-
Money You Can Now Franchise 'Mister Donut On Wheels'! How To Do It And How Much You'll Need
-
Baby Vinagre Aromatico: Sagot Sa Amoy Pawis Ng Baby?
-
Special Occasions Expecting? 4 Maternity Shoot Ideas Inspired By Celebrity Moms You Can Try At Home
-
Money Working At Home Is A Heavier Burden For Moms Than Dads, According To PH Survey
-
Makating Balat Habang Nagbubuntis? Narito Ang Ilang Paunang Lunas Ayon Sa Isang Eksperto
Normal na maranasan mo ito dahil na rin sa pagbabago ng hormones sa iyong katawan.by Ana Gonzales .

PHOTO BY Unsplash
Sa mga buntis, kaakibat ng paglaki ng iyong tiyan ang ilang mga pananakit at discomforts tulad ng morning sickness, pagkahilo, heartburn, at ang nakakairitang pangangati ng iyong balat.
Paliwanag ni Dr. Maynila Domingo, isang obstetrician-gynecologist, normal lang ito. "Common 'yun, 'yung pruritus, during pregnany," sabi niya. "That may be due to several factors—hormone is one of them, pati 'yung pangingitim."
Ayon sa Mayo Clinic, kabilang sa mga sintomas ng pruritus ang pamumula ng balat at pagkakaroon ng mga butlig o spots. Mapapansin mo rin na dry ang iyong skin at sa mga malalang kaso, may pagbibitak ng balat o pagkakaroon ng scaly skin.
Sa datos naman ng National Center for Biotechnical Information, lumalabas na 20% ng mga babaeng buntis ang nakakaranas ng pruritus. Sa ilang malalang kaso, maaaring mahirapan kang matulog dahil sa sobrang kati.
Maraming maaaring maging dahilan sa likod ng pruritus kaya mahalagang magtanong ka sa iyong doktor para mabigyan ka niya ng tamang lunas na hindi makakasama sa iyo at sa batang dinadala mo.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPayo ni doktora Maynila, kailangan ay mild soap ang gamit mo sa pagligo at paghuhugas ng ano mang bahagi ng iyong katawan. "Use emollient lotion, kasi, kapag mas dry ang skin, mas makati."
CONTINUE READING BELOWRecommended VideosBabala naman ni dok, kailangang mag-ingat dahil may mga sakit na nagmamanipesto o lumalabas bilang pruritus. "You have to be careful because we also have a disease during pregnancy na it manifests as pruritus or pangangati, pero in reality, it reflects pala 'yung pagtaas ng mga bile salts—'yung byproducts sa liver saka sa gallbladder."
Dagdag pa ni doktora, kung mayroon ka ng ganitong sintomas, kailangang i-report mo na ito agad sa iyong OB para makita niya ang itsura ng lumalabas na pangangati sa iyong balat. "Baka kailangan naming i-test 'yung liver enzymes. May ite-test sa dugo," paliwanag niya. "Kasi, kahit anong pahid mo diyan, kung 'yun pala 'yung cause, mangangati't-mangangati ka. May kailangan kaming additional treatment."
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNgunit kung mayroon lang kaunting pangangati, sapat na ang pagpapalit ng sabon sa brand na mas mild sa balat at paggamit ng emollient lotion. "I give lotion with low to medium potency na steriods. Kailangan 'yun ng prescription kaya kailangan mag-consult for that."
Nakakaranas ka ba ng matinding pangangati sa balat? Iwasan ang pagse-self medicate. Makabubuting ikonsulta mo ito sa iyong doktor para makita ang dahilan sa likod nito at mabigyan ka ng tamang lunas.
Pwede mong panoorin ang buong interview namin kay doktora Maynila dito:
Kung gusto mong maging bahagi ng mga susunod na Smart Parenting Events online webinars, expert talks, at lives, mag-register na dito.
What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network