-
Masarap Na, Masustansiya Pa! 5 Benepisyo Ng Bawang
Hindi lang masarap na panluto ang bawang, marami rin itong mabuting naidudulot sa katawan.by Ana Gonzales .
- Shares
- Comments

Halos lahat ng mga paborito nating ulam ay mayroong bawang. Madalas kasi paggigisa ang unang hakbang sa pagluluto ng mga pagkaing Pinoy.
Kaya naman halos lahat ng pamilyang Pilipino ay hindi nawawalan ng bawang sa bahay. Pero alam mo ba na bukod sa masarap itong ihalo sa pagkain ay marami rin itong medicinal properties?
Mga benepisyo ng pagkain ng bawang
Nakakapagpalakas ito ng immune system
Sagana ang bawang sa vitamins B6 at C. Mainam ang mga ito para palakasin ang iyong immune system. Nakakatulong din ang vitamin C sa bawang para mapabilis ang paggaling ng iyong mga sugat, pati na rin ang pananatiling malusog ng iyong mga buto at ngipin.
Ayon sa isang pag-aaral, lumalabas na mas hindi tinatamaan ng sipon o common cold ang mga taong regular na kumakain ng bawang. Bagaman kailangan pa ng karagdagang pag-aaral para masabing sapat na ang ebidensya para patunayan ito, marami pa ring eksperto ang naniniwalang mabisang panlaban sa sipon ang bawang.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWMabisa itong panlaban sa high blood pressure
Matapos ang masusing pag-aaral, napag-alaman ng mga eksperto na malaki ang maitutulong ng bawang para pagandahin ang blood lipid profile mo. Nakakatulong din ito para palakasin ang tinatawag na blood antioxidant potential ng isang tao.
Sa madaling salita, pinapababa ng bawang ang mataas na cholesterol levels sa katawan pati na rin ang blood pressure sa mga pasyenteng may hypertension.
Marami pang pag-aaral ang kailangang gawin, ngunit maganda ang potensyal na nakikita ng mga eksperto pagdating sa paggamit sa bawang panlaban sa high blood pressure.
Nakakatulong ito para maiwasan ang Alzheimer's Disease at Dementia
Sabi ng mga eksperto, ang tinatawag na oxidative damage mula sa mga free radicals ang isa sa mga pangunahing dahilan ng mabilis na pagtanda.
Isa pa sa mga maituturing na benepisyo ng bawang ang pagiging mayaman nito sa antioxidants. Ayon sa isang pag-aaral, ang pag-inom ng garlic supplements araw-araw ay nakakatulong para padamihin ang antioxidant enzymes sa iyong katawan. Binabawasan din nito ang tinatawag na oxidative stress para sa mga taong mayroong high blood pressure.
CONTINUE READING BELOWwatch nowKapag pinagsama mo ang dalawang benepisyong ito, magiging mabisa itong panlaban sa mga brain diseases tulad ng Alzheimer's Disease at Dementia.
Mabisa itong pang-detoxify
Kabilang ang bawang sa mga super foods na mabisang pang-detoxify sa katawan. Mayaman ito sa allicin na tumutulong magparami ng white blood cells sa katawan—ito ang siyang tutulong sa iyo para labanan ang mga toxins sa katawan mo.
Ayon pa sa mga eksperto, mas maganda kung kakainin mo ito ng hilaw. Para mas maging madali itong kainin, pwede mo itong i-chop o tadtarin at ihalo sa gulay. Kung ayaw mo naman ng lasa ng bawang, pwede kang uminom ng mga garlic supplements.
Nakakapagpaganda ito ng buhok at balat
Dahil mayaman sa antioxidants at antibacterial properties ang bawang, sabi ng mga eksperto, mabisa iyong panlaban sa mga acne-causing bacteria.
Mataas din ang bawang sa manganese at selenium na siyang makakatulong para mas maging maganda ang tubo ng iyong buhok. Makakatulong din ito para mas maging malusog ang iyong anit.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNapakadaling ihalo ng bawang sa ating pang-araw-araw na pagkain. Hindi rin ito mahirap hanapin dahil masagana naman ang bansa natin sa bawang.
Tandaan lang na kung buntis ka o breastfeeding, mas magandang kumonsulta ka muna sa iyong doktor para sigurado kang ligtas para sa iyo ang mga pagkaing kinakain mo.
Bagaman maraming benepisyo ang bawang, hinay-hinay ka lang din sa pagkain nito, lalo na kung bago pa ito sa diet mo. Maaari kasi itong magdulot ng bloating at diarrhea kapag nasobrahan.
Makabubuti ring kumonsulta muna sa doktor bago uminom ng ano mang garlic supplements. Sa ilang pagkakataon kasi, maaari itong magdulot ng sakit sa ulo, fatigue, kawalan ng ganang kumain, pagkahilo, at allergic reactions—lalo na kung mayroon kang hika o skin rashes.
Kung umiinom ka naman ng mga gamot na pampalabnaw ng dugo o iyong mga blood thinners, maaaring mas lumabnaw pa ang iyong dugo kung sasabayan mo ng garlic supplements. Mabuting kumonsulta muna sa doktor kung hindi ka sigurado.
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOWNapakarami ngang benepisyo ng bawang. Bukod pa riyan, hindi rin kumpleto ang mga pagkaing Pinoy kung hindi iginisa sa bawang ang mga ito. Sa katunayan, ginagawa pa nga nating chips ang bawang—masarap na, masustansiya pa!
Mahilig ka ba sa bawang? Paano mo nasisigurong regular mong nakukuha ang mga benepisyo niyo? I-share mo na sa comments section.
What other parents are reading

- Shares
- Comments