embed embed2
  • Bakit Dumadami Ang Varicose Veins? Ang Mga Dahilan At Ang Treatment Options Mo

    Karaniwang sintomas ng pagbubuntis ang mga namamagang ugat.
    by Jocelyn Valle .
Bakit Dumadami Ang Varicose Veins? Ang Mga Dahilan At Ang Treatment Options Mo
PHOTO BY Shutterstock/Doro Guzenda
  • May mga taong sadyang halata ang mga ugat sa katawan, lalo na sa mga binti. Pero ibang usapan na kapag ang mga ugat ay namamaga at naglalakihan na. Tinatawag iyong “swollen and enlarged” na varicose veins. Kaya madalas itanong lalo na sa buntis kung may home remedy o gamot sa varicose veins.

    Varicose veins sa pagbubuntis 

    Sa pagbubuntis, isa ang varicose veins sa pangkaraniwang sintomas. Nagkakaroon nito ang halos 40% ng mga buntis, ayon sa research.

    Wala namang dapat ikatakot dahil sinasabing painless at harmless ang mga naglalabasang ugat hindi lang sa legs, ngunit pati na rin sa rectum at vulva. Ang mga nasa rectum area ay kilala din sa tawag na hemorrhoids o almoranas.

    Nangyayari ang pamamaga at paglaki ng mga ugat dahil dumadami ang blood supply sa katawan ng buntis. Tumitindi rin ang pressure sa blood vessels, lalo na sa veins sa mga binti, kasi kailangan nilang kontrahin ang gravity upang matulak pataas ang extra blood pabalik sa puso. 

    Ang ilan pang dahilan kung bakit kadalasang nagkakaroon ng varicose veins ang buntis ay ang weight gain, pressure sa pelvic blood vessels, at extra progesterone hormone na nakaka-relax ng blood vessels.

    Home remedy para sa varicose veins ng buntis

    May mga paraan para mabawasan ang pagsulputan ng varicose veins at mapigilan ang kanilang paglala. Maaaring gawin ng buntis ang mga sumusunod:

    Panatiliin ang daloy ng dugo sa katawan

    Kapag umupo, ipatong ang mga binti sa katabing upuan at iwasan na ikrus ang mga ito (cross-legged position). Kapag naman nakatayo, salitan na ipatong ang paa sa bangkito. Ugaliin na i-flex ang ankles at ituloy ang exercise sa buong katawan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Piliin ang kumportableng kasuotan

    Kumportable mula underwear hanggang maternity clothes. Posibleng makatulong ang pagsusuot ng compression stockings para maibsan ang pressure sa tiyan at mga binti.

    Sikapin na ma-maintain ang weight

    Sikapin na huwag masyadong magdagdag ng timbang para hindi gaanong bumigat ang katawan at hindi madagdagan ang trabaho ng circulatory system.

    Matulog nang nakatagilid

    Ang ideal daw ay nakahiga sa kaliwang banda upang maiwasan ang pressure sa main blood vessels at maging matatag ang blood circulation.

    Iwasan ang pagbubuhat ng mabigat

    Puwede kasi ma-puwersa sa hemorrhoids dahil nakakadagdag ang mga ito sa pressure sa veins.

    Varicose veins para sa hindi buntis

    Kung hindi buntis, nagkakaroon ng varicose veins ang isang tao — babae man o lalake — kapag ang small valves sa loob ng veins ay hindi na gumagana nang maayos.

    Sa isang healthy vein kasi, smooth ang pagdaloy ng dugo papunta sa puso. Napipigilan ang backwards na pagdaloy ng dugo sa tulong ng tiny valves na nagbubukas at nagsasara para makadaan ang dugo. 

    Mas malaki ang tsansa na magkaroon ng varicose veins kapag:

    • Meron sa pamilya niya ang may varicose veins na
    • May edad na siya
    • Overweight siya
    • Parati siyang nakatayo dahil sa trabaho

    Sa sandaling magdulot ng pain at discomfort ang varicose veins hanggang hirap ka nang matulog, maaaring magpatingin na sa doktor. Ang kadalasang payo ng doktor ay magsuot ng compression stockings, mag-exercise nang regular, at maging habit ang pag-elevate ng affected area sa tuwing nagpapahinga.

    Gamot sa varicose veins 

    Kapag nagpatuloy ang pain at discomfort, at saka lang imumungkahi ng doktor ang gamot para sa varicose veins. May iba-ibang treatment para dito.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Endothermal ablation

    Init o heat ang ginagamit para maselyohan ang mga apektadong veins.

    Sclerotherapy

    Isang solution ang ini-inject sa pasyente para ang walls ng veins ay mamaga at magdikit-dikit hanggang magsara sila nang tuluyan.

    Foam Sclerotherapy

    Sa mga mas malalaking varicose veins, na hindi tinatablan ng regular na sclerotherapy, ginagamitan na ng foam mula sa sclerosing solution. Ini-inject ang foam sa pasyente at puwedeng makaramdam siya ng matinding pamumulikat (intense spasm) sa veins.

    Radiofrequency (RF) Occlusion

    Isang special catheter ang ini-insert sa vein sa pamamagitan ng injection. Kayang sunugin ng catheter ang varicose veins gamit ang radiofrequency energy. 

    Endovenous Laser Treatment

    Kaparis ng RF ang energy na ginagamit sa laser treatment, pero hawak ito ng doktor. Kaya nakasalalay sa pagiging steady ng  kanyang mga kamay ang magiging resulta ng treatment. 

    Electrodesiccation

    Halos katulad ang electrodesiccation ng sclerotherapy. Iyon nga lang, electric current, imbes na injected solution, ang ginagamit para magsara ang veins. Maaaring mag-iwan ng peklat ang ganitong treatment. 

    Surgical Ligation and Stripping 

    Tinatanggal ang affected veins sa pamamagitan ng surgery. Kailangan bigyan ng local o di kaya general anesthesia ang pasyente, at dapat gawin ang treatment sa operating room.

    Ambulatory Phlebectomy

    Isang special light source ang ginagamit para matagpuan ang affected veins at matanggal ang mga iyon sa tulong ng surgical hooks. Kailangan rin bigyan ng local o di kaya regional anesthesia naman ang pasyente.

    Mechanical Chemical Ablasion (MOCA)

    Tulad sa foam sclerotherapy, gumagawa ang machine ng foam para mapuksa ang varicose veins at magsara ang mga ito. 

    Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa gamot sa varicose veins, basahin dito

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles