embed embed2
Anong Sakit Ang Pamamantal O Pamamaga Ng Balat? Ito Ang Sagot Ng Dermatologist
PHOTO BY Pexels/Cats Coming
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Marami ang nagtatanong kung anong sakit ang pamamantal o pamamaga ng balat. Madalas kasi itong mangyari kahit kanino, maging bata man o matanda. Minsan pa nga, magugulat ka na lang dahil akala mo simpleng pamumula o pangangati lang.

    Pamamantal at pamamaga ng balat

    Pantal ang tawag sa mapupulang nakaumbok sa balat (elevated red rash), ayon kay Dr. Jarische Lao-Ang, isang dermatologist at miyembro ng Philippine Dermatological Society (PDS). Paliwanag niya na ang pamumula ay indikasyon na may pamamaga (inflammation) sa balat.

    Dagdag ni Dr. Lao-Ang na may kinalaman ang pamamantal sa tagulabay, na kilala sa medical term na urticaria o di kaya hives. Isa itong pangkaraniwang kondisyon, ayon sa American College of Allergy, Asthma & Immunology (ACAAI). Tinatayang 20 percent ng mga populasyon ang nakakaranas nito kahit minsan sa buhay nila.

    Sa pangkaraniwang hives o acute urticaria, tumatagal lamang ang rashes mula ilang oras hanggang isang linggo, at bihirang lumagpas pa. Sabi nga ni Dr. Lao-Ang, ang rashes na hatid ng urticaria ay kadalasang nawawala sa loob ng isang araw. Pero posibleng may bagong pantal na sumulpot.

    Kung ang atake ng iyong hives ay tumatagal sa loob ng anim na linggo o higit pa, masasabing nakakaranas ka ng chronic spontaneous urticaria (CSU). Ito ay ayon naman sa Australian Society of Clinical Immunology and Allergy (ASCIA). Nangyayari rin daw ang CSU nang mula tatlo hanggang apat na beses sa isang linggo at walang maliwanag na dahilan o trigger.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mga sanhi ng pamamantal at pamamaga ng balat

    May mga tinatawag na triggers na nagdudulot nag pantal o urticaria, ayon pa kay Dr. Lao-Ang. Kabilang dito ang mga sumusunod:

    • Allergens
    • Irritants
    • Weather changes
    • Food intolerance
    • Infection
    • Tooth decay
    • Insect bites
    • Stress
    • Hormonal changes
    • Autoimmune problems

    Paalala lang ng dermatologist na puwede ring hindi matukoy (unidentified) ang trigger. Tinatawag daw ang ganitong kaso bilang spontaneous urticaria.

    Sa usaping pamamaga (inflammation) ng balat, hindi raw ito limitado sa pagkakaroon ng pantal o urticaria. Maaaring sanhi ito ng eczema, na posible namang may kinalaman sa skin asthma, contact irritation o allergies, at kahit pa panunuyo ng balat (dry skin).

    Kaugnay na mga sakit

    Kadalasang mga sakit sa balat ang kaagad naiisip kapag may pamamantal o pamamaga sa balat. Ang pantal, halimbawa, ay kaugnay ng underlying skin asthma (atopic dermatitis), ayon kay Dr. Lao-Ang. Sa atopy naman, madaling matuyot at sadyang sensitibo ang balat. Kaya ang mga taong may atopy ay mas mataas ang tyansa, o prone, na magkaroon ng urticaria.

    Tungkol naman sa nabanggit ng eczema, ito ang tawag sa grupo ng mga health condition na apektado ang balat, ayon sa United States National Eczema Association (NEA). May anim na mga uri ng sakit sa balat na makati at may hatid na pamumula at rashes ang kabilang sa grupo ng eczema:

    • Atopic dermatitis
    • Contact dermatitis
    • Dyshidrotic eczema
    • Nummular eczema
    • Statis dermatitis
    • Seborrheic dermatitis

    Ang seborrheic dermatitis ay ang chronic form ng eczema, ayon pa sa NEA. Ibig sabihin, pagbalik-balik at tumatagal ang pag-atake nito. May pangangati at pamumula ng balat, lalo na kapag natural na oily ang iyong balat.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Sa kabilang banda, may mga pagkakataong walang kinalaman ang ano mang mga uri ng sakit sa balat. Nagbigay si Dr. Lao-Ang ng ilang mga halimbawa ng medical conditions:

    • Thyroid problem
    • Underlying infection
    • Blood disorders
    • Autoimmune diseases

    Mga dapat gawin

    Bilin ni Dr. Lao-Ang na iwasang kamutin o kuskusin ang pamamantal o pamamaga sa balat, lalo na kung sobrang itong makati. Para makaiwasan din daw sa paglala ng kondisyon. Maaaring subukang magpahid ng soothing gel, tulad ng aloe vera, o di kaya maglapat ng ice pack. Subukan din daw alamin kung anong trigger nito.

    Kapag hindi mo talaga matukoy kung ano ang trigger, mainam na komunsulta sa dermatologist. Sabi pa ni Dr. Lao-Ang, obserbahan kung pabalik-balik ang kondisyon at tumatagal ito ng halos anim na linggo.

    Dagdag pang dahilan ang hatid na balisa (distress) at abala sa pang-araw-araw mong mga gawain. Kaya panahon nang malaman mo sa doktor mismo kung anong sakit ang pamamantal o pamamaga ng balat.

    Si Dr. Jarische Lao-Ang ay may klinika sa Skin 101 sa Shangri-la Plaza mall, na matatagpuan sa Mandaluyong City. Nagbibigay din siya ng online consultation. Mahahanap siya sa Instagram at TikTok bilang thedermamamaph.

    Read also: Larawan Ng Iba't-Ibang Sakit Sa Balat

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles