embed embed2
  • Diane Pills: Alamin Kung Ito ang Hormonal Contraceptive na Bagay sa Iyo

    Paano ba naiiba ang Diane pills sa ibang contraceptive? Ang mga magaganda at masasamang side effects nito, ayon sa ilang kababaihan
    by Camille Eusebio and Rachel Perez .
Diane Pills: Alamin Kung Ito ang Hormonal Contraceptive na Bagay sa Iyo
PHOTO BY iStock ILLUSTRATOR Natz Bade
  • Mahigit isang dekada na ang nakalipas, tinanong ko ang aking OB kung pwede na ba akong mag-pills uli. Kapapanganak ko pa lang noon at wala pa akong balak magbuntis uli. Niresetahan niya ako ng Diane-35 o mas kilala sa tawag na Diane pills.

    Nag-alangan akong gamitin ito dahil hindi ko kilala ang brand. Pero dahil nakagamit na rin ako ng pills dati, alam ko na ito ay 99.9 percent na mabisa para makaiwas sa pagbubuntis, kung gagamitin mo ito nang tama. 

    Paano ginagamit ang Diane-35 pills

    Gawa ng pharmaceutical company na Bayer ang Diane -35 ay may dalawang active ingredients: Cyproterone acetate at Ethinyloestradiol. Ang una ay isang synthetic anti-androgen na ginawa mula sa hormone na progesterone. Ang pangalawa naman ay isang artificial form ng hormone na estrogen.

    Ang bawat pack ay naglalaman ng 21 tableta, at bawat isang pill ay nagtataglay ng active ingredients. Sisimulan mong inumin ang unang pill sa unang araw rin ng iyong menstrual period at tuluy-tuloy (isang tableta sa isang araw) na walang mintis sa loob ng tatlong linggo (Day 1 hanggang 21). Kapag nakaubos na ng isang pack, hindi ka iinom ng pills sa sunod na pitong araw (Day 22-28). Sa ika-walong araw (Day 29/Day 1), magsimula uli ng panibagong pack.

    What other parents are reading

    Sa pitong araw na hindi ka umiinom ng pills, asahan mong rereglahin ka, pero mas konti at hindi kasing-tagal ng dati. Pero kahit hindi pa tapos ang period mo, huwag kalimutang bumalik sa pag-inom ng tableta sa Day 29/Day 1. 

    Dapat tandaan: Kung unang beses mong gagamit ng Diane pills, iwasan na makipagtalik sa unang 14 araw at uminom ng isang tableta bawat araw para maiwasan ang pagbubuntis. Maghintay ng ilang araw para umepekto ang gamot. Kung makikipag-sex, kailangang mag-ingat o magsuot ng condom ang iyong asawa o partner tuwing gagawin niyo ito. 

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Kung gumagamit ka ng ibang contraceptive pills at lilipat sa Diane-35, tapusin muna ang naunang brand, at simulang inumin ang Diane pills sa kasunod na araw. Maaring hindi ka datnan hanggang matapos mo ang 21-day pack ng Diane.

    Kung nakalimutan mong uminom ng isang tableta, gawin ito sa sandaling maalala mo at iwasan makipag-sex o gumamit ng proteksyon para makasiguro. Kung makakamintis ng mahigit isang beses, kailangan munang kumonsulta sa doktor at humingi ng payo kung ano ang dapat gawin.

    What other parents are reading

    Bakit inirerekomenda ng mga doktor ang Diane pills

    Ayon sa NPS MedicineWise, isang non-profit organization sa Australia na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa iba’t ibang gamot, bukod sa pagiging contraceptive pill, nirereseta rin ng mga doktor ang Diane-35 para gamutin ang acne (tigyawat). Isa kasi sa active ingredients nito ay isang anti-androgen na lumalaban sa male hormones. Ginagamit rin ito para pabagalin ang pagtubo ng buhok sa mukha at iba pang parte ng katawan. 

    Nirereseta rin ang Diane-35 sa mga kababaihang may polycystic ovary syndrome (PCOS). Sila ang mga babaeng may mas mataas na antas ng male hormones sa katawan kaya hindi regular ang kanilang monthly period at mas hirap silang magbuntis.  Ang anti-androgen hormone sa Diane-35 ang tumutulong na ayusin ang hormonal imbalance ng mga kababaihang may PCOS, na magiging daan para sila ay mabuntis.

    Isa pang epekto ng paggamit ng Diane pills ang pagkakaroon ng regular at mas konting regla. Mas madalang rin ang pagsakit ng puson o menstrual cramps. Nakakatulong rin ito sa paggamot sa mga sakit tulad ng pelvic inflammatory disease, ovarian cyst, ectopic pregnancy, bukol sa dede, at cancer of the uterus.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now
    What other parents are reading

    Mga posibleng side effects ng Diane pills

    Gaya ng ibang gamot, pwede ring magkaroon ng di kanais-nais na side effects ang paggamit ng contraceptive pills. Nakadepende rin ito sa kung ano’ng brand ang babagay sa iyo. May mga “hiyang” dito at hindi makakaranas ng masamang side effects, o hindi ganoon katindi para makasagabal sa kanila. Ganoon rin sa Diane-35 – iba-iba ang pwedeng epekto nito sa bawat gagamit.

