-
May Risk Ng Diabetes Sa Pamilya. Sagot Ni Mommy, Isang Weight Loss Program Para Sa Anak
Sabay nag-exercise ang mag-ina noong panahon ng ECQ.by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments

Hindi lang adults, kundi maging kids din, ang apektado sa pagiging mabigat ang timbang o mataas ang body mass index (BMI). Katunayan, malaki ang itinaas ng bilang ng mga bata at teenager na may problema sa obesity sa buong mundo nitong nakaraang dekada, ayon sa World Health Organization (WHO).
Dagdag pa ng WHO na may mga nakitang ebidensya na nadadala ng mga bata ang pagiging overweight hanggang sila ay tumanda, at malaki ang tsansa na magkaroon sila ng non-communicable diseases (NCDs). Ilan sa mga ito ang sakit sa puso at diabetes. Ang NCDs ang pangunahing sanhi ng kamatayan sa Pilipinas, na may lampas 50 percent ng kabuuang datos.
Dahil dito, naging concerned si Paz Serafica-Cayabyab, isang lawyer, sa panganay niyang si Luis Eugenio, na may palayaw na Euge. May diabetes, isang namamanang sakit, kasi sa pamilya ng kanyang asawa na si Chris, isa namang engineer. Napapansin niyang bagamat malaking bulas talaga ang bata, lumalaki ito nang higit pa sa malusog na pangangatawan. Kaya naisip niyang tulungan ito na magbawas ng timbang.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWHindi lang masimulan ni Paz ang kanyang plano dahil sa trabaho at sa pagpapatakbo ng kanilang negosyo na isang cafe. Nakahanap siya ng pagkakataon nang ipatupad noong mid-March 2020 ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa buong Luzon, kabilang ang kanilang lugar sa Pangasinan.
Kuwento ni Paz sa SmartParenting.com.ph na 38 kilos (o halos 84 lbs) ang timbang ni Euge nang panahon na iyon at mistulang “lethargic” o kulang sa energy. Nagdiwang lang ng 9th birthday ang bata nitong April 9, pero may height na siyang 4’3”.
Kasama ni Euge ang kanyang mga magulang, si Paz at Chris, at ang batang kapatid na si SimonPHOTO BY courtesy of Paz Serafica-CayabyabCONTINUE READING BELOWwatch nowMaituturing na obese si Euge base sa kanyang BMI, na siyang nagkakalkula ng body fat ng isang tao gamit ang height at weight nito. Ang BMI ni Euge ay 22.8 at nasa 97th percentile.
Pagkaraan ng tatlong buwan, nang matapos ang ECQ sa Pangasinan noong June, hindi na obese si Euge. Nabawasan kasi ang kanyang timbang ng tatlong kilo at naging 35 kilos (79 lbs). Kaya bumaba din ang kanyang BMI, na naging 21 at nasa 95th percentile.
Ang klasipikasyon na ni Euge ay overweight. Kasunod na nito ang healthy weight na ang BMI ay pantay o higit pa sa 5th percentile at mababa naman sa 85th percentile.
Paliwanag ni Paz na sinabihan lang niya si Euge na sabayan siyang mag-exercise habang nakapirmi silang mag-anak sa bahay bilang pagsunod ng ECQ. Hindi naman daw siya nahirapan na kumbinsihin ang kanyang anak dahil alam at dama nito araw-araw ang pagbigat ng katawan at ang madaling pagkapagod.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWTuwing umaga nang panahon na iyon, naging habit ng mag-ina at ilang kasamahan sa bahay na mag-ehersisyo tuwing umaga. Sinusundan lang nila ang “Boosted Walk” exercise video sa YouTube channel ng American fitness instructor na si Leslie Sansone. Nagdagdag pa si mommy ng ilang exercise, tulad ng jumping jacks, squats, side bends, punches, at reverse lunges.
Sa diet naman, binawasan ni Paz ang matatamis na pagkain para kay Euge at dinagdagan ang pag-inom nito ng gatas at kalamansi juice. Wala daw hilig ang bata sa kanin kung hindi ito arroz caldo, pati na ang gulay. Carrots lang daw ang kinakain kapag sahog sa pancit. Gusto ni Euge ng chicken, pork chop (without the fat), noodles, pancakes, potatoes, fish fillet, at peanut butter.
Pansin ni Paz na masaya si Euge sa pagbabawas ng timbang. Mas mabilis na itong tumakbo at mas mataas pang tumalon. Aniya, “Lumiit na tiyan niya, and he shows it off. Sabi niya, ‘I have abs now.’ He can now wear some of his clothes that were too tight before.”
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMasaya din si Paz na kahit balik-opisina na siya ay tuloy-tuloy ang active lifestyle ni Euge. Nagba-bike daw ang bata tuwing umaga at tanghali. Hangad nila na magbawas pa ng timbang ang anak at tuluyang makawala sa pagiging overweight.
What other parents are reading

- Shares
- Comments