-
Lagyan ng Suka at Tina ang Beke Para Gumaling: Tama o Mali?
- Shares
- Comments

Pamamaga ng pisngi ang madalas na sintomas ng pagkakaroon ng beke. Kung tatanungin ang mga matatanda, mailalarawan nila ang karanasan nila noong nagkabeke sila dahil karaniwang nararanasan ng mga bata ang sakit na ito. Ang mga nasa edad na 5 hanggang 14 na taon ang madalas na dinadapuan ng beke. May ilang kaso rin sa matatanda pero madalang ito.
Nagsimula namang mabawasan ang kaso ng beke nang magkaroon ng bakuna na measles-mumps-rubella o MMR na panlaban sa tigdas, beke, at german measles noong 1967. Dagdag pa rito, iminumungkahi rin ang pagbibigay ng dalawang dosage ng bakunang ito. Ang isa ay ibinibigay sa baby kapag nasa pagitang ng 12 hanggang 15 buwan ang edad at ang ikalawa naman kapag nasa edad na 4 hanggang 6 na taon na siya.
What other parents are reading
Paano at bakit nga ba nagkakabeke?
Ang beke ay isang impeksyon na pangunahing naapektuhan ang salivary glands. Isa itong virus na nagiging sanhi ng pamamaga ng isa sa parte ng katawan na lumilikha ng laway —ito ang nasa parotid salivary glands. Matatagpuan ito sa likod ng pisngi na nasa gitna ng tenga at panga kaya ito ang nagiging dahilan ng pag-umbok ang isang parte o magkabilaang gilid ng mukha.
Lubhang madaling kumalat at makahawa ang sakit na ito sa pamamagitan lamang ng talsik ng laway, paggamit ng anumang utensils na ginagamit ng may beke, o anumang bagay na nasasayarang ng laway ng taong may beke.
Sintomas ng beke
Kahit na may impeksyon na ang taong may beke kadalasan na hindi ito nakararanas ng anumang sintomas o kung mayroon man hindi gaanong malala. Lumalabas ang mga sintomas dalawa hanggang tatlong linggo matapos na ma-expose sa virus na nagdudulot nito. Maaaring tumagal naman ang sakit na ito nang pito hanggang 12 araw. Narito ang ilan sa maaaring namang maranasan ng taong may beke bukod sa pamamaga ng pisngi:
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW- Pananakit ng namamagang pisngi malapit sa tenga
- Mataas na lagnat
- Pananakit ng ulo at kalamnan
- Kawalan ng gana sa pagkain
- Panghihina at sobrang pagod
- Paghirap sa pagnguya, paglunok, at pagsasalita
What other parents are reading
Kailangan bang magpatingin sa doktor kapag may beke?
Dalhin o ipatingin agad sa doktor ang isang tao kapag napapansing may sintomas ng beke. Higit lalo kapag mataas ang lagnat upang malapatan ng lunas pati na rin ang nararamdamang sakit ng pamamaga ng pisngi. Ayon sa Mayo Clinic, pinakanakakahawa ito sa loob siyam na araw matapos lumabas ang mga sintomas. Sa kabilang banda, mabilis namang makahawa ang taong may beke sa kaniyang simpleng pagbahing, pag-ubo o anumang paraan na tatalsik ang kaniyang laway.
Kung makakaranas ng beke, gawin din ang mga sumusunod:
- Kailangan lamang na magpahinga nang mabuti.
- Maaaring uminom ng paracetamol o gamot para sa pagbaba ng lagnat.
- Tiyakin lamang na sapat at wasto ang dami ng tubig na naiinom kada araw upang maiwasan na ma-dehydrate dahil sa pagkakaroon ng mataas na lagnat.
Hindi dapat “tina at suka” ang inilalagay sa beke. Mali ang nakawiang panggagamot na ito na nakasanayan ng mga Pinoy. Mas mainam pang lagyan ng ice pack o cold compress ang bahagi ng mukha na namamaga.
Hangga’t maaari kumain ng malalambot na pagkain upang maging madali ang pagnguya at paglunok. Iwasan din ang pag-inom ng maasim o acidic na inumin upang mabawasan ang sakit at nakakadagdag ito ng stress sa salivary glands.
What other parents are reading
May komplikasyon ba ang pagkakaroon ng beke?
Bibihira lamang ang naitatalang malalang komplikasyon ng beke. May iilang pagkakataon na nakakaapekto ito sa utak, membrane, at pancreas ayon sa Mayo Clinic. Posible ring maging komplikasyon ito ng orchitis o pamamaga ng testicles sa mga kabataang lalaki at oophoritis o pamamaga ng ovary sa mga kabataang babae. Maaari ding maging sanhi ng pagkawala ng pandinig at sakit sa puso ngunit napaka-rare ng mga ganitong sitwasyon.
CONTINUE READING BELOWwatch nowBibihira na nauulit ang pagkakaroon ng beke. Kapag nagkaroon ka na nito, imposible na maulit pa muli.
Wala pang gamot sa beke maliban lamang sa bakuna na measles, mumps, rubella o MMR vaccine na binibigay sa mga baby. Hindi rin ipinapayo ang pag-inom ng anumang antibiotic dahil hindi ito para sa pagsugpo ng virus. Walang katotohanan din na ang bakuna ng MMR ay may kaugnayan sa pagkakaroon ng autism sa mga bata. Mahigpit na pinabubulaanan ito ng mga eksperto. Maaaring magpabakuna nito nang libre sa mga barangay health center. Tiyakin lamang na nakompleto ang dosage nito upang lubusang maging ligtas sa pagkakaroon ng beke.
Kusang gumagaling ang beke sa loob ng isang linggo basta may sapat na pahinga. Maaaring magpatingin din muli sa doktor para matiyak na lubos nang magaling upang hindi na makahawa pa ng iba.
Si Dinalene Castañar-Babac ay isang first-time nanay ng isang happy baby girl, si Kalliope Joni. Maituturing din siyang nanay ng kanyang mga students sa isang exclusive school for girls. Tinatapos niya ang kanyang doctoral degree kasabay ng kanyang pagtuturo.
Sources: Mayo Clinic, WebMD, Smart Parenting
What other parents are reading

- Shares
- Comments