embed embed2
  • Biglang Hirap Kang Huminga. Narito Ang Pwede Mong Gawin Sa Bahay

    Iba-iba ang dahilan at tamang tugon kung may kahirapan sa paghinga.
    by Jocelyn Valle .
Biglang Hirap Kang Huminga. Narito Ang Pwede Mong Gawin Sa Bahay
PHOTO BY iStock
  • Tunay na nakakabahala kapag may bumabara sa daluyan ng hangin sa katawan. Maaaring panandaliang kondisyon lamang ito at matutugunan ng home remedy sa hirap huminga. Pero puwede rin namang senyales na pala ng mas seryosong karamdaman.

    Home remedy sa hirap huminga 

    Maraming posibleng dahilan ng hirap sa paghinga, ayon sa United Kingdom National Health Service (NHS). Isa sa common causes nito ang sipon o common cold, kaya nagkakaroon ng bara sa ilong at iba pang parte ng upper respiratory tract na pumipigil sa malayang pagpasok at paglabas ng hininga. Sa ganyang sitwasyon, maaaring makatulong ang home remedy sa hirap huminga

    Steam inhalation

    Maglagay ng tuwalya sa ulo, tumapat sa pinakulong tubig, at langhapin ang singaw mula dito. Makakatulong ang steam inhalation para mabawasan ang bara o nasal congestion at matunaw ang plema.

    More from Smart Parenting

    Salt water gargle

    Lagyan ng asin ang isang basong tubig at saka ito imumog. Maiibsan nito ang panunuyo at pananakit ng lalamunan. (Basahin dito ang mabuting naidudulot ng pagmumumog.)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ginger tea

    Magpakulo ng luya, magsalin sa isang tasa, at timplahan ng kalamansi o lemon at honey. Inumin habang mainit. Subok na ang luya bilang mabisang gamot sa iba-ibang karamdaman. (Basahin dito ang mga benepisyo ng luya.)

    Stay hydrated

    Dalasan ang pag-inom ng tubig na hindi malamig, pati na rin ng fruit juice, lemon water, at mainit na sabaw. Makakatulong ang mga ito sa pagluwag ng pakiramdam at pagpigil sa dehydration. Kabaligtaran ang epekto ng mga inuming may caffeine at alcohol, kaya umiwas muna.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos
    More from Smart Parenting

    Paano maiwasan ang dyspnea

    Ang pagiging hirap sa paghinga o kapos sa hininga (shortness of breath) ay kilala sa medical term na dyspnea. Paliwanag ng Mayo Clinic na ang taong nakakaranas ng dyspnea ay nakakaramdam ng lubhang paninikip ng dibdib at suffocation dahil sa “extreme strenuous exercise, extreme temperatures, obesity, and higher altitude” at iba pang mga bagay. 

    Para maiwasan ang ang dyspnea, payo ng mga eksperto na gumawa ng mga pagbabago sa lifestyle.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    • Magbawas ng timbang upang hindi na maging obese. Magagawa ito sa pamamagitan ng regular exercise at healthy diet.
    • Itigil ang paninigarilyo, habang iwasan ang second-hand smoke at iba pang air pollutants.
    • Iwasan ang exposure sa sobrang lamig at sobrang init.
    • Maging maingat sa pagpunta sa matataas na lugar kung saan manipis ang hangin, kaya mahirap huminga.
    • Subukan ang relaxation exercises, meditation, at breathing methods. Matututunan lahat ito sa yoga.
    • Sanayin ang pag-upo nang tuwid at pagtulog nang may ilang unan sa ilalim ng ulo. 
    More from Smart Parenting

    Ilang guidelines ng doktor sa pag-diagnose sa hirap sa paghinga

    May kinalaman din ang dyspnea sa iba-ibang sakit, gaya ng asthma, chronic obstructive pulmonary disease (COPD), pneumonia, COVID-19, at iba pang respiratory diseases. Damay din ang lung at heart problems, pati na ang anemia at anxiety disorders.

    Naglabas ng guidelines ang isang grupo ng mga doktor sa ilalim ng American College of Chest Physicians sa pagkilala at paggamot sa dyspnea:

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    • Dapat regular na tinatanong ang pasyente kung hirap sila sa paghinga at gaano kalala ang epekto nito sa kanila.
    • Gagamit lang ng oxygen tube kapag mababa ang oxygen levels sa dugo.
    • Gawin ang pursed-lip breathing sa pamamagitan ng paghinga papasok (breathing in) sa ilong at palabas (breathing out) habang tikom ang mga labi (pursed lips)
    • Mag-relax sa pamamagitan ng pakikinig ng relaxation message o pagsunod sa progressive muscle relaxation. Makakatulong ang relaxation para lumalim at pabagalin ang paghinga, pati na mabawasan ang stress.
    • Gumamit ng handheld fan (battery operated) para itapat sa mga pisngi nang sa gayon ay lumuwag ang pakiramdam hatid ng kakulangan sa hininga.

    Kapag nalaman na ang dahilan at nasubukan na ang home remedy sa hirap huminga, maaaring maagapan ang iba pang kondisyon na hatid nito. Mainam na komunsulta sa doktor, lalo na kung bumabalik ang masamang pakiramdam.  

    More from Smart Parenting

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles