embed embed2
  • Week 25 Ng Pagbubuntis: Oras Na Para Sa Iyong Glucose Screening

    Mahalaga na hindi ma-miss ang test na ito para sa gestational diabetes
    by Jocelyn Valle .
Week 25 Ng Pagbubuntis: Oras Na Para Sa Iyong Glucose Screening
PHOTO BY iStock
  • Sa huling buwan ng second trimester, patuloy na lumalaki ang tiyan at nagdudulot ito ng lumalaki na ring discomfort. Dagdag pa rito ang mga sintomas ng pagbubuntis sa week 25. Pero kaya pa maging manageable ang lahat.

    Kung mayroon kang pre-pregnancy normal body mass index (BMI) at maingat ka sa iyong pangangatawan, dapat mula 14 hanggang 16 pounds pa lamang ang nadadagdag sa iyong timbang simula nang mabuntis ka. Huwag na sana bibigat pa sa puntong ito dahil posibleng magdulot ng mga kumplikasyon, tulad ng gestational diabetes.

    Mag-ingat sa gestational diabetes sa week 25 ng pagbubuntis

    Bagamat hindi pa masiguro ng mga eksperto kung bakit may mga buntis na nagkakaroon ng gestational diabetes, na isang temporary condition na kailangang magamot kaagad, sigurado sila sa ibang factors. Kabilang dito ang pagiging overweight at may edad na nang mabuntis, pati ang pagkakaroon ng mas mataas na lebel na abdominal fat at family history ng diabetes. 

    Mainam na sumailalim sa glucose test o screening pagtungtong ng week 25. Malalaman dito ang kondisyon ng iyong blood sugar levels. Sa ganitong standard prenatal test nalaman ni Jolina Magdangal na mayroon siyang gestational diabetes nang ipinagbubuntis ang second baby nila ng asawang si Mark Escueta. (Basahin dito.)

    Iba pang sintomas ng pagbubuntis week 25

    Marahil mapapansin mo ang tila mga mantsa sa iyong balat. Nariyan ang maitim na linyang tumatakbo pababa ng pusod (“linea nigra”) at pangingitim sa leeg, kili-kili, at iba pang parte ng katawan. Unti-unti lang maglalaho ang mga ito pagkatapos mo nang manganak. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pamamahid mula kamay hanggang braso

    Tinatawag na carpal tunnel syndrome ang nararamdamang pamamanhid mula kamay hanggang braso. Dulot ito ng pagdami ng fluids sa iyong katawan sa simula pa lang ng iyong pagdadalang-tao.

    Dahil sa karagdagang fluids, nagkakaroon ng pamamaga sa mga kamay, paa, at bukung-bukong na siya namang nagbibigay ng pressure sa nerves na dumadaloy sa mga pulso. Ang pressure na ito ang sanhi ng kirot, pamamanhid, at patusok-tusok na pakiramdam sa mga palad at daliri.

    Katulad ng remedyo sa swollen ankles and feet, maiibsan ang carpal tunnel syndrome sa pamamagitan ng pagpatong sa mga braso sa unan bago matulog para mapabuti ang blood circulation. Makakatulong din kung hindi nadadaganan ang mga kamay habang natutulog.

    Ugaliin na mag-inat-inat at magpa-ikot-ikot ng mga kamay para maehersisyo ang mga ito. Kung lubha ang pakiramdam, kausapin ang doktor at malamang payuhan ka na magsuot ng wrist brace.

    Bukod sa carpal tunnel syndrome, posibleng magdulot ang karagdagang bodily fluids ng increased vaginal discharge, vision problems, varicose veins, hemorrhoids, bleeding gums, stuffy nose, at nosebleeds.

    Mapupula at makakating mga palad

    Base sa sinaunang kasabihan, magandang senyales ang pangangati ng palad dahil may parating daw na pera sa iyo. Pero kung buntis ka, malamang isa lamang ito sa mga kakaibang nararamdaman mo. Mag-alala lang kung ang pangangati at pamumula ay kumalat hanggang talampakan. Komunsulta sa doktor dahil baka tinamaan ka ng rare pregnancy complication na kung tawagin ay cholestasis.

