-
Inaalagaan Mo Ba Ang Mga Kidneys Mo? Ang Mga Karaniwang Sanhi At Sintomas Ng Sakit Sa Bato
by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Alam mo bang may mga pagkakataon na walang nararamdamang sintomas ang isang taong may sakit sa bato?
Kaya naman bago pa mahuli ang lahat, importanteng araw-araw mong inaalagaan ang iyong bato o kidney.
Ang mga kidney mo kasi ang responsable sa pagsala ng iyong dugo at pag-aalis ng mga dumi sa iyong katawan. Ang bato mo rin ang siyang naglilinis o nag-aalis ng toxins ng mga kinakain mo.
Kapag hindi mo ito inalagaan, hindi nito magagamapanan ang tungkulin nito at maaari kang magkaroon ng komplikasyon.
Anu-ano ang mga sintomas ng sakit sa bato?
Pagmamanas
Malimit na nakakaranas nito ang mga taong may sakit sa bato. Mapapansin mong nagmamanas ang paa mo o 'di naman kaya ay ang iyong mukha o buong katawan.
Ihi na kulay tsaa
Ayon sa mga eksperto, ibig sabihin nito ay kulang ka sa red blood cells.
Narito ang ilang maaari mong maranasang sintomas kung may sakit ka sa bato:
- pagkaunti ng ihi
- fatigue
- panghihina
- irregular heartbeat
- chest pain
- pagsakit ng tagiliran
- high blood pressure
- pamumutla
Anu-ano ang mga kundisyong maaaring makapinsala sa iyong bato?
Paninigarilyo
Kung malakas kang manigarilyo, maaaring maapektuhan nito ang iyong bato. Mahihirapan kasi ang kidneys mo na salain ang mga kemikal na patuloy mong ipapasok sa katawan mo.
Pagkakaroon ng diabetes
Kung labis ang asukal sa iyong dugo, mahihirapan ang bato mo na salain ito.
Pagkakaroon ng hypertension
Kasama ang mga ugat sa bato sa mga ugat na nasisira kung mayroon kang hypertension.
Pagkakaroon ng kidney stones
Ayon sa mga eksperto, ang pinakamataas na risk factor sa pagkakaroon ng kidney stones ay kung mas mababa sa isang litro ng ihi ang inilalabas mo sa isang araw. Ibig sabihin, hindi ka nakakainom ng sapat na dami ng tubig.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMaaari ka ring magkaroon ng kidney stones kung hindi maganda ang diet mo—lalo na kung ang madalas mong kainin ay mga pagkain masyadong mataas ang protein, salt, at glucose content.
Paano malalaman kung malala na ang sakit sa bato?
- hindi ka na umiihi
- hirap ka sa paghinga
- madalas masakit ang iyong tiyan
- wala kang gana kumain
- pagkahilo
- pagsusuka
- hirap sa pagtulog
- pangangati ng buong katawan
Anu-ano ang pwedeng gawin para maiwasan ang sakit sa bato?
Marami kang pwedeng baguhin sa iyong lifestyle para maiwasan mo ang pagkakaroon ng sakit sa bato.
Sabi nga ng mga eksperto, mas mataas ang tsansa mo na magkaroon ng sakit sa bato kung ikaw ay may diabetes at high blood pressure. Hindi rin nakakatulong kung ikaw ay obese at naninigarilyo.
Ito pa ang mga pwede mong gawin para maiwasan ang sakit sa bato:
- uminom ng maraming tubig (2-3 litro sa isang araw)
- kumain ng sapat at tama
- umiwas sa mga pagkaing masyadong maalat
- iwasan ang labis na pag-inom ng alcohol
- tumigil sa paninigarilyo
- mag-ehersisyo
- huwag uminom ng gamot na walang payo ng doktor
Anu-ano ang mga home remedies na pwedeng ipanlaban sa sakit sa bato?
Bukod sa pagkakaroon ng healthy lifestyle, pwede mo ring subukan ang mga home remedies na ito:
Lemon juice
Nakakatulong ito para maiwasan ang pagkakaroon mo ng kidney stones dahil likas ito sa citrate.
Pinipigilan din nito ang paglaki o pagdami ng bacteria dahil mayaman ito sa vitamin C.
Basil juice
Marami namang acetic acid ang basil. Ito ang siyang tutulong para tunawin ang kidney stones kung mayroon ka man.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWRecommended VideosMayaman din ito sa antioxidants at anti-inflammatory agents kaya malaki ang maitutulong nito para panatilihing malusog ang kidney mo.
Celery juice
Makakatulong naman ito para mabawasan ang toxins sa iyong katawan. I-blend mo lang ang isa hanggang dalawang stalks ng celery kasama ang tubig at saka inumin.
Paalala lang, bago ka uminom ng mga home remedies na ito, kumonsulta ka muna sa iyong doktor para masigurong walang magiging komplikasyon.
Importante ring regular na magpatingin sa doktor para laging ma-monitor ang iyong kidney health.
What other parents are reading
Enter your details below and receive weekly email guides on your baby's weight and height in cute illustration of Filipino fruits. PLUS get helpful tips from experts, freebies and more!


We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.


- Shares
- Comments