-
Toddler Noticing Your Child's 'Bad' Behavior? Check How You Talk To Him
-
Real Parenting Dad, There's a Reason Why It's Hard to Say No to Your Little Girl
-
Getting Pregnant 9 Ways to Try Getting Your Baby to Kick and Punch While in the Womb!
-
Big Kids So Your Child May Not Have Valedictorian Potential: That's Okay
-
10 Mabisang Halamang Gamot Kung Meron Kang UTI At Iba Pa
Mabisa rin ang mga ito para sa mga sugat.

PHOTO BY Pexels
Magastos ang magkasakit, lalo na dito sa Pilipinas. Maliban sa mga bayarin sa ospital, napapalaki pa lalo ang gastos sa mga gamot na nirereseta ng mga doktor. Kaya naman madalas, mas pinipili ng mga Pilipinong subukang gumamit ng alternatibong mga halamang gamot para bigyang lunas ang kanilang mga nararamdaman.
Kaya naman sa pagpapatuloy ng paksang halamang gamot, narito pa ang ilan sa mga epektibong halamang gamot para sa iba’t-ibang karamdaman.
(Isang paalala: May mga sakit at sugat lalo na ang mga infections na kailangan ng payo ng doktor. Huwag gamitin ang nakasaad dito kung may pangamba. Hindi ito medical advice at hindi sigurado na epektibo.)
Halamang gamot kung mayroong sugat
Mahal ang mga ointment para sa sakit sa balat kaya marami ang mas gugustuhing gumamit muna ng mga halamang gamot. Tandaan lang na mahalaga ang kalinisan para sa mga sugat, kahit pa pagkahiwa ito ng daliri, o kaya naman pag tilamsik ng mantika habang tayo ay nagluluto. Siguraduhin na malinis ang kamay at mga gagamitin na bagay sa paglilinis ng sugat.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWAloe Vera
Ang katas na nakukuha sa aloe vera ay sinasabing mabisang gamot sa napasong balat, sugat, at kagat ng insekto. Madali lang ang paraan para magamit itong panlunas. Kumuha lang ng dalawa hanggang sa tatlong dahon ng aloe vera pagkatapos ay pigain o dikdikin para makuha ang katas nito at ipahid sa naapektuhang balat ang katas aloe vera.
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosOregano
Ang halamang gamot na ito ay sinasabing mabisa ring gamot sa paso o anu mang kagat ng ins ekto. Karaniwang dinidikdik ang dahon nito at itinatapal sa apektadong bahagi ng balat. Panatilihin sa balat sa loob ng dalawa hanggang tatlong oras, at palitang muli kung kinakailangan.
Kampupot
Nakakatulong ang halamang gamot na ito sa pagpapabilis ng paghilom ng sugat. Pinapakuluan ang mga dahon nito at kapag room temperature na sila, itinatapal sa nasugat na parte ng katawan. Para naman sa pangangati dahil sa kagat ng insekto, piniprito sa lana mula sa niyog ang dahon nito at nilalagay sa makating bahagi ng katawan hanggang sa mapawi ito.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWBayabas
Ang prutas na ito ay mayaman sa bitamina, habang ang dahon naman niya ay epektibong gam ot para sa sugat dahil nagtataglay ng anti-bacterial component. Karaniwang sariwang dahon ng bayabas ang nilalaga sa isang tasa ng tubig. Ang pinagkuluan ng mga dahon (kapag room temperature na) ang ginagamit panghugas sa sugat habang ang mga dahon naman ay itinatapal sa sugat.
Halamang gamot kung mayroong urinary tract infection (UTI)
Maaari makakuha ng UTI mula sa pagbubuntis, diabetes, at iba pang mga bakterya. Isa sa mga madalas na sintomas nito ay ang mahapding pakiramdam tuwing umiihi. Pinakamabisang paraan ay wastong pagkain at pag aalaga sa katawan. Mabisa din ang paginom ng maraming tubig, mas mainam ang walo hanggang sampong baso araw-araw. Makakatulong ito sa madalas na pagihi, at paglinis ng bato. Karaniwang antibiotic ang ibinibigay na gamot ng mga doktor sa mga pasyenteng may ganitong sakit.
