embed embed2
  • Huwag Mong Hayaan Maging Diabetes! Mga Paraan Para Ma-Kontrol Ang Blood Sugar

    May tinatawag na prediabetes.
    by Jocelyn Valle .
Huwag Mong Hayaan Maging Diabetes! Mga Paraan Para Ma-Kontrol Ang Blood Sugar
PHOTO BY Shutterstock/Maya Kruchankova
  • Isa ang diabetes sa common diseases sa mundo. Sa Pilipinas, halimbawa, tinatayang 4 million ang nagkasakit nitong 2019, ayon sa Diabetes Atlas.

    Isa raw kada 16 na Pinoy mula 20 hanggang 79 years old ang apektado nito. Ngunit hindi pa kasama diyan ang mga undiagnosed.

    Kaya naman patuloy ang trabaho ng researchers para makahanap ng gamot sa diabetes. Sa ngayon, kapag sinabing gamot sa diabetes, ang ibig sabihin ay mayroon mga paraan para kontrolin ang pagtaas ng blood sugar, na siyang dahilan ng pagkakaroon ng mas delikadong kumplikasyon sa kalusugan.

    Mga uri ng diabetes

    Sa ilang uri ng diabetes, ang prediabetes at gestational diabetes ang may potensiyal na gumaling kung maaagapan.

    Prediabetes

    Kapag sinabing pre-diabetic ka, mataas ang blood sugar mo pero hindi pa aabot sa lebel ng diabetes kaya puwede pang mapigilan.

    Gestational diabetes

    Ang gestational diabetes naman ay nangyayari lang sa buntis at maaaring mawala rin pagkatapos mangangak.

    Kadalasang tinatamaan ang maysakit ng type 1 o di kaya type 2 na diabetes. 

    Type 1 diabetes

    Bagamat hindi pa natutukoy ang eksaktong sanhi ng type 1 diabetes, tataaas ang posibilidad na magkaroon ka nito kung:

    • Diabetic ang magulang o kapatid
    • Nagkaroon ng exposure sa isang viral illness o iba pang environmental factors
    • May problema sa immune system o may diabetes autoantibodies

    Type 2 diabetes 

    Hindi pa lubusang naiintindihan ng researchers kung bakit may mga taong nagkakaroon ng type 2 diabetes, sabi ng Mayo Clinic. Ngunit klaro raw sa kanila na may kinalaman ang mga sumusunod:

    Weight
    Kapag maraming fatty tissue sa katawan, nagiging resistant ang cells sa insulin. Ito ang hormone na nagpapababa ng blood sugar.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Inactivity
    Mahihirapan ang katawan sa pagsusunog ng taba kung kulang sa exercise o physical activity. Kailangan din magamit ang glucose o sugar bilang energy at makapagtrabaho ang insulin.

    Family history
    At risk ang mga may magulang o kapatid na diabetic.

    Age
    Tumataas ang risk kapag nakakaedad na, pero dumadami rin ang mga bata at teenager na nagkakasakit.

    Other medical conditions
    Kabilang dito ang pagkakaroon ng polycystic ovary syndrome (PCOS), high blood pressure, at abnormal cholesterol and triglyceride levels.

    Dapat gawin kung diabetic ka

    Para mamintina ang kondisyon ng may diabetes, may suhestiyon si Dr. Sheryl N. Tugna ng Philippine Society of Endocrinology Diabetes and Metabolism (PSEDM). Inihain niya ito sa pamamagitan ng apat paraan na dapat gawin.

    Pagkain nang wasto

    Piliin daw ang gulay, prutas, isda, at iyong mayaman sa fiber. Iwasan naman ang mga inuming nakakalasing at matatamis.

    Ehersisyo

    Subok na raw na nakakapagpababa ng blood sugar ang page-exercise dahil nakakatulong ito laban sa insulin resistance.

    Gamitin ang prescribed na gamot  

    Araw-araw na pag-inom ng gamot o pag-injection ng insulin ayon sa direksyon ng doktor. Madalas daw ipaliwanag ni Dr. Tugna sa kanyang mga pasyente na hindi ang gamot, gaya ng malimit ireseta na Metformin, ang nakakasira ng kidney.

    Aniya, sanhi ang kidney problem ng mataas na blood sugar at blood pressure. Ang kilalang side effects daw ng gamot ay pagsakit ng tiyan o kaya diarrhea.

    Regular na kumonsulta sa doktor upang ma-monitor ang blood sugar, blood pressure, at cholesterol.

    Natural na gamot sa diabetes

    Sa kabilang banda, may mga pagkain o inumin na sinasabing maganda para sa prediabetic or diabetic. Natural na gamot sa diabetes daw ito dahil nakapapababa ng blood sugar, lalo na sa type 2 diabetes. Magagamit daw ang mga ito bilang home remedies. Pero bago gawin, mag-konsulta sa docktor.  

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Apple cider vinegar

    Sinasabing maraming health benefits na hatid ang acetic acid, na siyang primary compound ng apple cider vinegar. Makatutulong daw ang pag-inom ng 2 tablespoons bago matulog upang mabawasan ang morning fasting sugar levels.

    Aloe vera

    Mainam na inumin ang katas ng aloe vera bilang juice, pero iwasan ang produktong may sangkap na aloin o anthraquinones dahil sa laxative effect nito.

    Cinnamon

    Subok daw ang abilidad ng cinnamon para bumaba ang blood sugar at cholesterol levels. Maaaring uminom ng cinnamon tea o ihalo ang cinnamon powder sa oatmeal.

    Okra

    Napatunayan sa ilang pag-aaral na mayroon ang okra na anti-diabetic properties. Bukod sa pagkain, puwedeng inumin ang tubig na pinagbabaran ng okra.

    Sa research ng isang student scientist na lumahok sa sa isang international science fair, lumalabas na may anti-diabetic properties ang aratiles. Basahin dito ang kanyang na-discover.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles