embed embed2
  • Hindi Bawang O Suka Ang Gamot Sa Kagat Ng Aso, Sabi Ng DOH

    May tamang paraan sa pagbibigay ng first aid.
    by Jocelyn Valle . Published Nov 26, 2021
Hindi Bawang O Suka Ang Gamot Sa Kagat Ng Aso, Sabi Ng DOH
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    May sinaunang paniniwala na kapag nakagat ng aso, dapat kuskusin ang sugat gamit ang bawang o di kaya suka. Pero mali ito, ayon sa Department of Health (DOH), dahil may tamang paraan bilang gamot sa kagat ng aso.

    Babala ng DOH, sa pamamagitan ng kanilang National Rabies Prevention and Control Program, na maaaring magdulot ng contamination sa sugat ang bawang o suka, pati na ang ibang pamamaraan na walang medical basis. Ang sagot daw sa anong gagawin kapag nakagat ng aso ay hugasan kaagad ang sugat gamit ang tubig at sabon sa loob ng 10 minuto.

    Mga dapat malaman tungkol sa kagat ng aso

    Ang mga aso ang pangunahing dahilan ng pagkamatay ng tao mula sa sakit na rabies, ayon sa World Health Organization (WHO). Tinatayang 99% ng lahat ng mga kaso ng rabies ay mula sa aso.

    Isang viral disease ang rabies. Nagkakaroon nito ang tao kapag nakagat ng aso o iba pang hayop na infected ng virus. Puwede ring maipasa ito kapag nalawayan ng infected na hayop ang sariwang sugat ng tao.

    Malaking problema ito sa higit 150 na mga bansa at teritoryo sa buong mundo, ayon pa sa WHO. Libo-libo raw ang namamatay mula sa rabies, partikular sa Asia at Africa. Halos 40% naman ng mga nakakagat ng aso at iba pang hayop ay mga bata na wala pang 15 years old.

    Sa Pilipinas, sabi pa ng DOH, tinuturing na "neglected disease" ang rabies. Ito raw kasi ay 100% nakakamatay (fatal) pero 100% din namang naiiwasan (preventable). Kaya layunin ng ahensiya na maging rabies-free ang bansa sa Taong 2022 sa pamamagitan ng kanilang programa.

    Mga dapat gawin bilang gamot sa kagat ng aso

    Kapag nakagat ka o sinuman na kasama mo, mahalaga na umaksyon kaagad. May paliwanag diyan ang dating DOH spokesperson na si Dr. Eric Tayag sa panayam niya noon sa SmartParenting.com.ph.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Aniya, ang kagat ng infected na aso ay magdudulot ng infection, na makakarating sa utak ng tao. Kung sa ulo o di kaya malapit sa ulo ang kagat, mas mabilis makakarating ang infection sa utak. Isang kilalang palatandaan ng rabies ang pagiging takot ng nakagat na tao sa tubig (hydrophobia).

    Bilin ni Dr. Tayag, “Pag kayo po ay may exposure sa aso, pag na-scratch o nakagat, 'yan po ay potential na baka magkaron kayo ng rabies. Ang desisyon ay hindi tanungin ang sarili niyo kung kayo ay may rabies o hindi. Ang desisyon niyo ay BiLiS.”

    Ang ibig sabihin ng BiLiS ay "Bilisan ang paghugas ng sugat. Linisin ng alcohol. Sumangguni sa doktor ukol sa tamang paggamot ng sugat.”

    Bukod sa tubig at alcohol. ayon pa rin sa DOH anti-rabies campaign, maaaring gumamit ng povidone iodine o iba pang antiseptic. Kailangan din daw hugasan ang mucuous membranes, tulad ng mga mata, ilong, at bibig.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Mahalaga rin na madala ka sa ospital para makatanggap ng bakuna. Ang rabies vaccine kasi ang pipigil sa pagkalat ng infection. Sundin ang instructions ng doktor tungkol sa post-exposure rabies vaccination para makumpleto mo ang pagbabakuna.

    Mga tips para maiwasan makagat ng aso

    Pinapakita ng aso sa pamamagitan ng pagkagat ang kanilang takot o bilang proteksyon sa sarili, ayon sa Rabies Alliance. Kaya kailangan daw na maintindihan at isaang-alang ang ilang mga bagay para maiwasang makagat ng aso:

    • Ang ang pakiramdam ng mga aso
    • Paano lapitan ang isang aso
    • Kailan maaari at hindi maaaring lapitan o di kaya makisalamuha sa mga aso

    Dapat raw bantayan ang mga ganitong itsura o ikinikilos ng aso:

    • Alertong katawan at buntot
    • Nakatiklop ang tenga
    • Paghakbang palayo
    • Pagtahol o pag-ungol
    • Pagsakmal
    • Mga matang nanlilisik
    • Nakatayong balahibo

    Kapag napansin ang mga senyales, ito ang mga dapat mong gawin:

    • Manatiling nakatayo
    • Huwag gumalaw
    • Ilagay ang mga kamay sa gilid ng katawan
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ito naman ang mga hindi dapat gawin:

    • Tumakbo palayo sa aso
    • Sumigaw
    • Makipagtitigan sa aso

    Pero kapag kinagat ka na ng aso, ito ang mga dapat mong gawin:

    • Huwag hilahin ang nakagat na parte ng katawan palayo mula sa aso
    • Huwag gumalaw
    • Sakaling mahulog o madapa ka, bumaluktot na parang bola at itupi ang mga braso at paa na parang nakatago

    Kapag nailayo na ang aso o ligtas na para sa iyo ang paligid, kunin ang pagkakataon na mabigyan ang sarili ng first aid bilang gamot sa kagat ng aso.

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close