Cranberry
Ang prutas na ito ay may antioxidant na kung saan pinipigilan nito ang pagdami pa ng bacteria kaya naman ang pag inom ng pure extract ng cranberry ay nakakatulong para maibsan ang UTI.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWBawang
Ang sangkap na ito ay mayroong active ingredient na tinatawag na allicin na nagsisilbing antimicrobial at antifungal agent. Ang pagkain ng hilaw na bawang ay sinasabing mabisang gamot din sa UTI.
Sambong
Katulad ng buko, ang sambong ay kilalang diuretic na mabisang pampaihi. Magpakulo ng sariwang dahon ng sambong at inumin ang pinaglagaan nito. Ipatuloy lamang ang paginom hanggang sa gumaling ang uti.
Mais
Mula sa pag-aaral ang mais ay may taglay na tannin at anti-oxidant, ito ay nakakatulong mapabilis ang pag galing sa sakit na UTI. Pinakukulo lamang ang sariwang mais at iinumin ang sabaw ng pinagkuluan nito araw araw hanggang sa tuluyang ma wala ang sintomas ng UTI.
Halamang gamot kung may sakit sa puso
Ang sakit sa puso ay dahilan sa kondisyon ng blood vessels o daluyan ng dugo na nagiging sanhi ng sakit o atake sa puso. Ang sakit na ito ay isa sa mga pinakakaraniwang kondisyon na nararanasan ng maraming tao, hindi lamang sa Pilipinas kundi pati na rin sa buong mundo. Ang ilang sintomas nito ay pahirapang huminga at paninikip ang dibdib, biglang pagkahilo, pagpapawis at panlalamig.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWDahil ang karamdamang ito ay pang habambuhay, magastos ang magkaroon ng maintenance na gamot. Kaya naman mas pinipili ng marami ang sumubok sa mga alternatibong medicina para mapababa ang kanilang altapresyon. Gayunpaman, mas makakabuti pa rin komunsulta sa isang espesyalista para masuring mabuti ang nararamdaman at makapagbigay ng karampatang lunas.
Buto ng sunflower
Ang halamang ito ay likas na mayaman sa ilang mga mineral gaya ng magnesium kaya ito sinasabing may kakayanang pababain ang konsentrasyon ng sodium sa dugo. Kung kakain ng buto ng sunflower, pilii ang walang asin.
Melon
Ang sangkap ng melon na citrulline ay sinasabing nakapagpakalma ng mga baradong ugat at nakapagpapabawas ng presyon ng dugo.
Gumamela
Ayon sa mga pananaliksik, ang gumamela ay may sangkap na kung tawagin ay angiotensin converting enzyme (ACE) inhibitors, enzyme na nagpapakalma sa mga ugat. Nakakatulong daw ito para mapababa ang altapresyon ng isang tao. Kumuha ng tatlo hanggang limang piraso ng dahon ng gumamela, o kaya naman ay dalawa hanggang tatlong kutsarita kung ito ay tuyo. Pakuluan ito sa loob ng limang minuto at lagyan ng honey para may lasa.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading
Marami sa mga nabanggit sa ating listahan ng mga halamang gamot ay ineendorso ng Department of Health. Bukod kasi sa madali lang itong makita sa paligid o sa kusina, hindi mahirap gawin, at higit sa lahat ay napatunayan na ang halaga at bisa. Pero gaya ng ibang gamot, mahalagang isangguni ang pag-inom ng mga halamang gamot sa isang doktor. Mas mainam kung matingnan muna ng doktor ang tunay na kalagayan ng pasyente, para tamang paraan at gamutan.
Ang pagkakaroon ng healthy lifestyle at balanced diet ang pinakamabisang sandata laban sa anumang uri ng sakit. Ngunit kung hindi talaga maiwasang magkasakit, mabuting magpakonsulta sa isang espesyalista.

View More Stories About
Trending in Summit Network