwasan ang ibuprofen sa loob ng 48 oras pagkatapos maaksidente o magtamo ng pinsala sa balakang. Lapatan din daw ng ice pack na binalot sa tuwalya ang napinsalang balakang ng hangang 20 minuto kada dalawa o tatlong oras.

Paalala naman ni Dr. Unico na magmintina ng tamang timbang at huwag hayaan ang sarili na umabot sa obesity. Iwasan din daw ang mga mabibigat na gawain para hindi mapuwersa ang katawan, partikular ang balakang.

Makakatulong din daw kung gagamit ng tungkod o walker sa paglalakad upang mabawasan ang pressure sa balakang. Isa pa ang page-exercise, basta low impact lang, gaya ng swimming.

Pinakamahalaga raw ang komunsulta sa doktor nang magabayan sa tamang treatment, gaya ng physical therapy, at iba pang gamot sa rayuma sa balakang habang mino-monitor ang pakiramdam.

Kaya bagamat kilalang mainam na exercise ang yoga, paalala ng yoga teacher na si Sheila Alon na humingi muna ng pahintulot sa doktor. Baka raw kasi imbes na bumuti ang pakiramdam dahil sa yoga ay lumalala pa ang sakit at magkaroon pa ng pinsala sa katawan.

Gentle stretches

Kapag pumayag ang doktor, sabi ni Teacher Sheila, makakatulong ang "supported yoga practice" upang maibsan ang pananakit ng balakang sa pamamagitan ng "gentle stretches, breathwork, and poses." Kung regular na ginagawa ang mga ito, maaaring mabawasan ang paninigas ng joints at gumaang ang pakiramdam.

Hip massage

May mga dagdag na suhestiyon ang isa pang yoga teacher na si Johnna Villaviray-Giolagon. Aniya, makakatulong ang rolyo ng medyas o di kaya tennis ball na imasahe ang balakang. Habang nakahiga ka raw, ilagay ang rolyo ng medyas o di kaya tennis ball sa ilalim ng katawan. Ipuwesto ito sa itaas na bahagi ng pelvis sa balakang at saka ito paikutin hanggang makaramdam ng pagmasahe.

Happy baby pose

Habang nakahiga, tanggalin ang rolyo ng medyas o di kaya tennis ball sa ilalim ng katawan. Subukang itaas ang mga paa at saluhin ng mga kamay habang tumutupi ang mga hita at binti. Tinatawag itong happy baby pose sa yoga. Maaaring gumalaw pakaliwa at pakanan.

Butterfly pose

Kapag nakaupo naman sa sahig, o yoga mat kung meron, pagdikitin ang mga talampakan habang nakatupi ang mga hita at binti na tila paru-paro. Tinatawag itong butterfly pose sa yoga. Hawakan ang mga nakatuping tuhod at subukang igalaw-galaw ang mga nakatupi ring hita at binti. Maaari ka ring maglagay ng unan na iyong likuran at subukang humiga nang dahan-dahan.

May iba pang mga exercise para sa sakit sa balakang na mahahanap sa online sources. Paalala lang nga mga eksperto na komunsulta muna sa iyong doktor at parating pakinggan ang iyong katawan kung hanggang saan lang puwede itong gumalaw.

Basahin dito ang tungkol sa prenatal yoga para sa pananakit ng balakang sa buntis.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close