Tagalog,lupus,autoimmune diseases,greener,ano ang lupus na sakit,Ano Ang Lupus Na Sakit | Smart Parenting,ano ang lupus na sakit, lupus, autoimmune diseases, health concerns, medical problems,Ano ang lupus na sakit ang tanong ng karamihan tungkol sa autoimmune disease na ito.
HealthYour Health

9 Sa Bawat 10 Pasyente Ng Lupus Ay Babae: Mga Dapat Mong Malaman Sa Sakit Na Ito

Isang autoimmune disease ang lupus.
PHOTO BYShutterstock

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

Marami ang nagtatanong kung ano ang lupus na sakit, lalo na nang maging bukas sa publiko ang ilang celebrities tungkol sa kanilang karanasan. Ang American singer-actress na si Selena Gomez, halimbawa, ay sumailalim sa kidney transplant noong 2017 sa edad na 24 bilang parte ng kanyang treatment. Isa na siya ngayong advocate para sa lupus awareness.

Ano ang lupus?

Ang lupus ay isang seryosong autoimmune disease, ayon sa Lupus Research Alliance. Ibig sabihin nito, inaatake ng mismong immune system ang healthy cells nang hindi sinasadya. Dapat kasi mga infection lang ang nilalabanan ng immune system.

Isa ring chronic na sakit ang lupus, kaya mahabang gamutan ang kinakailangan ng pasyente. Sabi pa ng mga eksperto, napakasalimuot o complex ang sakit na lupus. Iba-iba raw ang paraan ng pag atake nito sa bawat pasyente, kaya hindi eksaktong magkakapareho ang mga sintomas na kanilang nararamdaman at hindi agad nabibigyan ng diagnosis. Pero hindi ito nakakahawa at hindi ito nakukuha sa paghawak sa taong may lupus.

Hindi pa natutukoy ang tunay na sanhi ng lupus, ayon naman sa Lupus Foundation of America. Pero tulad daw ng iba pang autoimmune diseases, namamana ito sa loob ng pamilya. Mas maraming kababaihan, edad mula 15 hanggang 44, ang napatunayang apektado nito. 

May paniniwala naman ang ibang eksperto na nagkakaroon ng lupus bilang tugon sa partikular na hormones, tulad ng estrogen, o di kaya sa environmental triggers. Isang bagay ang environmental trigger sa labas ng katawan ng tao na nagdudulot o nagpapalala ng sintomas ng lupus.

Mga pangkaraniwang sintomas ng lupus

Ang balat (skin), kasu-kasuan (joints), at internal organs, tulad ng puso (heart) at bato (kidney), ang kadalasang apektado ng lupus. Kaya sa mga parteng iyan ng katawan nararamdaman ang mga sintomas, ayon sa mga eksperto. Kabilang ang mga sumusunod:

  • Pagkahapo (extreme fatigue)
  • Pagkirot o pamamaga ng mga joints
  • Pamamaga ng mga kamay, paa, o di kaya sa paligid ng mga mata
  • Pananakit ng ulo
  • Mababang lagnat o sinat
  • Pagiging sensitibo sa liwanag ng araw o di kaya ilaw
  • Pananakit ng dibdib kapag humihinga nang malalim
  • Pagkakaroon ng rashes na hugis paro-paro sa mga pisngi at ilong
  • Pagkalagas ng buhok
  • Pagkakaroon ng mga sugat sa bibig o di kaya sa ilong
  • Pamumuti o pagkukulay blue ng mga daliri sa kamay at paa, pati na pamamahid kapag giniginaw o stressed ang pasyente (tinatawag ang kondisyon na ito bilang Raynaud's Disease)
watch now

Sabi pa ng mga eksperto na maaaring magpabalik-balik ang mga sintomas at puwede ring magbago ang mga ito. Kaya mainam na komunsulta sa doktor nang matukoy kung ano ang lupus na sakit.

Paano natutukoy ang lupus na sakit?

Wala raw kasing isang test na masasabing lupus ang sakit ng isang tao. Kailangang sumailalim muna sa ilang laboratory tests bago makapagbigay ng diagnosis ang doktor. Ang pinakakapaki-pakinabang daw na tests ay iyong nagkakatukoy ng partikular na antibodies, na kadalasang nakikita sa dugo ng mga pasyente ng lupus.

Kung apektado ang balat o di kaya kidneys, maaaring sumailalim sa biopsy nang masuri nang husto. Pagkatapos, kailangang tignan muna ng doktor ang medical history, mga sintomas, at resulta ng tests bago masabing lupus nga ang sakit ng pasyente.

May apat na uri ng lupus:

  • Systemic lupus erythematosus (SLE)—ang pinakapangkaraniwang uri ng lupus
  • Cutaneous lupus—kung balat lang ang apektado
  • Drug-induced lupus—kapag may kapareho ng lupus na sakit dulot ng pag-inom ng partikular na gamot
  • Neonatal lupus—isang pambihirang kondisyon na apektado ang sanggol ng nanay na may lupus

Maaaring kailanganin ang tulong ng iba-ibang doktor para magamot ang iba-ibang sintomas ng lupus, ayon sa mga eksperto. Pero kapag lupus ang kanilang diagnosis, ang rheumatologist na ang magiging pangunahing doktor na titingin sa pasyente. Ang rheumatologist ang espesyalista sa rayuma (arthritis) at iba pang sakit sa pamamaga ng joints. Siya ang magre-refer sa pasyente sa ibang espesyalista, kung kinakailangan.

Bibigyan ang pasyente ng treatment plan, ayon sa mga eksperto, na naglalayong mapigil o magamot ang pag-atake ng rashes at pagkapinsala ng organs at joints. Dagdag pa diyan ang pagbabawas ng pamamaga at pagkirot, pati na ang pagtulong sa immune system at mabalanse ang hormones, nang masagot kung ano ang lupus na sakit.

Basahin dito ang kuwento ng isang lupus survivor na nagising mula sa coma.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close