-
Katas Man O Balat, Ang Maraming Benepisyo Ng Lemon Sa Puso, Kidney At Digestion
Hindi lang juice ang naibibigay ng prutas na ito.by Jocelyn Valle .
- Shares
- Comments

Isa ang lemon sa pinakakilala at kinagigiliwang prutas sa buong mundo. Bukod sa katas nitong ginagawang juice na inumin at flavoring sa pagkain, ang balat naman ay may samu’t-saring pinanggagamitan. Ilan lang iyan sa benepisyo ng lemon sa katawan at pati na rin sa kapaligiran.
Citris limon ang scientific name ng lemon, na siyang bunga ng lemon tree. Bagamat hindi matukoy kung saan ito unang tumubo, pinaniniwalaan na nagmula ito sa northwestern India at nakarating sa southern Italy hanggang maitanim na rin sa marami pang bansa. Kabilang na dito ang Pilipinas, partikular sa Baguio, kung saan matatagpuan ang dalawang common lemon varieties na Eureka at Lisbon.
Popular ang lemon juice bilang inuming lemonade dahil sa taglay nitong vitamin C. Ang isang serving size na 100 grams ng raw lemon juice ay mayroong 38.7 mg na vitamin C, at katumbas nito ang 43 percent daily value. Mayaman din ito sa folate, potassium, at iba pang nutrients.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWWhat other parents are reading
Nauuso din ang lemon water, na simpleng nagagawa sa pamamagitan lamang ng paglalagay ng isa o higit pang slice ng lemon sa isang baso o pitsel ng tubig. Mainam na simulan ang araw sa pag-inom ng lemon water, pahayag ni Dr. Roxanne B. Sukol, isang internal medicine specialist, sa Cleveland Clinic.
Paliwanag ni Dr. Sukol na sa ganitong paraan, lubos na makukuha ang mga benepisyo ng lemon. Una dito ang healthy dose ng vitamin C at potassium. Kung nagbibigay proteksyon laban sa cell damage at nagpapalakas ng immune system ang vitamin C, kinakailangan naman ng katawan ang potassium para sa nerve-muscle communication at blood pressure regulation.
Isa pang malaking tulong ng lemon ay sa digestion dahil sa mga acid na mayroon ito na siyang kailangan sa pagtunaw ng pagkain sa tiyan. Layunin naman ng ibang acid ang pagpigil sa pagkakaroon ng kidney stones. Ang taglay naman nitong phytonutrients ay nagsisilbing panangga ng katawan kontra sa mga sakit.
CONTINUE READING BELOWwatch nowDagdag pa ng doktor na mapapanatiling hydrated ang katawan kapag madalas ang pag-inom ng lemon water at maaari pang magbawas ng timbang kung ipapalit ang lemon water sa nakasanayang morning drink tulad ng latte at orange juice.
Paalala lang ng mga taong umiinom ng lemon water na maghinay-hinay lalo kung acidic dahil lalong mangangasim ang sikmura nito. Siguraduhin din na linisin mabuti ang balat ng lemon bago ito hiwain at ilagay sa tubig. Marami ng germs ang kumapit dito mula sa delivery hanggang sa display sa supermarket o palengke.
Nakakahinayang naman kung hindi isasama ang lemon peel sa lemon water dahil puno din ito ng sustansya. Bukod pa sa vitamin C at potassium, mayaman din ito sa dietary fiber, calcium, iron, at protein. Kaya ginagamit ang lemon peel bilang sangkap sa lutuin, maging ulam man o panghimagas. Dito rin galing ang lemon oil, na mahusay bilang food flavoring at essential oil.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWSinasabing nakakatulong ang lemon essential oil sa:
- pagbawas ng anxiety at depression
- paggaling ng morning sickness at cold symptoms
- paggamot ng mga sugat
- pagtanggal ng acne
- pagpawi ng kirot
- pagsigla ng katawan
- pagganda ng balat
Nakakagamot din daw ang lemon juice, ayon sa librong Fruits of Warm Climates, bilang “diuretic, antiscorbutic, astringent, and febrifuge.” Sa Italy daw, ginagamit ng sweetened juice para maibsan ang sakit mula sa gingivitis, stomatitis, at pamamaga ng dila.
Samantala, tanggap na sa maraming lugar ang pag-inom ng lemon juice at mainit na tubig upang mapigilan ang paglala ng sipon at mabawasan ang hirap sa pagdumi. Iyon nga lang daw ang sobrang pag-inom ng lemon ay maaaring makasira ng tooth enamel, na siyang pumuprotekta sa ngipin.
Walang tapon sa lemon dahil pati ang lemon seeds at peel ay may medicinal use. Sa Cuba, ginagamit ang oil mula sa lemon seeds bilang gamot sa trangkaso, at gonorrhea para sa mga taga West Africa. May ilang bansa din ang gumagamit ng infusion mula sa lemon peel upang maibsan ang colic.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMaliban sa pagkain at gamot, ramdam ang benepisyo ng lemon sa marami pang bagay. Ginagamit itong sangkap bilang stain remover, all-purpose cleaner, furniture polish, detergent, shampoo, sabon, at pabango.
What other parents are reading

- Shares
- Comments