;
embed embed2
  • Hindi Nahuhulaan Ang Pag-Atake Ng Hika: 5 Paraan Bilang Paunang Lunas

    Kapag malamig ang panahon, mas lumalala ang sintomas ng hika.
    by Anna G. Miranda .
Hindi Nahuhulaan Ang Pag-Atake Ng Hika: 5 Paraan Bilang Paunang Lunas
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Ang  hika o asthma ay isang chronic (long-term) lung condition. Sa kondisyong ito, sumisikip ang daluyan ng hangin at nagkakaroon ng inflammation. Nagkakaroon din ng higit kaysa normal na dami ng mucus, pati na plema sa lalamunan. Dahil dito, nakararanas ng hirap sa paghinga at pag-ubo na parang huni ng ibon (wheezing), kaya kinakailangan ng paunang lunas sa hika.

    Mayroong mild asthma at mayroon ding mas malalang mga kondisyon. Masuwerte ang minsan lang nakararanas ng mild asthma symptoms. May ibang mga tao kasi na constant ang sintomas, tulad ng asthma cough, at mayroon pang malubhang flare-ups o di kaya asthma exacerbation.

    Bago mabigyan ng gamot, kailangang wasto ang diagnosis ng doktor. Pero kung wala pang doktor, may mga paraan din upang matulungan ang taong inaatake ng asthma (hika).

    Mga paraan para makontrol ang pag-atake ng hika

    Mayroong tatlong epektibong paraan tungo sa mas mabuting asthma control, ayon sa Mayo Clinic:

    Bantayan o i-monitor ang mga sintomas ng hika

    Mga pangunahing halimbawa:

    • Shortness of breath o whistling sounds kapag nag-i-exhale (wheezing)
    • Nahihirapang matulog o paputol-putol ang tulog dahil nahihirapang huminga, umuubo, o nakararanas ng wheezing
    • Paninikip at pagsakit ng dibdib
    • Quick-relief (rescue) inhaler use — i-record kung tuwing kailan gumagamit ng inhaler na mayroong albuterol (Proventil HFA, Ventolin HFA, ProAir HFA), at isulat kung ilang beses itong ginagamit at ilang puffs ang nagawa. (Maaari ding gumamit ng nebulizer kung bata ang pasyente.)
    • Nagkakaroon ng pagliban o absences sa trabaho, klase, at ibang pang-araw-araw na gawain ang naaapektuhan dahil sa asthma symptoms
    • Pagbabago sa kulay ng plema kapag umuubo
    • Hay fever symptoms tulad ng sipon
    • Anumang nakapagti-trigger sa asthma flare-ups
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    I-rekord ang mga resulta ng breathing tests

    Mayroong dalawang pangunahing lung function tests na isinasagawa ang mga doktor- ang peak flow at ang spirometry test. Isang hand-held device ang peak flow meter. Makikita sa test na ito kung gaano kabilis nailalabas ang hangin mula sa baga. 

    Sa spirometry, may machine na spirometer at mayroon ding hand-held device kung nais na sa bahay isagawa ang test. Sinusukat nito kung gaano karaming hangin ang kakayanin ng baga at kung gaano karaming hangin ang kayang i-exhale isang segundo pagkatapos huminga nang malalim.

    I-adjust ang gamutan o treatment ayon sa pangangailangan

    Mahalagang magkaroon ng written asthma action plan. Dapat na kasama ang doktor sa pagbuo nito, kung saan isusulat ang mga dapat gawin para sa management ng hika.

    Mga gamot para maibsan ang sintomas ng hika

    Mayroong medication bilang pangunahing paunang lunas sa hika:

    Long-term control medications ang inhaled corticosteroids

    Itinuturing itong preventive medication dahil nagagamot nito ang airway inflammation na sanhi ng mga sintomas ng hika. Kung gagamitin ito araw-araw, makatutulong ito upang mabawasan o tuluyan nang mawala ang asthma flare-ups.

    Quick-relief inhalers ang ikalawang lunas

    Kilala rin ito bilang rescue o reliever inhalers. Mayroon itong fast-acting albuterol at ginagamit upang mas mabilis na mabuksan ang daluyan ng hangin o airways at makahinga nang maayos ang hinihika.

    Payo ng mga eksperto na mainam malaman kung kailan at paano gamitin ang mga lunas na ito. Bahagi rin ng emergency treatment sa hika ang sumusunod:

    • Nebulizer. Ginagawang mist ng nebulizer ang gamot. Kapag huminga ka nang malalim gamit ito, makapapasok ang gamot sa iyong baga.
    • Oral corticosteroids. Pill form ang gamot na ito. Nakatutulong ito na mabawasan ang lung inflammation at maibsan ang asthma symptoms. Maaari ding ibigay ang corticosteroids intravenously, lalo na sa mga pasyenteng nagsusuka o nakararanas ng respiratory failure.
    • Ipratropium (Atrovent HFA). Ginagamit ang ipratropium bilang bronchodilator upang magamot ang malalalang kaso ng  asthma attack, lalo na kung hindi gaanong naging epektibo ang albuterol.
    • Intubation, mechanical ventilation at oxygen. Kung lubos nang mapanganib ang iyong asthma attack, lalo na kung umaabot sa puntong life-threatening na ito, maaaring maglagay ang doktor ng breathing tube na idaraan sa iyong lalamunan, papasok sa  upper airway. Gagamit ang doktor ng makinang magpa-pump ng oxygen sa iyong baga upang makahinga ka, habang nakatatanggap din ng gamot para sa iyong hika.
    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Paano maiiwasan ang asthma attack?

    Bagamat hindi mahuhulaan ang pag-atake ng hika, may mga paraan naman upang maiwasan ito, tulad ng mga sumusunod:

    • Tukuyin ang triggers at iwasan ang mga ito. Ilan sa posibleng triggers ang pollen at polusyon. Lumayo muna sa mga lugar na maalikabok at mausok o sa mga lugar na maraming mga damo at mga puno.
    • Nakatutulong ang allergy tests para malaman kung may allergic triggers.
    • Iwasan ang pag-inom ng alak kung prone sa allergic reactions o kung ikaw ay asthmatic. Mayroon kasing histamines ang alkohol.
    • Ugaliing maghugas ng kamay para makaiwas sa anomang virus.
    • Kapag malamig ang panahon, magsuot ng mask o scarf. Mas malala kasi ang sintomas ng hika sa malalamig na mga lugar.

    Paunang lunas sa hika

    Tandaan ang sumusunod na first aid guidelines kung ikaw ay magkaka-asthma attack o kung mayroon kang kilalang makakaranas nito:

    • Huwag hihiga. Umupo nang tuwid at maayos. Manatiling kalmado.
    • Gamitin ang reliever inhaler mula isa hanggang sampung paghinga o puffs kada 30-60 segundo.
    • Kung hindi giginhawa ang pakiramdam, agad na magtungo sa ospital.
    • Ulitin ang ikalawang hakbang pagkatapos ng 15 minuto habang papunta sa ospital (o habang naghihintay ng ambulansya).
    • Mag-set ng appointment sa iyong doktor mula 24 hanggang 48 oras pagkatapos ng asthma attack. 

    Tandaang mas mainam kung maagang kukunsulta sa doktor at sabihin sa kanya lahat ng mga sintomas na iyong nararamdaman at posibleng dahilan (causes of asthma).  Baka kasi hindi na kakayanin ng paunang lunas sa hika ang susunod mong atake. Kaya mahalaga ang ang tamang management ng sakit na ito at alamin ang dapat gawin kapag inatake ng hika.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ano naman ang skin asthma? Basahin dito.

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles