-
May Mabilis Bang Pampapayat? 'Nine Months Na Si Baby Maternity Underwear Pa Rin Ang Gamit Ko'
by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Normal na bahagi ng pagbubuntis ang pagtaba ng bahagya. Sabi ng mga eksperto, 29% ng timbang na dadagdag sa iyo ay magmumula sa batang nasa sinapupunan mo. Samantala, 8% naman ang manggagaling sa amniotic fluid, at 6% mula sa placenta. Lahat ng ito ay ilalabas mo kapag ikaw ay nanganak.
What other parents are reading
Ang 57% naman ay ang katawan mo na nag-produce ng karagdagang fluid, fat, protein, at iba pang nutrients para siguraduhing may oxygent papunta sa anak mo at makakagawa ka ng breast milk.
Maraming mga nanay ang aminadong hirap silang maalis ang mga karagdagang timbang na ito. Isa riyan si mommy Leigene Llave, miyembro ng aming Facebook group na Smart Parenting Village.
Sa panayam namin sa kanya sa pamamagitan ng Facebook Messenger, ikinwento niya sa amin kung paano nagsimula ang kanyang healthy lifestyle. "One time, may nagsabi sa akin na mukha pa rin daw akong buntis—ang taba-taba ko. It was hurtful," pag-amin niya.
"I realized na nine months na 'yung baby ko, but I'm still using my maternity underwear. I need to cut some of my underwear and shorts sa side para [lang] maisuot ko."
Dalawa na ang mga anak ni Leigene. Noon pa man ay mahilig na talaga siyang mag-workout. Kwento niya, normal delivery siya sa panganay kaya mabilis siyang naka-recover at nakabalik sa pagwo-workout. Caesarean naman siya sa pangalawa niyang anak.
"I waited almost nine months—'yung wala nang pain sa tahi," kwento niya. Ito rin daw ang ipinayo sa kanya ng kanyang OB. Importante na bago ka pa man magsimulang mag-workout, nakapagsabi at nakahingi ka na ng payo sa iyong doktor.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWPara masiguro mong makakaya mong i-maintain ang pagwoworkout, importante na mayroon kang goal. Sabi ni mommy, ang goal daw niya ay makapag-workout ng 15 hanggang 45 minutes araw-araw. "Fifteen minutes lang kapag clingy na talaga si baby at talagang gusto na sa akin. But if not, I'll finish the 45-minute workout," paliwanag ni mommy.
Kwento niya, gumigising siya ng 8 ng umaga para sa kanilang breastfeeding session ni baby. Kapag gising na ang asawa niya at mag-aalmusal niya, saka naman niya isisingit ang kanyang 45-minute workout—si daddy na muna ang bahala kay baby. Pagkatapos ng workout, wash up na si mommy at balik household chores at pag-aalaga kay baby.
Malaki ang pasasalamat ni mommy sa kanyang asawa dahil maaasahan ito sa pag-aalaga sa bata habang nagwoworkout si mommy.
Pagdating naman sa diet, Keto ang sinusunod ni mommy. "Since breastfeeding ako, hindi pwedeng mabawasan ang nutrients ko sa katawan," kwento niya.
"Kumakain ako ng mga pagkaing low-carbs, but high in protein." Kabilang daw dito ang chicken, seafood, vegetables, at eggs. "Hindi na ako [kumakain] ng rice sa dinner, sa lunch na lang. I replace my rice with hard boiled egg sa gabi and I mix it with whatever dishes we have."
Umiinom din si mommy ng apple cider vinegar, chia seeds, at flax seeds para sa kanyang 'daily elixir'.
Bukod sa pagiging healthy, me-time na rin daw ni mommy ang workout sessions niya. "I think it's important that we also have me-time," payo niya. "At least 15 minutes a day just to do something that we love or something that we need. Anything that makes you feel good! Para mawala ang stress natin."
CONTINUE READING BELOWwatch nowSabi pa niya, "When you take care of yourself, you feel happier and you also have more energy to give to your loved ones."
Tandaan, walang mabilis na paraan ng pagpapapayat. Kailangan nito ang dedikasyon mo na makamit ang iyong goal na timbang. Hanggang ngayon, patuloy pa rin si mommy Leigene na nag-eeffort para i-maintain ang kanyang pinaghirapan. Kailangan mong tandaan na ang ligtas at maayos na pagbabawas ng timbang ay nangangailangan ng effort, tiyaga, pasensya, at panahon.
Kung gusto mong magkaroon ng healthy na paraan para magbawas ng timbang at magkaroon ng panahon sa iyong sarili, pwede mong sundan ang workout video ni mommy Leigene dito:
Mayroon ka bang sariling workout routine? Kumusta ang epekto nito? I-share mo na ang iyong experience sa comments section.
What other parents are reading

- Shares
- Comments