embed embed2
  • Mabisa Ang Gamot Sa Malaria Laban Sa COVID-19? Narito Ang Dapat Alalahanin

    May babala ang DOH sa paggamit ng ganitong mga gamot.
    by Jocelyn Valle .
Mabisa Ang Gamot Sa Malaria Laban Sa COVID-19? Narito Ang Dapat Alalahanin
PHOTO BY Anna Shvets/Pexels
  • Nagbigay babala ang Department of Health (DOH) sa publiko hinggil sa paggamit ng chloroquine, isang uri ng gamot sa malaria, bilang lunas sa COVID-19

    Paliwanag ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang virtual presser noong March 22, 2020 na ang mga gamot na tulad ng chloroquine ay para lamang sa sakit na malaria at may hatid itong side effects.

    Diin pa niya, “Hindi ito maaaring gamitin pam-prophylaxis. Kailangang mag-ingat sa pag-take ng mga gamot na lumalabas. Kailangan with adequate guidance ng duktor.”

    What other parents are reading

     

    Di tulad ng COVID-19 na galing sa bagong tuklas na coronavirus, ang malaria ay sanhi ng mga parasite na nakukuha ng tao mula sa kagat ng lamok. Tinukoy ng World Health Organization (WHO) ang “infected female Anopheles mosquito” bilang uri ng ganitong lamok. 

    Sinabi rin ng WHO na dito sa Pilipinas, malaki na ang ibinaba ng kaso ng malaria mula 2005. Noon ngang 2018, 50 sa kabuuang 82 na probinsya ay dineklara nang malaria-free.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Ang pagbibigay babala ng DOH ay nangyari isang araw pagkatapos ianunsiyo ni DOH Secretary Francisco Duque III na nakikipagtulungan ang ahensiya sa Philippine College of Physicians at Philippine Society for Microbiology and Infectious Disease (PSMID) sa pagbalangkas ng guidelines sa paggamit ng antimalarial drugs kontra sa COVID-19.

    Ipinaliwanag ni Secretary Duque sa isang dokumento na ang protocol sa ganitong hakbang ay kailangan ng “off-label use” ng antiviral at antimalarial drugs. Dagdag niya na maaaring maghatid ng negative side effects ang mga nasabing gamot, kaya inatasan na niya ang health authorities at hospital administrators na bantayan ang paggamit ng ganoong gamot. 

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Lahad din niya na kailangan magbigay muna ng consent ang pasyente o ang legally authorized representative nito bago pagamitin ng gamot.

    What other parents are reading

    Bunsod nito, nagtala ng advisory ang Philippine Pharmacists Association, Inc. sa Facebook page nito upang sabihan ang mga pharmacist na huwag magbenta ng chloroquine at hydroxychloroquine, isa pang uri ng gamot sa malaria, kung walang ipinapakitang reseta ng doktor.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Tinukoy din sa advisory ang ilang negative side effects ng mga nasabing gamot, kabilang na ang abdominal cramps, nausea, at diarrhea. 

    Samantala, nauna nang naibalita ang paggamit ng chloroquine sa China at hydroxychloroquine sa United States sa ilang pasyenteng tinamaan ng COVID-19.

    Nitong March 29, ayon sa ulat ng Forbes, nagbigay ang U.S. Food and Drug Administration (FDA) ng “emergency authorization for experimental coronavirus treatments using chloroquine and hydroxychloroquine.” Ito raw ay mga gamot sa malaria na ibinibida ni U.S. president Donald Trump sa kabila ng “inconclusive clinical proof of their efficacy” o kawalan ng matibay na ebidensya ng bisa nito.

    Magbasa dito para sa latest at karagdagang news tungkol sa COVID-19. 

     

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles