embed embed2
Bilin Ni Lola: Pagpag, Pasiyam, At Iba Pang Pamahiin Sa Patay Na Sinusunod Pa Rin
PHOTO BY Shutterstock
  • Sa dami ng pamahiin sa patay na pinaniniwalaan ng mga Pinoy ay may nagawa ng pelikula na tumatalakay sa mga ito. Marami ang naka-relate kaya pumatok ang  comedy-drama na Ded na si Lolo sa mga manonood at kritiko noong 2009.

    Meron pang horror movies tulad na Pagpag at Pa-siyam, na parehong hango sa mga pamahiin at pawang box-office hits din.

    Ibig sabihin, malaki pa rin ang bilang ng populasyon na may kamalayan o di kaya personal na karanasan tungkol sa mga bilin ng mga matatanda kapag may namatay. Nagkakaiba lang sa mga dapat at hindi dapat gawin depende sa rehiyon at relihiyon.

    Bakit may mga pamahiiin?

    “Ang mga pamahiin ay kadikit ng mayamang kultura ng buong bansa,” paliwanag ni Jovy Peregrino, isang Philippine Studies expert, sa GMA-7 news magazine na iJuander.

    “Simpleng set ng mga paniniwala ng mga tao. Hindi nila basta hinahanapan ng mga rasyonal o ng mga paliwanag.”

    Sa kabilang banda, sabi ng sociologist na si Judy San Juan sa parehong programa: “Ang purpose ng mga pamahiin ay magbigay ng paliwanag sa mga bagay na mahirap ipaliwanag.”

    May mga pamahiin simula sa pagpapasok ng kabaong sa lugar ng pagbuburulan ng patay hanggang sa paglalamay at kahit naihatid na sa huling hantungan ang yumao. Karamihan sa kanila ay hindi na pinaniniwalaan, pero patuloy pa ring sinusunod dahil wala naman daw mawawala.

    Burol 

    Pagkatapos ihanda ang patay at maihimlay sa kabaong, dadalhin siya sa burol. Tradisyonal na ginagawa ang burol sa bahay ng namatayan. Pero nitong mga nakaraang taon, tila nagiging mas madalas ang burol sa funeral home. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang burol ang paraan ng mga namatayan na magbigay galang at pagkilala sa yumao nilang kaanak. Ito rin ang paraan para magkasama-sama ang pamilya sa pagluluksa at tumanggap ng pakikiramay mula sa ibang mga tao.

    Ayon sa pamahiin, may mga dapat at hindi dapat gawin sa burol, tulad ng:

    • Habang pinapasok ang kabaong sa loob ng lugar ng pagbuburulan, dapat huwag matamaan ang ano mang parte ng kuwarto. Baka raw may sumunod kaagad sa patay.
    • Hindi dapat magwalis ang sino man, para hindi rin mawalis palabas ang kaluluwa ng namatay. Kaya pulutin na lang daw ang mga kalat. 
    • Iwasan ang mga pagkaing gumagapang (sitaw, kangkong) para hindi gumapang ang malas papunta sa iyo at sumunod sa patay.
    • Bawal mapatakan ng luha ang salamin ng kabaong. Mahihirapan daw umakyat sa kabilang buhay ang patay.
    • Kailangan parating may bantay sa burol kahit magdamag. Kaya paglalamay din ang tawag sa pagpunta sa burol. May paniniwala kasi na hindi pa nakakaakyat sa kabilang buhay ang patay kaya dapat pa rin daw samahan.
    • Para sa makikiramay, iwasan ang pagsusuot ng makukulay na damit, lalo na ang pula. Masyado raw masaya ang kulay pula para sa malungkot na okasyon.
    • Hindi nirerekomenda ng mga matatanda ang pagpunta ng buntis sa burol. Baka raw isama ang baby ng kaluluwa ng patay sa kabilang buhay.
    • Bawal maghatid ng bisita palabas ng burol. Hindi raw iyon nalalayo sa paghahatid sa kabilang buhay.
    • Kapag galing sa burol, huwag didiretso sa bahay. Dapat munang magpagpag para hindi mauwi ang dalamhati mula sa lamay.
    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Libing

    Pagkatapos ng ilang araw na burol, hinahatid na ang patay sa kanyang paglalagakan na huling hantungan. Kumpara sa siyudad, mas maraming sinusunod na pamahiin sa patay sa mga barrio sa mga probinsya. Kabilang sa mga iyan ang:

    • Bawal magbuhat ng kabaong ang pamilya ng patay. Baka raw may sumunod kaagad sa sa patay.
    • Habang nilalabas ang kabaong, dapat hindi pa rin ito makasagi ng ano mang parte ng kuwarto. Para rin  daw maiwasan ang pagsunod sa hukay.
    • Kapag nailabas na ang kabaong para sa libing, bawal na ang mga kaanak na pumasok sa bahay o lugar ng burol.
    •  Kailangang magbasag ng baso o palayok. Simbolo raw iyan ng pagbabasag ng malas para walang sumunod sa hukay.
    • Pagdating sa libingan, tinatawid isa-isa ang mga batang kaanak sa ibabaw ng kabaong. Para raw hindi magkasakit ang mga bata o kaya dalawin ng patay.
    • Pagkatapos ng libing, kailangang maghugas ng kamay ang mga nakipaglibing bago sila pumasok sa kani-kanilang mga bahay. Pagi-iingat daw laban sa mauuwi na dalamhati mula sa libing.

    Kahit nailibing na ang yumao, hindi pa natatapos ang pamahiin sa patay. Nariyan ang pasiyam, o siyam na araw pagkaraan ng libing. Kailangan daw magpadasal.

    May paniniwala kasi na hindi pa agad umaakyat sa kabilang buhay ang kaluluwa ng patay. Mangyayari iyan sa petsa ng ika-40 days ng pagkamatay, kaya nagtitipon muli ang mga naiwanang kapamilya. 

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close