    Ayon sa American Pregnancy Association, isang liver disease ang intrahepatic cholestasis of pregnancy (ICP). Nangyayari ito kapag naapektuhan ng pagdami ng pregnancy hormones ang normal na daloy ng bile. Mas madalas daw sumulpot ito sa third trimester, kung kailan nasa rurok ang pregnancy hormones, at naglalaho ilang araw pagkatapos manganak.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Mababawasan ang pamumula at pangangati ng mga palad sa tulong ng pagbabad sa mga kamay sa malamig na tubig o di kaya paggamit ng ice pack. Iwasan na rin ang hot bath at paghawak sa mga maiinit na bagay.

    Stretch marks

    Sa paglaki ni baby sa sinapupunan, lumalapad ang uterus at nababanat ang balat sa tiyan. Nagkakaroon tuloy ng mga marka na kilala bilang stretch marks. Kadalasan pa, may hatid ang mga ito na panunuyot at pangangati kaya mahirap maiwasan ang pangangamot. Makakatulong ang moisturizer para hindi na dumami at lumala pa ang mga marka. Magpahid sa tiyan, pati na sa paligid ng mga suso, braso, at hita. 

    Pagkirot, pananakit ng katawan

    Tunay na may kabigatan na si baby sa iyong sinapupunan kaya apektado na ang iyong galaw at postura. Nagreresulta ang mga ito sa pagkirot sa likod, balakang, lower abdomen, at groin area. Pero ang pakiramdam mo parang buong katawan ang masakit. Sikapin ang good posture sa pag-upo at pagtayo. Subukan ang pregnancy exercises basta rekomendado ng doktor.

    Hirap sa pag-tulog

    Sa dami ng mga iniindang sintomas ng pagbubuntis sa week 25, hindi nakapagtataka na malimit kang kulangin sa tulog. Posibleng nagiging mailap ang antok dahil sa mga bumabagabag sa iyong isip at katawan. Kapag nakatulog ka naman, bigla kang magigising dahil sasakit ang likod, pupulikatin ang mga binti, o di kaya maiihi.

    May tulong na hatid ang pagkakaroon ng ritwal bago matulog. Kabilang dito ang pag-inom ng mainit na gatas, pag-meditate o gentle exercise (kung papayagan ng doktor), pag-spray ng essential oils (lavender, halimbawa), at paggamit ng pregnancy pillow.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Paglaki ng baby sa tiyan sa ika-25 na linggo na buntis

    Samantala, panay naman ang tulog ni baby sa iyong sinapupunan at patuloy lang ang kanyang development. Masusukat na siya nang halos 34.6 cm, mula ulo hanggang paa, at matitimbang nang halos 660 grams. Narating na niya ang pagiging proportion ng lahat ng parte ng kanyang katawan.

    Nagiging malaman na si baby dahil sa mga lumalagong muscles, lumalakas na mga buto, at dumadaming baby fat. Kaya naman mula sa pagiging translucent ng kanyang balat, opaque na ito ngayon. Mabilis ang maturity ng kanyang organs, tulad ng para sa pandinig. Ang kanyang inner ear, na may balance-controlling function, ay fully developed kaya alam na niya ang mga posisyon na kanyang nagagawa. 

    Sakaling mapaanak ka sa puntong ito ng second trimester, may tsansa na makaligtas si baby dahil posibleng kayanin ng kanyang lungs at iba pang vital organs ang buhay sa labas ng iyong sinapupunan.

    Ngunit hangga’t maaari, maganda na mandala si baby sa takdang oras ng kanyang paglabas. Ibayong pag-iingat ang pairalin habang pinagdadaanan ang mga sintomas ng pagbubuntis ng week 25.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles