embed embed2
  • Vitamins At Vaccines Para Sa Mga Buntis, Narito Ang Listahan Mula Sa Isang Eksperto

    Bukod sa tamang pagkain, makakatulong din ito para manatili kang malusog.
    by Ana Gonzales .
Vitamins At Vaccines Para Sa Mga Buntis, Narito Ang Listahan Mula Sa Isang Eksperto
PHOTO BY Pexels
  • Sa oras na magpositibo ang iyong pregnancy test at makumpira mong buntis ka nga, dito na magsisimula ang maraming pagbabago.

    Bukod sa mga pagbabago sa iyong pangangatawan at pag-iisip, nariyan din ang mga pagbabago sa iyong lifestyle. Doble effort ka na ngayon na maging malusog at malakas para sa inyo ng iyong anak.

    More from Smart Parenting

    Kaya naman bukod sa pagkain nang mga masusustansiyang pagkain, page-ehersisyo, pag-inom ng sapat na tubig, at pagtulog nang nasa oras, mahalaga rin ang pag-inom ng mga vitamins at supplements, pati na rin ang pagpapabakuna.

    Sa huling episode ng aming How Po? Series, idinetalye sa amin ni Dr. Maynila Domingo, isang obstetrician-gynecologist, kung anu-ano nga ba ang mga vitamins at vaccines na kailangan ng isang buntis.

    "The need for supplements is the same," pagsisimula ni doktora. "Walang additional naman na kailangang idagdag." Sabi niya, mga bitaminang kailangang-kailangan lang ng katawan ang ibinibigay ng mga doktor.

    More from Smart Parenting

    Anu-ano ang mga kailangan mong bitamina?

    Iron

    "Number one is iron. You need more iron kasi, may tinatawag tayong physiologic anemia of pregnancy," paliwanag niya. "Bababa talaga 'yung pula ng dugo mo."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Dagdag pa ni doktora, nangyayari ito dahil dumadami ang dugo sa katawan ng buntis para masuportahan ang isa pang taong nabubuo sa loob ng katawan niya. "Dadami talaga ang pula ng dugo, pero hindi kasing dami nung volume kaya parang mababa pa siya parati. That is why we supplement with iron."

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    More from Smart Parenting

    Calcium

    "Ang requirement ng isang buntis sa isang araw [ay] 1,500mg of calcium," sabi ni doktora. Kung umiinom ka ng gatas, makakakuha ka ng 300mg ng calcium. Pwede kang uminom ng dalawang baso ng gatas sa isang araw at samahan ito ng calcium supplements na ibibigay sa iyo ng iyong doktor.

    Kailangan ba ng DHA? O ng mga multivitamins?

    "Sa ngayon, 'yung recommendation, na absolutely kailangang i-supplement [ay] iron at calcium," paliwanag ni doktora. "The other minerals and nutrients, if you have proper diet, dapat nakukuha mo 'yun talaga."

    "Pero by experience, lalo na dito sa urban setting, hindi proper diet kasi. That's why we have to supplement sometimes with multivitamins."

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    More from Smart Parenting

    Kailangan ba ng Vitamin C?

    "'Yung usual preparation ng mga multivatimins, may vitamin C naman, 'yun. If you want to boost your immune system, you can take 500mg of vitamin C, with zinc," payo ni doktora.

    Paalala lang ni doktora, hindi maganda kung sobra-sobra ang vitamin C na iinumin mo. "If it reaches around 2,000mg, baka magkaroon ka na ng kidney stones at hindi na ganoon kaganda ang absorption."

    Bakit kailangan ng DHA?

    Ayon kay doktora, ang DHA ay hindi lang pampatalino ng bata. "It also helps prevent pre-term birth [and] pre-term labor. Pero 'yung evidence doon ay hindi pa solid."

    Bagaman marami pang kailangang pag-aaral, walang nakikitang masama si Dok Maynila kung i-iimprove mo ang iyong diet para makakuha ka ng mga nutrients na ito.

    More from Smart Parenting

    Anu-ano ang mga kailangan mong bakuna?

    Flu Vaccine

    Sabi ni doktora, hindi ito necessarily para panlaban sa COVID-19. Kailangan mo ito dahil vulnerable ka sa mga sakit.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Tetanus, Diptheria, Pertussis (Tdap/Td)

    Kailangan mo itong makuha sa pagitan ng 27 hanggang 36 weeks ng iyong pagbubuntis. Kung wala ka pang nakuhang kahit anong tetanus vaccine sa nakalipas na sampung taon, sabi ni doktora, importanteng makakuha ka ng three doses.

    Paano kung nakuha mo na ito sa iyong unang pregnancy at nabuntis ka ulit sa susunod na taon, kailangan mo ba ulit ng Tdap? Sabi ni doktora, hindi na. "Pero every pregnancy, you need at least one dose of Tdap," paliwanag pa niya.

    More from Smart Parenting

    "'Yung iba [pang bakuna], depende sa characteristic ng patient," sabi ni doktora. "If you have low immunity against hepatitis, you can receive hepatitis B vaccination during pregnancy. That is safe," pag-rereassure niya.

    Babala ni doktora, bawal sa buntis ang mga bakuna laban sa tigdas at bulutong. "Pero tinetest namin ang immunity ng nanay against tigdas. We want to check 'yung baseline status ng immunity mo, so that we can give you the vaccine immediately after you deliver," dagdag pa niya.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Sabi ni doktora, kailangan ito agad-agad dahil kailangan mong magkaroon ng matibay na immunity para hindi ka magkasakit. "Kasi, ikaw lang ang magpapasa sa anak mo nun," sabi pa niya. "If you have immunity, you pass these immunity cells to your baby, [through] your breastmilk."

    More from Smart Parenting

    Narito pa ang listahan ng mga bakuna na pwede mong makuha habang buntis ka.

    Pwede mong gamitin ito na checklist para masigurong mong makukuha mo lahat ng mga bakunang kailangan mo.
    PHOTO BY courtesy of Doctor Maynila Domingo
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Pwede mong panoorin ang buong video ng interview kay doktora Maynila dito: 

    Kung gusto mong maging bahagi ng mga susunod na Smart Parenting Events online webinars, expert talks, at lives, mag-register na dito.

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles