itchy skin,Tagalog,ask the doctor,greener,sakit sa balat,mga uri ng sakit sa balat na makati,Mga Uri Ng Sakit Sa Balat Na Makati | Smart Parenting,mga uri ng sakit sa balat na makati, itchy skin, sakit sa balat, makating balat, mga problema sa balat,May mga uri ng sakit sa balat na makati ang iba-iba ang dahilan kaya iba-iba rin ang paggamot.
HealthYour Health

Ang Kati! 6 Home Remedies Sa Itchy Skin Na Rekomendado Ng Derma

May iba-ibang mga uri ng sakit sa balat na makati.
PHOTO BYShutterstock

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

May mga pagkakataon talagang naiirita ang balat at nangangati ito. Pero kung dumadalas itong mangyari, o lumalala pa, baka nakakaranas ka na ng isang sintomas ng mga uri ng sakit sa balat na makati.

Mga dapat malaman sa makating balat

Ang medical term para sa makating balat o itchy skin ay pruritus, ayon kay Dr. Mara P. Evangelista-Huber, isang dermatologist. Tumutukoy ito sa pandama o sensation sa balat na siyang nagtutulak sa iyong mangamot.

Paliwanag ni Dr. Evangelista-Heber sa email interview niya sa Smart Parenting na maraming posibleng sanhi ng itchy skin. Depende raw ito sa itsura (appearance) ng balat na nangangati. Puwede kasing hindi halata ang pagbabago sa balat at puwede rin namang may ganitong mga pagbabago sa balat:

  • Pagiging tuyot (dry) at pagbitak-bitak (cracked)
  • Pamumula (red) at itsurang kaliskis (scaly)
  • Pagbubukol (bumps) o di kaya pagpapaltos (blisters)
  • Pagkapal dahil sa paulit-ulit na pangangamot

Paaala ng doktora na ang sobrang pangangamot ay maaaring magdulot ng pagdugo ng balat o di kaya pagkakaroon ng infection. Kaya maghinay-hinay kung hindi talaga matiis ang pangangati.

Dagdag pa niya na puwedeng partikular na parte ng katawan lang ang apektado ng itchy skin, tulad ng anit at mga paa at kamay, pero puwede ring buong katawan ang mangati. Maaaring panandalian lang ang pangangati, pero maaari ring umulit-ulit ito. Depende rin kung mild o severe ang pangangati, at kadalasang lalo kumakati ang balat kapag kinakamot ito (itch-scratch cycle).

Mga uri ng sakit sa balat na makati

May ilang dahilan kung bakit nangangati ang balat, ayon kay Dr. Evangelista-Huber.

Skin conditions

Narito ang ilang mga sakit sa balat:

Xerosis, na kilala rin sa simpleng tawag na dry skin. Mas karaniwan ito sa mga matatanda, pero puwede ring dulot ng matapang at nakakatuyot na skin care products o di kaya household agents.

watch now

Atopic dermatitis at iba pang uri ng eczema (tulad ng dyshidrotic eczema, seborrheic dermatitis/dandruff).

Psoriasis (basahin dito at ang mga posibleng sanhi at dito ang mga uri).

Urticaria, na kilala rin sa tawag na wheals.

Infections, kabilang ang viral infections (tulad ng chickenpox), bacterial infections (tulad ng folliculitis at impetigo o mamaso), at fungal infections.

Irritation at allergic reaction sa mga bagay na dumidikit sa balat (tulad ng skin care products, gamot na pinapahid, damit, sabong panlaba, mga halaman) o di kaya mga gamot o supplement na iniinom.

Kagat at pagsalanta ng mga peste, tulad ng mites (dulot ng kurikong sa balat o scabies), surot (bed bugs), kuto (head lice), at ipis (mosquitoes).

Internal diseases

Kabilang dito ang:

  • Liver disease
  • Kidney disease
  • Anemia
  • Diabetes
  • Thyroid problems
  • Ilang uri ng cancer, tulad ng multiple myeloma o di kaya lymphoma
  • Human immunodeficiency virus (HIV)

Nerve disorders

Narito ang ilang halimbawa:

  • Herpes zoster or shingles
  • Multiple sclerosis
  • Radiculopathy aka pinched nerves

Psychiatric conditions

Ilan sa mga ito ang:

  • Obsessive-compulsive disorder
  • Anxiety o Depression

Paalala ni Dr. Evangelista-Huber na may pagkakataong hindi natutukoy ang sanhi ng pangangati. Kaya mahalagang komunsulta sa doktor.

