embed embed2
  • Tubig Na May Asin: Epektibo Pa Rin Ba Sa Masakit Na Lalamunan?

    Matagal na nating gawain ang pagmumog ng tubig na may asin para sa sore throat.
    by Jocelyn Valle .
Tubig Na May Asin: Epektibo Pa Rin Ba Sa Masakit Na Lalamunan?
PHOTO BY iStock
  • Kapag bumangon sa umaga, kaugalian na ang pagmumumog bilang parte ng personal hygiene. Ang ganitong simpleng gawain ay may dagdag na benepisyo kung magmumog ng tubig na may asin o saline solution. 

    Nirerekomenda ng Mayo Clinic ang tinatawag ding salt water gargle para maibsan ang pananakit ng lalamunan (maging sore throat o strep throat), at lalo na kung may kasamang sipon.

    Paano gumawa ng salt water gargle 

    May mga taong gumagawa ng salt water gargle ang bahagyang nililiyad ang ulo para talagang maabot ng tubig ang lalamunan. Siguraduhin lang na huwag lunukin ang tubig.

    Maglagay lang ng 1/4 hanggang 1/2 teaspoon ng asin (sea salt o di kaya table salt), sa isang baso na may 8 ounces na maligamgam na tubig. Ito ang ipangmumog nang ilang beses hanggang maubos ang isang basong tubig.

    Maaaring hindi pa makapagmumog nang tama ang mga batang wala pang 6 years old, pero kaya na itong gawin ng older kids, ayon sa mga doktor. Alalayan lang sila habang nagmumumog hanggang maidura nila ang tubig mula sa bibig.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Bakit epektibo ang magmumuog ng salt water 

    May paliwanag kung bakit epektibo ang salt water gargle si Dr. Philip T. Hagen, ang editor in chief ng Mayo Clinic Book of Home Remedies. Aniya, ang tubig na may asin ay may kakayahang tanggalin ang excess fluid sa inflamed tissues sa lalamunan at bawasan ang pagkirot dito. 

    Pinaluluwag din daw ng pagmumumog ang plema upang matanggal ang irritants, gaya ng allergens, bacteria, at fungi, na nasa lalamunan. Sila kasi ang pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng sipon at sore throat.

    Bukod sa sore throat, nakakatulong din sa iba pang upper respiratory tract infection (URTI) kung magmumog ng tubig na may asin. Kabilang sa URTI ang common cold, nasal obstruction, tonsillitis, pharyngitis, laryngitis, sinusitis, at otitis media.

    What other parents are reading

     

    Sa isang pag-aaral sa Japan na naiulat noong 2005 sa National Center for Biotechnology Information (NCBI), napag-alaman ng researchers na kahit ang simpleng pagmumog ay mabisang panlaban sa URTI, lalo na kung malusog ang isang taong gumagawa nito.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Nangyari ang randomized controlled trial noong 2002-2003 winter season. Nilahokan ito ng 387 healthy volunteers na may edad 18 hanggang 65. Ang ilan sa participants ay sinabihan na magmumog ng tatlong beses kada araw sa loob ng 60 days, at marami sa kanila ang hindi nagkasakit nang panahon na iyon. Halos 40 percent ang nakaiwas sa URTI kumpara sa grupong hindi sinabihang magmumog. 

    Mainam din na magmumog ng tubig na may asin at baking soda ang cancer patients na dumaan sa treatment dahil maaari silang makaramdam ng side effects sa bibig, lalamunan, at ngipin. Ang radiation therapy sa ulo at leeg, halimbawa, ay nakakapinsala sa salivary glands at tissues sa bibig kaya din nagiging mahirap ang pagnguya at paglunok nang tama.

    Payo ng National Cancer Institute na ugaliing tignan at linisin ang bibig ng cancer patients upang mabantayan ang pagkakaroon ng side effects. Kasama sa mga rekomendasyon ang pagmumog ng maligamgam na tubig na may halong asin at baking soda.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Magmumog ng tubig at asin laban sa COVID-19? 

    Walang konkretong ebidensya na mawawala ang COVID-19 virus mula sa lalamunan kung magmumog ng tubig at asin o suka. May kumalat kasi sa social media na nagbibigay payo para sa mga taong nasa mga unang araw ng infection. Habang nasa lalamunan pa lang daw ang virus at hindi pa nakakarating sa lungs, puwede daw itong maagapan sa pamamagitan ng pag-inom ng maraming tubig at pagmumumog ng tubig na may asin o di kaya suka

    Ayon kay Dr. Amesh Adalja, isang senior scholar sa John Hopkins Center for Health Security, totoo daw na may hatid ang coronavirus na sore throat at maaaring bumuti ang lagay ng lalamunan kung magmumog ng tubig na may asin. Ngunit wala daw itong direktang epekto sa virus mismo at hindi magagamot ang sakit.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close