    Sa karanasan ko, hindi ko man lang naubos ang isang pack. Nakaramdam ako ng pagka-bloated at pagkabalisa. Itinigil ko ang pag-inom ng Diane at bumalik sa aking doktor. Niresetahan niya ako ng pills na Yasmin, na medyo may kamahalan kaysa sa Diane, pero kung saan ako mas hiyang.

    Iyon ang naranasan ko. Pero marami namang kababaihan ang nagsabi na wala silang naramdamang masamang side effects sa pag-inom ng Diane-35. Sa Parent Chat ng SmartParenting.com.ph, may isang babae na gumamit ng Diane pills sa loob ng 15 taon para ma-regulate ang kanyang period at PCOS.  Aniya, “Yung glow overall is maganda.”

    “Ang side effect niya sa akin is headache lalo na sa first few days. Pero nakakalaki siya ng boobs ha,” sabi ng isang babae na hindi pa nakakasubok ng ibang tatak ng pills.

    What other parents are reading

    Ayon naman kay Berns Lazo, isang marketing manager at nanay sa tatlong anak, nakatulong ang pag-inom ng Diane pills na ma-regulate ang kanyang period. Kwento niya, “When I started using Diane-35, my often six-to-seven-day period was down to five days, and the heavy ones were only on the first and second days.” (Nung magsimula akong gumamit ng Diane-35, yung dating anim hanggang pitong araw na regla, naging limang araw na lang. Ang yung unang dalawang araw lang ang matindi.)

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    May ilang kababaihan ring nagsabi na nakaramdam sila ng pagkahilo at pagsakit ng ulo, pero maiiwasan naman ito sa pamamagitan ng pag-inom ng pill sa gabi bago matulog. Isa pang karaniwang epekto na naiulat ang paglakas ng gana sa pagkain na pwedeng maging sanhi ng pagtaas ng timbang.  Kasama rin ang pagbaba ng sex drive at pagkakaroon ng mood swings sa mga napabalitang side effects.

    “Na-try ko yung Diane and maganda ang effect sa’kin (pero) madalas ako mahilo,” ayon sa isang babae sa Parent Chat.

    “I’m using Diane, okay siya sa akin, though mahal siya. Yun lang mas control ako sa food dahil nakakataba siya,” kwento naman ng isa.

    What other parents are reading

    Mga babala at paalala

    Isang combination contraceptive pill ang Diane 35, kaya importanteng siguruhin na hindi ka buntis bago ka gumamit nito. Huwag rin itong gamitin kung ikaw ay bagong-panganak at nagpapadede, dahil maari itong makaapekto sa iyong milk supply. (Pwede mong tanungin ang iyong doktor tungkol sa Daphne pills kung ikaw ay nagpapasuso.) 

    Hindi rin pwedeng gamitin ang Diane pills kasabay ng ibang gamot para sa hormonal contraception. Maaring makaapekto ito sa bisa ng pag-iwas sa pagbubuntis at magdulot ng di-inaasahang side effects tulad ng vaginal bleeding.

    Ugaliing kumonsulta sa doktor bago gumamit ng anumang brand ng contraceptive pills. Hindi kadalasang nirerekomenda ito sa mga babaeng naninigarilyo, may edad na 35 pataas, may history ng blood clot sa pamilya, may sakit sa atay, may pamamaga ng ugat, breast cancer, sakit sa puso, migraine, hypertension, o diabetes.

    Ayon sa product information ng Bayer, ang pinaka-importanteng side effect na kailangang bantayan ay ang pamumuo ng dugo o blood clot. Kung makakaranas ng kahit anong sintomas nito habang umiinom ng Diane pills, ipaalam agad sa iyong doktor o pumunta sa pinakamalapit na ospital:

    • Pananakit ng dibdib, sa may bahagi ng kamay at umaabot hanggang likod
    • Nahihirapang huminga
    • Pamamaga, pananakit at panlalambot ng binti o ugat sa paa
    • Biglang panghihina, pamamanhid, at tumutusok na pakiramdam sa mukha, kamay o binti, lalo na kung sa isang gilid lang ng katawan ito nararanasan
    • Pagkahilo at nahihirapang maglakad o magbalanse
    • Biglaan at matinding sakit ng tiyan
    • Mahihimatay o mawawalan ng malay
    • Matinding sakit ng ulo na hindi maipaliwanag
    • Biglaang problema sa pananalita, pananaw o pandinig, pakiramdam ng pagkabalisa

    Bukod pa rito, kung makakaranas ng paninilaw ng balat o mata, pag-ubo na may kasamang dugo, pagkakaroon ng bukol sa dede at vaginal bleeding, ipaalam agad sa iyong doktor.

    Kung gagamitin nang tama, makakatulong ang contraceptive pills para makaiwas sa pagbubuntis at sa paggamot sa iba pang sakit. Mabibili ang Diane-35 ng halos P700 sa mga botika. Medyo may kamahalan ito, kaya sa tulong ng iyong doktor, alamin muna kung ito nga ang gamot na babagay para sa’yo.

    Ang mga impormasyong nakalahad dito ay nagmula sa Diane Pills: How to Know if It's the Hormonal Contraceptive for You

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close