Paano maiiwasan ang pangangati ng balat?

May mga suhestiyon si Dr. Evangelista-Huber para hindi umatake ang itchy skin:

  • Iwasan ang mga bagay na alam mong nakakairita sa iyong balat, tulad ng irritants at allergens
  • Iwasan ang sobrang init at lamig, pati na humidity
  • Iwasan ang mga produktong may sangkap na pabago, pangkulay, at preservatives para sa bilang skin care o di kaya detergent
  • Iwasan ang matagal na exposure sa pawis, laway, ihi, at dumi
  • Iwasan ang magaspang na tela (tulad ng wool), synthetic na tela (tulad ng polyester), at masisikip na kasuotan
  • Iwasang makagat at maperwisyo ng mga insekto at dust mites
  • Iwasan ang balahibo ng hayop, kabila na ang alaga mo
  • Iwasan ang dagta ng halaman at dulo ng bulaklak (pollen)
  • Iwasan ang usok ng sigarilyo at amoy ng pabango

Payo ni Dr. Evangelista-Huber na mahalagang malaman kung ano ang sanhi ng iritasyon sa balat. Makakatulong dito ang pagkonsulta sa dermatologist o di kaya allergologist, na espesyalista sa allergies.

Samantala, narito ang kanyang rekomendadong home remedies na puwedeng gawin nang maibsan ang itchy skin:

Gumamit lamang ng gentle skin care products

Para makasigurado, piliin ang mga produktong hypoallergenic at fragrance-free na cleanser at moisturizer. Karamihan sa mga mayroong sensitive skin ang nagsasabing subok nila ang pagiging gentle ng Cetaphil brand.

Para naman sa dry skin, makakatulong kung piliin ang thicker cream at ointment kesa sa lighter lotion para sa dry skin. Pagkatapos maligo, kaagad magpahid ng moisturizer. Ulitin ang pagpapahid ng moisturizer kung kinakailangan nang maibsan ang pagkatuyot at pangangati ng balat.

Tip mula sa dermatologist-expert: Maaaring ilagay ang bote ng moisturizer sa refrigerator para lumamig ito. Ang ganitong lamig, kapag ipinahid sa balat, ay posibleng makabawas sa pangangati.

Iwasan ang matagal na pagligo

Hangga't maari, daliin ang pagligo at huwag gumamit ng sobrang init o di kaya sobrang lamig na tubig. Huwag din masyadong kuskusin ang balat.

Bawasan ang stress

Maaari kasing lumala ang pangangati ng balat dahil masyado kang stressed out (Basahin dito ang mga sintomas). Kaya subukang pababain ang iyong stress levels sa pamamagitan ng pagtulog nang sapat na oras, page-exercise nang regular, pagme-meditate, pagyo-yoga, at pagsailalim sa counselling.

Pag-inom ng gamot

Maaaring makatulong ang oral antihistamines kung rekomendado ng iyong doktor.

Gumamit ng humidifier

Maaaring magbigay ginhawa ang humidifier sa makating balat (basahin dito ang pagkakaiba ng humidifier sa air purifier at diffuser).

Iwasan ang pagkamot ng balat

Bagamat mahirap pigilan ang sarili na kamutin ang makating balat, sikapin pa ring iwasan ang pagkamot. Pinapalala kasi nito ang kati at pinapalaki ang tyansa ng infection. Makakatulong kung panatiliing maiksi ang mga kuko at magsuot ng gloves kung matutulog.

Kung hindi umubra ang home remedies, payo ni Dr. Evangelista-Huber na komunsulta sa dermatologist. Pinakamabisa pa rin daw na paraan ang pag-alam ng dahilan ng itchy skin. Ang dermatologist ang makakapagbigay ng tamang diagnosis at naaayon na treatment.

Kabilang sa treatment ang medication na maaaring inumin o di kaya ipahid sa balat. Maaaring sumailalim ng medical procedure, tulad ng phototherapy. Maaari ring sabihan ka ng doktor na sumailalim pa sa laboratory o medical procedures para matukoy ang sanhi ng itchy skin at kung kabilang ito sa mga uri ng sakit sa balat na makati.

Basahin dito ang gamot sa makating balat habang buntis.

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close