asthma attacks,asthma,Tagalog,ask the doctor,greener,asthma triggers,Asthma Triggers | Smart Parenting,asthma triggers, asthma, hika, sanhi ng hika, atake ng hika,Kung hindi man maiwasan nang todo ang asthma triggers, maaaring mabawasan ang exposure sa mga ito nang hindi na lumala pa ang sakit.
HealthYour Health

8 Uri Ng Asthma Triggers At Paano Maiiwasan Ang Mga Ito

Mahalaga na alamin muna ang iyong tinatawag na individualized trigger.
PHOTO BYShutterstock

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

Ang hika o asthma ay isang pangunahing sakit na hindi nakakahawa (noncommunicable disease) na nakakaapekto sa mga bata at adults, ayon sa World Health Organization (WHO). Pero kahit hindi pa rin talaga batid kung ano ang eksaktong sanhi o causes of asthma, natutukoy naman ang kanya-kanyang asthma triggers.

Dapat malaman tungkol sa asthma

Kahit maraming mayroong hika sa buong mundo, marami pang dapat malaman sa sakit na ito na tinatawag na chronic condition ng United States National Heart, Lung, and Blood Institute (NHLBI). Ibig sabihin pangmatagalan itong kondisyon na nakakaapekto sa lagusan ng hangin (airways). Kaya patuloy ang mga eksperto sa kanilang paga-aral tungkol sa hika.

Ayon sa ilang studies, ang chronic inflammation, o pangmatagalang pamamaga, ng airways ang nagdudulot ng mga sintomas ng hika. Ito rin ang sinabi ni Dr. Rilhelm M. Evangelista, isang espesyalista sa pulmonary medicine at interventional pulmonary, sa kanyang online talk na inorganisa ng The Philippine College of Chest Physicians (PCCP).

Paliwanag ni Dr. Evangelista na nangyayari ang chronic inflammation kapag ang airways, na tinatawag ding bronchial tubes, ay nagiging masyadong iritable o sensitibo. Sa sobrang pamamaga ng airways, sumisikip ang daluyan para sa hangin kaya nahihirapang huminga ang pasyente.

Lahad pa ni Evangelista na ang sanhi ng chronic inflammation ay tinatawag na asthma triggers, at may kanya-kanyang isa o higit pang trigger ang mga pasyente.

Pangkaraniwang asthma triggers

Tinatawag na trigger ang anumang bagay na nakakapagdulot ng pamamaga sa airways na taong may hika, sabi pa ni Dr. Evangelista. May iba-iba itong uri, kaya payo ng doktor na alamin ang partikular na trigger o ang iyong "individualized trigger."

Animal dander

Ito ang maliliit na piraso ng balat ng hayop na may taglay na protina. Ang protinang ito ay makikita sa mga balahibo, laway, at oil gland ng mga hayop. Ito ang nagdudulot ng atake ng hika.

Kabilang ang mga pusa at aso sa mga hayop na delikado ang animal dander para sa mga hikain. Pero kung hindi mo kayang mawalay sa iyong alaga, maaari mong sundin ang mga payo ni Dr. Evangelista:

watch now
  • Paliguan ang alagang hayop ng dalawang beses kada linggo.
  • Iwasan na papasukin ang iyong alaga sa iyong kuwarto.
  • Iwasan ang upholstered furniture sa iyong bahay.
  • Gumamit ng vacuum cleaner na may hepafilter o di kaya hepacleaner kapag maglilinis ng kuwarto.
  • Sumangguni sa pest control para hindi dumami ang mga ipis at iba pang insekto sa iyong bahay.

House dust mites

Kilala sa tawag na dust mites ang mga kulisap na sa sobrang liit ay hindi na makita ng mata. Tumitira ang mga ito sa mga unan, kurtina, kutson, at kumot, pati na sa mga carpet, upholstered furniture, at soft toys. Nabubuhay ang dust mites sa pag-kain ng human skin, flakes, at cotton. Ang mga dumi nila ang nagdudulot ng allergic reaction, lalo na sa mga hikain.

Para mabawasan ang exposure sa dust mites, narito ang mga suhestiyon ni Dr. Evangelista:

  • Iwasan ang paglalagay ng makakapal sa kurtina, rugs, at carpets sa bahay.
  • Balutin ang iyong unan at kutson gamit ang impermeable plastic.
  • Ibabad ang mga kumot at iba pang beddings sa kumukulong tubig sa loob ng 7 minuto. Gawin ito kada linggo.
  • Linisin ang sofa gamit ang vacuum cleaner at iwasan mahiga dito.

Inhaled allergens

Kapag ang mga allergen na nililipad ng hangin (airborne), tulad ng pollen at weed, ay nasagap ng asthmatic, maaari siyang atakihin ng hika. Kaya payo ng doktor na piliin ang loob kesa sa labas ng bahay, pero isara ang mga bintana at i-on ang aircon para sa ventilation. Kung walang aircon, isara pa rin ang mga bintana, lalo na sa pagitan ng 4 a.m. at 8 a.m., habang naka-on ang electric fan.

Bukod sa pollen at weed, nariyan din ang amag o molds. Naninirahan ang molds sa mga lugar na parating basa o naiimbakan ng tubig, kaya madalas sila sa banyo o di kaya basement. Ang kanilang airborne spores ang nagdudulot ng atake ng hika.

Gawin ang mga sumusunod na rekomendasyon ni Dr. Evangelista para mabawasan ang exposure sa allergens:

  • Siguraduhin na maayos at sapat ang daloy ng hangin sa bahay, o well-ventilated.
  • Regular na linisin ang mga pinamumugaran ng molds, gaya ng banyo.
  • Itapon ang mga nakatiwangwang na tubig sa banyo at iba pang lugar.
  • Siguraduhin na tuyo ang basurahan.
  • Kung may mga tanim na halaman, itapon ang mga nahulog na dahon.

Air pollutants

Ang sanhi ng polusyon sa loob at labas ng bahay ay puwedeng magdulot ng asthma attack. Kabilang dito ang usok mula sa sigarilyo at mga pabrika, pati na ang mga chemicals mula sa mga planta at pintura. Payo ni Dr. Evangelista na iwasan ang mga buga ng usok at huwag manigarilyo.

Respiratory tract infection

Ang sipon o common cold ay isang uri ng respiratory tract infection, at isa rin itong asthma trigger. Kadalasang ume-epekto ito 5 araw pagkatapos magkasipon. Kaya mahalanga palakasin ang immune system nang malabanan ang sipon at iba pang infection.

Weather changes

May epekto rin ang pabago-bagong lagay ng panahon sa pag-atake ng hika. Bagamat hindi ito mapipigilan, paalala ni Dr. Evangelista, na maaari namang gawan ng adjustment ang iyong gamot. Malaking tulong din ang pagiging handa sa biglang pagpapalit sa ihip ng hangin.

Stress at extreme emotion

Kapag nakakaranas ng grabeng stress at nagpapakita ng masyadong emosyon, posibleng mauwi ito sa asthma attack. Kaya bilin ng doktor na mag-relax muna at gawin ang relaxation technique bago pa makaramdam ng asthma symptoms.

Exercise

Kung kabilang sa iyong asthma triggers ang ehersisyo at iba pang pisikal na gawain, hindi kailangang umiwas. Kailangan mo lang gamitin ang iyong inhaler bago simulan ang exercise routine. Malaking tulong din kung mako-control mo ang iyong asthma induced by exercise para ma-enjoy mo pa rin ang benepisyo ng ehersisyo.

(Basahin dito ang paunang lunas sa hika.)

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close