embed embed2
  • Huwag Gumamit Ng Duct Tape Sa Wart! Ito Ang Mga Pinakamagandang Gawin

    Virus ang sanhi ng kulugo, hindi palaka.
    by Jocelyn Valle .
Huwag Gumamit Ng Duct Tape Sa Wart! Ito Ang Mga Pinakamagandang Gawin
PHOTO BY iStock
  • Bagamat harmless at walang masamang epekto ang kulugo o wart sa pangangatawan ng isang taong meron nito, mas nanaisin pa rin niya itong matanggal dahil sa hindi kaaya-ayang itsura. Mabuti na lamang at may mga mabisang gamot sa wart kaya madali na itong nasosolusyunan.

    Tumutubo ang wart sa balat ng alin mang parte ng katawan dahil sa mabilis na paglago ng skin cells, na dulot naman ng impeksyon mula sa human papillomavirus (HPV). Ibig sabihin, walang katotohanan ang sinaunang paniniwala na nagkakaroon ng kulugo kapag naihian ng palaka.

    What other parents are reading

    Sanhi ng wart 

    Paliwanag ng Harvard Health Publishing, 10 sa 150 strains ng HPV ang sanhi ng warts, kabilang ang mga karaniwang uri nitong common wart, plantar wart, at flat wart. May ilan pang strain ang nagdudulot naman ng anal wart at genital wart. Habang ang sexually transmitted types ng HPV ay sangkot sa cervical at iba pang genital cancers, bihirang-bihira naman na maiugnay sa cancer ang HPV strains na sanhi ng wart. 

    Maaaring makuha ang wart virus sa pamamagitan ng paghawak ng anumang bagay na kontaminado, maging sa pakikipagkamay sa taong meron nito. Pero hindi naman automatic na magkakaroon na kaagad ng wart. Minsan daw mananatili lang ang wart virus sa balat, partikular sa upper layer na epidermis, kahit lumipas ang maraming taon.

    Iilang tao lang daw ang magkakaroon ng wart, kadalasan mga bata at iyong may immune system abnormalities. Malaki ang din daw ang chances na magka-wart ang mga tao na ang trabaho ay may direktang paghawak ng karne, isda, at manok. Kapag may tumubong kulugo sa isang parte ng katawan, maaari itong kumalat sa iba pang bahagi.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    What other parents are reading

    Mga karaniwang uri ng wart

    Ang common wart ay iyong nakaangat sa balat na magaspang, light-colored o di kaya gray-brown ang kulay, at may mga tuldok-tuldok kung minsan. Malimit na tumutubo ito sa kamay, at iyong nasa mga kuko ang sinasabing mahirap magamot.

    Kilala bilang plantar wart ang mga tumutubong kulugo sa may talampakan. Magaspang din ito, pero nagiging patag dahil sa paglalakad at kulay gray o brown na may maitim na tuldok-tuldok. Kapag nagkumpol-kumpol ang mga ito, mosaic warts na ang tawag sa kanila. 

    Tulad ng pangalan nitong flat wart, patag ang kulugong ito o may kaunting umbok lang. Maliit ito kumpara sa ibang wart, makinis, at halos pink ang kulay. Sa mukha, kamay, at sa harap ng binti madalas itong tumutubo nang maramihan. 

    What other parents are reading

    Gamot sa wart

    Ayon sa mga pag-aaral, kusa namang nawawala ang wart sa loob ng isa hanggang dalawang taon. Pero payo ng mga eksperto, mas mainam na aksyonan ito kaagad para hindi na ito dumami at kumalat sa ibang parte ng katawan. 

    Isa sa mga gamot sa wart na magagawa sa bahay ay ang paggamit ng over-the-counter medicine na salicylic acid. Ipahid lang ang cream sa wart pagkatapos maligo mula isa hanggang dalawang beses isang araw sa loob ng 12 weeks.

    Para sa mas matigas na kulugo, tulad ng sa may talampakan, idikit naman ang patch dito at iwan ng ilang araw. Palitan ng bago at ulitin ang proseso kahit isang linggo nang nawala ang kulugo para maiwasan ang pagbalik nito. 

    What other parents are reading

    Ayon sa Harvard Health Publishing, may isang experiment na sumubok na gamitin ang duct tape bilang pangtanggal ng warts. Ito ang ginamit ng mga participant bilang takip sa kanilang mga wart sa loob ng anim na araw. Pagkatapos nilang tanggalin ang patches, binabad nila ang wart sa tubig at kiniskis ng nail file. Kinabukasan, tinakpan nilang muli ang wart. Sinunod nila ang ganitong proseso sa loob ng dalawang buwan o hanggang nawala ang kulugo.

    CONTINUE READING BELOW
    watch now

    Pero pinabulaanan ng artikulo na hindi epektibo ang duct tape (at parang nakakatakot). Mas mabuti pa rin ang conventional treatments gaya nang nabanggit.     

    Kung bumabalik ang wart at dumadami pa, marahil panahon na upang komonsulta sa dermatologist. Ang ilan sa mga irerekomenda ng doktor na paggamot, sabi ng American Academy of Dermatology (AAD) ay cantharidin, cryotherapy, electrosurgery and curettage, at excision. Sa mas malalang kaso, nariyan daw ang laser treatment, chemical peels, bleomycin, at immunotherapy.

    Habang sumasailalim pa sa gamot sa wart, may paalala ang United Kingdom National Health Service (NHS) para hindi na kumalat ang kulugo sa katawan. Ugalin daw na maghugas ng kamay pagkatapos humawak sa kulugo at magpalit ng medyas araw-araw. Iwasan naman na ipagamit ang tuwalya o gumamit ng tuwalya ng ibang tao at huwag kamutin o kutkutin ang kulugo. 

    What other parents are reading

View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles
Close