embed embed2

Join the next Smart Parenting Giveaway and get a chance to win exciting prizes!

Join Now
Ang Papel Ng Kulani Sa Katawan Natin At Kailan Dapat Matakot
PHOTO BY iStock
  • Minsan ka na rin bang may nakapang bukol sa iyong leeg o singit kapag may sakit o nang magkasugat ka? Kapag hinawakan mo ito halos kasinlaki ng buto ng bean kung minsan masakit din. Namagagang kulani o lymph nodes ang nahahawakan nating bukol sa bahagi ng leeg, ilalim ng panga, sa may kili-kili o sa singit.

    Bahagi ng sistema ng ating katawan and kulani. Parang military checkpoint ito na humaharang sa virus o bakteriya na pumapasok sa mga lymph channels sa ating katawan. Kapag nanatili ang virus o bacteria sa node, nagdudulot ito ng pamamaga, senyales na may aktibong impeksyon sa partikular na bahagi ng ating katawan.

    More from Smart Parenting

    Bakit nagkakaroon ng kulani?

    Sa katunayan, lahat ng tao ay may kulani. Pero maliliit at hindi nakakapa ang mga ito maliban na lamang kapag namamaga ay umuumbok ito. Ayon sa Mayo Clinic, tinatawag ding lymph glands ang lymph nodes.  Mahalaga ang gampanin nito sa katawan ng tao bilang panlaban sa mga impeksyon sapagkat sinasala at hinaharangan nito ang virus o bakteriya na nakakaapekto sa katawan at kalusugan ng tao.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Paliwanag din naman ng mga doktor, ang lymph nodes ay maliit na glandula na sumasala sa lymph, malinaw na likido ito (lymphatic fluids) na dumadaloy sa lymphic system na tumutulay sa mga bahagi ng katawan. Nagtataglay naman ang lymph nodes ng white blood cells na siyang pumapatay sa pumapasok na organismo sa katawan.

    Delikado ba ang pagkakaroon ng kulani?

    Sa mga kulani o lymph nodes naninirahan ang mga lymphocytes, tirahan ito ng mga cell na bahagi ng ating immune system na panlaban natin sa karamdaman o mga mikrobyo kung may impeksyon o iba pang sakit. Normal na lumalaki ito. Kapag naman nakapa mo ito, maaaring magkakasakit ka. Sintomas din ito na may virus na pumasok sa katawan ng tao. Tinatawag na lymphadenophy ang abnormal na paglaki ng lymph nodes.

    More from Smart Parenting

    Gaya sa mga unang nabanggit, kapag namamaga ang kulani ibig sabihin resulta ito ng impeksyon mula sa bakteriya o virus. Ang pamamaga nito ay senyales na may mali sa iyong pangangatawan o kalusugan. Mapapansin mo ang paninigas at bahagyang makirot ang kulani, nakaumbok na kasinlaki ng buto ng beans o mas malaki pa rito. Maaaring senyales o sintomas ito ng pagkakaroon ng sipon, ubo, impeksyon sa tainga, sirang ngipin, lagnat, pamamaga ng lalamunan, o impeksyon sa upper respiratory system.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Madalang na nagiging sanhi ito ng kanser o matinding karamdaman. Bagaman, kapag lubhang matindi ang pamamaga ng kulani sa katawan, ito ang maaaring senyales ng malubhang kondisyon gaya ng problema sa immune system o pagkakaroon ng cancer.

    Isa ang lupus at rheumatoid arthritis sa posibleng suliranin sa immune system na magiging sanhi ng pamamaga ng kulani. Maaaring makapagdulot din labis na pamamaga ng kulani ang lymphoma na isang cancer sa lymphatic system.

    More from Smart Parenting

    Kailan kailangan ng gamot sa kulani

    Sa ilang mga kaso, lumiliit ito saka kusang nawawala sa paglipas ng panahon. Makatutulong din ang paglalapat ng warm compress para mawala ang pamamaga nito. Ngunit kapag nagiging sanhi na ito ng matinding impeksyon, kailangan na ng gamutan batay sa payo ng doktor.

    Kapag bumuti at bumalik ka naman na sa normal ang iyong pakiramdam, mawawala na ang pamamaga ng kulani. Ngunit kung magpapatuloy pa ito, magpatingin agad sa iyong doktor lalo na kapag

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
    • umumbok ito nang walang ibang dahilan
    • patuloy ang paglaki
    • nanatili ng dalawa o apat na linggo pagkaraan mong magkasakit
    • nakapa mong matigas pero hindi gumagalaw kapag hinahawakan
    • may kasamang matinding lagnat
    • hindi maipaliwanag na pagbaba ng iyong timbang.

    Higit lalong mahalaga na magpatingin sa doktor kapag nahihirapan kang ng lumunok  o  mahirap ang iyong paghinga.

    Tandaan, ang pagkakaroon ng kulani ay normal lamang sa tao at hindi rin ito kailangang ipatanggal maliban na lamang kung hinihingi ng pagkakataon o kinakailangan ng mas malawak na pagsusuri gaya ng nabanggit sa taas. Normal lamang na reaksyon ng katawan ng tao ito sa impeksyon at senyales din itong aktibo ang immune system niya.

    Kailangan din lamang ng agarang pagpapatingin sa doktor para masuri kapag masyadong malaki o lumalaki, dumarami, nagnanana, o may kakaibang hugis ang kulani. Kung minsan, kahit tapos na ang pagkakasakit, may posibilidad na makapa pa rin ang kulani lalo na sa mga bata.

    Sources: Smart Parenting, Mayo Clinic

    More from Smart Parenting

View More Stories About
View more articles