-
Paano I-handle Ang Stress? Heto Ang Ilang Epektibong Paraan Ayon Sa Mga Eksperto
Grabe ba ang stress mo lately?by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Walang isang tamang paraan para i-handle ang stress. Sa katunayan, lahat tayo ay kanya-kanya ng paraan para pagaanin ang ating mga pakiramdam kapag stressed tayo.
Pero, dahil na rin sa dami ng mga nangyayari sa panahon ngayon, minsan ay hindi na sapat ang mga nakasanayan nating paraan para mag-destress. Kaya naman inilista namin ang ilan sa mga science-backed ways para i-handle ang stress.
Science-backed ways to handle stress
Magmumog ng tubig
Paliwanag ng mga eksperto, ang pagmumumog ng tubig ay nakakatulong para i-stimulate ang tinatawag na vagus nerve. Ang nerve na ito ang siyang may kinalaman sa relaxation response o parasympathetic nervous system ng ating katawan.
Dagdag pa ng mga eksperto, kapag hindi ginagamit ang vagus nerve, maaari itong mawalan ng strength at tone. Ang pagmumumog ng tubig ay magandang paraan para i-stimulate ang nerve na ito.
Maghilamos ng malamig na tubig
Kung umabot ka na sa sobra-sobrang stress, maghilamos ka ng malamig na tubig. Paliwanag ng mga eksperto, makakatulong ito para i-activate ang tinatawag na 'dive reflex'.
Kapag daw kasi nalamigan ang iyong cheekbones at ang itaas na bahagi ng iyong bibig, naa-activate nito ang iyong parasympathetic nervous system. Bababa agad ang iyong heart rate at babagal ang iyong paghinga.
Kung hindi ka naman makakapaghilamos ng malamig, pwede kang maglagad ng cold compress sa iyong mukha.
Earthing
Ayon sa research, mainam na paraan ang tinatawag na earthing para mag-destress. Ito iyong pagtapak sa lupa nang wala kang suot na sapatos o tsinelas.
Kung mayroon kayong space sa bahay na may lupa, pwede mo itong gawin sa umaga, bago mo simulan ang araw mo. Kung sakaling wala naman, pwede kang mag-gardening.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSabi ng mga eksperto, makakatulong ang pag-reconnect sa kalikasan para bumuti ang iyong pagtulog at kumalma ang iyong isipan.
Mag deep breathing
Malimit hindi ito ang una nating naiisip kapag stressed tayo. Pero sabi ng mga eksperto, napakalaking tulong ng deep breathing para labanan ang stress.
Malimit hindi mo napapansin na hindi malalim ang hinga mo kapag nag-aasikaso ka ng iyong mga responsibilidad sa pang araw-araw.
Kung makaramdam ka ng stress, huminto ka, at saka ka huminga ng malalim sa loob ng ilang segundo. Kung mayroon kang 30 seconds, mas maganda. Ulitin mo lang ito sa tuwing makakaramdam ka ng stress.
Gumamit ng mga essential oils
Marami ka nang malalapitang mga Facebook groups at pages na magtuturo sa iyo ng basics tungkol sa mga essentials oils.
May mga oils din na pasok sa budget at mayroon namang mas mahal nang kaunti—depende na lang sa iyong pangangailangan at sa mga benefits na gusto mong makuha.
Bukod pa sa mga nabanggit, epektibo rin ang simpleng pakikinig sa tunog na alon o ulan. May mga libreng apps na ngayon na pwede mong gamitin para dito.
Ang predictable at paulit-ulit na tunog kasi ng alon at ulan ay epektibong pampakalma.
Syempre, ang isa pa rin sa mga pinaka mabisang paraan para i-relieve ang stress ay ang pagtulog nang sapat at page-ehersisyo. Kapag pagod na pagod na kasi ang isip mo, mas mahihirapan kang mag-isip at mas magiging prone ka sa stress.
Kaya naman habang wala pang negatibong health implications ang stress na nararamdaman mo, magsimula ka na ng mga healthy habits tulad ng pagkakaroon ng routine, pagkain ng tama, at pagtulog ng nasa oras.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosIkaw, paano mo hinahandle ang stress? I-share mo ang iyong mga tips sa comment section. Pwede ka ring sumali sa aming Facebook group na Smart Parenting Village.
What other parents are reading
Enter your details below and receive weekly email guides on your baby's weight and height in cute illustration of Filipino fruits. PLUS get helpful tips from experts, freebies and more!


We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Don't Miss Out On These!

- Shares
- Comments