herbal medicine,Tagalog,medicinal plants,alternative medicine,halamang gamot,greener,con-00370,halamang gamot sa sakit sa tenga,Halamang Gamot Sa Sakit Sa Tenga | Smart Parenting,halamang gamot sa sakit sa tenga, halamang gamot, herbal medicine, alternative medicine, earache, ear pain,Bawang at sibuyas ang ilan sa mga halimbawa ng halamang gamot sa sakit sa tenga.
HealthYour Health

Bawang, Sibuyas, At Iba Pang Halamang Gamot Sa Sakit Sa Tenga

Kapag masakit ang tenga, kadalasang apektado ang pandinig.
PHOTO BYShutterstock

Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

Kapag nagkakaproblema ang tenga, tiyak na humihina ang ating pandinig. Pero hindi mo iisipin na merong hlaamang gamot sa sakit sa tenga na puwede mong subukan. Mararanasan din ang mga ganitong pakiramdam:

  • Pagsakit ng tenga
  • Pagkahilo
  • Pagduduwal o pagsusuka
  • Pag-ugong ng tenga
  • Kawalan ng balanse ng katawan
  • Pagtutubig sa tenga
  • Pangangati ng tenga
  • Pagsusugat ng tenga
  • Kawalan ng gana sa pagkain
  • Pagkakaroon ng lagnat

Karaniwan din na kapag may sipon at ubo tiyak na makararanas ang pagsakit ng tenga lalo na sa mga bata. Paliwanag ng ear-nose-throat (ENT) doctor na tumingin sa anak ng writer na ito, dahil daw hindi pa marunong suminga ang mga bata kapag may sipon kaya hindi ito maiiwasan.

Dagdag paliwanag ng doktor na napakakaraniwan talaga sa mga bata (hanggang sa edad na 3) ang pagkakaroon ng otitis media. Ayon naman sa Johns Hopkins Medicine, ito ay impeksyon sa tenga sa gitnang bahagi nito na dulot ng pagkakaroon ng sipon, sore throat, o anumang respiratory infection. Maaaring maranasan din ito ng matatanda pero pangunahing kondisyon ito sa mga bata.

Halamang gamot sa sakit sa tenga

Nang mangyari ang pagsakit ng tenga ng bata, nilagnat siya. Bukod sa pagpapainom ng Tempra, nilapatan siya ng warm compress para maibsan ang kirot na kanayang nararanasan. May ilan ding mga halamang gamot ang maaaring subuking panggamot sa sakit sa tenga sakali na hindi agad makapagpapatingin sa doktor.

Ang mga halamang gamot na ito ay nagtataglay ng mga katangian na analgesic para mabawasan ang sakit sa loob ng tenga, anti-bacterial para maiwasan ang impeksyon at immunity para mapataas ang panlaban ng katawan sa anumang impeksyon. Pero tandaan mas mahalaga pa ring magpakonsulta sa doktor para makatiyak kung ano ang sanhi ng pagsakit sa tenga at mabigyan din ng tamang gamot at lunas sa pinagmumulan nito.

Bawang

Mahusay ito na pantulong sa paggamot ng impeksyon sa loob ng gitnang bahagi ng tenga. Maaaring ngumuya ng bawang o ihalo ito sa salad. Mabuti ring ilagay sa labas ng tenga na apektado. Puwede ring magdikdik nito at kunin ang katas saka ipatak ang kaunti sa loob ng tenga.

watch now

Sibuyas

May taglay ang sibuyas na anti-imflammatory para maibsan ang kirot ng pananakit ng tenga. Painitan nang 15 minuto. Palamigin ito at saka hiwain sa gitna. Pigain ang katas nito saka magpatak ng kaunti sa loob ng tenga. Maaari ding maglagay o magpatong ng sibuyas sa tainga na apektato.

Parsley

Bilutin ang dahon ng pasley at haluan ng olive oil saka dagdagan ng kaunting asin. Ang katas nito ang ipatak sa tenga.

Plantain

Magdikdik ng dahon ng plantain, na isang uri ng saging, at magpatak ng kaunting katas nito sa loob ng tenga.

Lemon balm

Ginagamit ito para mabawasan ang pamamaga sa tenga. Maglagay o magbabad ng isang kutsara sa tasa ng tubig sa loob ng 15 minuto. Inumin ito at gawin ng 3-4 na beses sa isang araw.

Talampunay

Pakuluan ang tamang dami ng dahoon nito, saka palamigin at maglagay ng kaunting patak sa loob ng tenga.

Soro-soro

Hugasan ang murang dahon nito, patuyin, basain ng langis saka painitan sa apoy. Dikdikin hangganga sa malanta, saka kunin ang katas. Ipatak ang kaunting dami ng katas nito sa tenga.

Tips sa pantanggal ng sakit ng tenga

May ilan pang mga tradisyonal na ginagawa para maibasan ang pananakit ng tenga, tulad ng mga sumusunod:

Paglalapat ng warm compress

Nakatutulong ang paglalapat ng warm compress sa bahagi nng tenga na apekdato. Pero may ilang eksperto na ipinayo rin ang paggamit ng cold compress bilang epektibong paraan sa pagbawas ng pananakit ng tenga.

Paggamit ng olive oil

Painitin nang kaunti ang olive olil saka maglagay ng kaunting patak nito sa loob ng tenga.

Pagnguya ng chewing gum

Nakatutulong ang pagnguya ng chewing gum para maibsan ang tensyon sa loob ng tenga. Sa pagnguya ng chewing gum, nagagawa nitong bawasan ang sakit ng tenga.

Pag-iwas sa sakit sa tenga

Para mapangalagaan ang mga tenga at maiwasan ang pagsakit nito, maaaring subukan ang ganitong mga paraan:

Linisin ang tenga

Ugaliin ang madalas na paglinis ng tenga. Maaaring gumamit ng ear drops para lumabot ang tutuli. Mas mabuti ang paggamit ng malambot at malinis na tela o tuwalya sa paglinis ng labas ng tenga.

Kusa namang lumalabas ang dumi sa loob ng tenga kaya iyong sa ibabaw lamang ang linisin. Hindi ipinapayo nga ang paggamit ng cotton bud dahil posible makapinsala sa eardrum at naitutulak din nito paloob ang dumi sa tenga.

Itigil ang paninigarilyo o umiwas sa naninigarilyo

Isa ito sa nagdudulot ng sipon o ubo kaya makabubuti na makaiwas dito para hindi rin magkaubo o sipon na siyang pagmumulan ng pagsakit ng tenga. Nakapipinsala rin ang paninigarilyo sa nerve ng tenga.

Iwasan ang pakikinig nang napakalakas na musika

Paalala ng mga eksperto na nakakayanan lamang na lakas ng tenga ang 85 decibel araw-araw. Maaaring magdulot ng pagkabasg ng eardrum ang araw-araw na pakikinig ng malakas na musika.

Protektahan ang mga tenga

Kung hindi maiiwasan ang malalakas na tunog at iba pang makapagdudulot ng sakit sa tenga, tiyaking may proteksyon sa tenga gaya ng mga ear plug o ear muff.

Bagaman talagang nakatutulong ang mga halamang gamot sa sakit sa tenga, at maraming pag-aaral ang nakapagpapatunay sa pagiging epektibo ng mga ito, lalo na ang pagkuha ng katas ng bawang at sibuyas sa pamamahala ng sakit ng tenga na kaugnay ng acute ostitis media, ipinapalala pa rin ng mga eksperto na maging maingat sa paggamit nito dahil posible na magdulot ng side effect.

Makabubuti rin ang pagkonsulta muna sa doktor bago gawin ito lalo na kung sa mga bata gagamitin ang mga halamang gamot.

 

Mga pinagkunan ng impormasyon:

https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/otitis-media

https://www.botanical-online.com/en/medicinal-plants/earache-medicinal-plants

https://kidshealth.org/en/parents/earaches-sheet.html

Trending in Summit Network

lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
lorem ipsum

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipisicing elit, sed do eiusmod
Read more
Close