;
embed embed2
  • 3 Pangunahing Uri Ng Sakit Sa Baga At Paano Magagamot Ang Mga Ito

    Nakadepende sa klase ng karamdaman ang lunas para dito.
    by Jocelyn Valle .
3 Pangunahing Uri Ng Sakit Sa Baga At Paano Magagamot Ang Mga Ito
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Bagamat maraming tinamaan ng COVID-19 nang magsimula ang pandemya ng March 2020, marami pa rin ang apektado ng patuloy na pag-atake ng iba pang mga sakit sa baga at respiratory system. Kaya tumaas lalo ang demand para sa mga gamot sa sakit sa baga at para sa impormasyon kung paano palakasin ang baga.

    Mga dapat malaman tungkol sa baga

    Ang pares ng baga (lungs) ay parte ng respiratory system, na siyang grupo ng organs at tissues na nagtutulungan para maging maayos ang paghinga. Tungkulin ng respiratory system na ipasok ang sariwang hangin, tulad ng oxygen, sa katawan at tanggalin ang maduming hangin.

    May paliwanag ng mga eksperto sa American Lung Association kung paano magtrabaho ang mga baga. Anila, kapag nasa baga na ang iba-ibang klase ng hangin, dinadala ang oxygen sa bloodstream hanggang marating nito ang buong katawan. Sa bawat cell ng katawan, ipinapalit ang oxygen sa waste gas na carbon dioxide.

    Dinadala naman ang carbon dioxide ng bloodstream pabalik sa lungs para matanggal ito sa sistema sa pamamagitan ng pag-breathe out. Tinatawag na gas exchange ang ganitong palitan ng hangin.

    Mga sakit sa baga

    Kapag nagkaproblema sa respiratory system, hindi nakakapagtrabaho nang maayos ang mga baga at posibleng mauwi ito sa sakit. May tatlong pangunahing uri ng sakit sa baga (lung diseases), ayon sa Medline Plus information resource ng United States National Library of Medicine.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Airway diseases

    Apektado sa ganitong mga uri ng sakit ang mga tubo o daluyan ng hangin (airways) na nagdadala ng oxygen at ibang gases papasok at papalabas ng mga baga. Kumikipot o di kaya bumabara ang airways, kaya nahihirapang huminga ang pasyente.

    Mga halimbawa:

    • Hika (asthma)
    • Chronic obstructive pulmonary disease (COPD)
    • Bronchiectasis.

    Lung tissue diseases

    Apektado ng ganitong uri ng sakit sa baga ang istruktura ng lung tissue. Maaaring may pinsala o pamamaga sa tissue kaya hindi napipigilan ang paglawak ng mga baga. Nahihirapan tuloy silang huminga papasok ng oxygen at papalabas ng carbon dioxide. Para raw nakasuot ang pasyente ng masikip na sweater o vest, at hindi makahinga ang malalim.

    Mga halimbawa:

    • Pulmonary fibrosis
    • Sarcoidosis

    Lung circulation diseases

    Sa ganitong uri ng sakit, apektado ang blood vessels sa mga baga. Dulot ito ng pamumuo, pagpepeklat, o di kaya pamamaga ng blood vessels. Napipigilan tuloy ang mga baga sa pagsagap ng oxygen at pagbuga ng carbon dioxide. Posible ring maapektuhan ang puso.

    Halimbawa:

    • Pulmonary hypertension

    Kadalasang kombinasyon ng mga uri ng sakit ang nagdudulot ng problema sa mga baga. Kabilang sa mga pangkaraniwang sakit sa baga ang mga sumusunod:

    • Asthma
    • Pneumothorax o atelectasis—ang pagguho ng bahagi o di kaya buong baga
    • Bronchitis—pamamaga sa mga pangunahing lagusan (bronchial tubes) na nagdadala ng hangin sa mga baga
    • COPD
    • Lung cancer
    • Lung infection, tulad ng pneumonia
    • Pulmonary edema—ang abnormal na pagpuno ng tubig sa mga baga
    • Pulmonary embolus—pagbabara sa lung artery

    Gamot sa sakit sa baga

    Paalala ng mga eksperto na depende sa uri ng sakit ang gamot o treatment na ibibigay sa pasyente, kaya mahalaga ang regular na checkup sa doktor.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Hika (asthma)

    Kapag may hika o asthma, malimit ang pamamaga sa daluyan ng hangin kaya nagkakaroon ng paninikip sa parteng iyon ng katawan. Paliwanag  ni Dr. Paul Rilhelm M. Evangelista, isang espesyalista sa pulmonology medicine at interventional pulmonology, ay wala pang gamot o cure sa asthma.

    Maaari lang daw itong ma-control sa tulong sa relievers at controllers. Makakatulong din ang paggawa ng action plan sa tulong ng iyong doktor. Isa pa raw ang pagkakaroon ng journal, kung saan isusulat ang obserbasyon mo tungkol sa iyong sakit.

    (Basahin dito ang paunang lunas sa hika at dito ang dapat gawin kapag inatake ng hika. Kung ano ang halamang gamot sa hika, basahin naman dito.)

    Bronchitis

    Ang bronchitis ay ang pamamaga (inflammation) ng mga parte sa respiratory system na trachea at major bronchi. May dalawa itong klasipikasyon: acute bronchitis at chronic bronchitis.

    Kapag sinabing acute bronchitis, sabi ni Dr. Geraldine Garcia, isang pulmonologist, ito ay kalimitang reaksyon na bunga ng iritasyon na kadalasang dulot naman ng infection. Maaari raw itong magamot sa loob ng pitong araw. Paalala lang ni Dr. Garcia na hindi antibiotics ang gamot sa acute bronchitis dahil dulot ito ng viruses at hindi bacteria.

    Hindi tulad ng acute bronchitis na panandalian lang ang pamamaga ng bronchi, sabi pa ni Dr. Garcia, pangmatagalan at mas seryoso ang chronic bronchitis. Mga naninigarilyo rin daw ang kadalasang tinatamaan nito. Binibigyan ang pasyente ng inhaler therapy at pulmonary rehabilitation, sabay pagbabawalang manigarilyo.

    Ang chronic bronchitis ay isang uri ng COPD, na siyang pangmatagalang pagbabara ng daluyan ng hangin sa baga. Isa pang uri ng COPC ang mas seryosong sakit sa baga na emphysema.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles