embed embed2
Nalalagas Na Buhok, Namamagang Kasu-kasuan, At Iba Pang Senyales Na May Lupus Na Sakit
PHOTO BY Shutterstock
  • Editor's Note: Ang sumusunod ay for educational at informational purposes lamang. Huwag pong gamitin ito na kapalit ng doktor. Mahalaga na kumunsulta sa doktor para sa medical advice na bagay sa pangangailangan mo.

    Ang lupus na sakit ay isang autoimmune disorder na maaaring magdulot ng pamamaga sa buong katawan. Mismong immune system kasi ang umaatake sa healthy cells ng katawan, sa pag-aakalang foreign invaders ang mga ito. Kasama sa mga bahaging apektado ang joints, balat, blood vessels, at organs, kagaya ng bato o kidneys.

    Bagamat batid na kung ano ang lupus na sakit, hindi pa natutukoy ang sanhi nito. Tinitignan ng mga eksperto ang posibleng kombinasyon ng genetics, hormones, at iba't-ibang environmental factors. Sa United States, nasa 200,000 katao ang mayroon ng pinakakaraniwang uri nito, ang systemic lupus erythematosus. Mahigit sa 16,000 bagong kaso rin ng lupus na sakit ang naiuulat taon-taon.

    Karamihan sa mga pasyente ay mga babae at sampung porsiyento naman ay mga lalaki. Nasa sampung porsiyento rin ng mga taong may lupus ang mayroong Sjögren’s syndrome, isang chronic autoimmune disorder kung saan kapansin-pansin ang dry o tuyong mga mata at bibig ng pasyente.

    Karaniwan ding mayroong autoimmune thyroid disease ang mga taong may lupus na sakit. Thyroid gland ang sa nasa leeg, at ito ang mayroong kontrol sa iyong metabolism, na proseso ng katawan sa paggamit ng enerhiya.

    Mga sintomas ng lupus na sakit

    Kabilang sa mga senyales na dapat bantayan ang mga sumusunod:

    • Sores o singaw sa bibig o ilong
    • Paglalagas ng buhok
    • Rashes na tumatagal nang ilang araw hanggang linggo, lalo sa bahaging exposed sa araw
    • Pamamaga ng joints, na maaaring mas malala sa umaga
    • Pananakit at paninikip ng dibdib, lalo kung humihinga nang malalim, sa loob ng mahigit 24 oras
    • Pamumutla ng mga daliri, pagkamanhid, may pakiramdam na nakakakiliti (tingle) kapag exposed sa lamig o stress (Raynaud’s phenomenon)
    • May protein sa ihi
    • Low blood counts
    • Lagnat
    • Pagbaba o pagbagsak ng timbang
    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Mga pangunahing uri ng lupus na sakit

    Narito ang ilang detalye tungkol sa mga ito:

    Systemic lupus erythematosus

    Systemic lupus erythematosus (SLE) ang pinakakaraniwang uri ng lupus na sakit. Marami itong naaapektuhan na organs, lalo na ang balat, ang joints o kasukasuan, at mga bato (kidneys).

    Lupus sa balat:

    Acute cutaneous lupus

    Chronic cutaneous lupus erythematosus/discoid lupus erythematosus (DLE)

    Ang pangunahing sintomas nito ay rash na nag-iiwan ng malalaking peklat o scars sa mukha, leeg, scalp, at maaari ding magkaroon ng rashes sa tainga at dibdib. Makaliskis o scaly ito at umaabot pa sa dulo o gilid-gilid, ngunit naghihilom din, kaya't hindi pantay ang kulay ng balat at kapansin-pansin pa rin ang mga peklat.

    Kung nasa anit ito, maaari ding maging sanhi ng hair loss o pagkakalbo. Karaniwan ang DLE sa mga naninigarilyo at sa African-Americans.

    Subacute cutaneous lupus erythematosus

    Mga komplikasyong dulot ng systemic lupus erythematosus (SLE):

    • Skin scarring
    • Joint deformities
    • Kidney failure
    • Stroke
    • Heart attack
    • Pregnancy complications
    • Hip destruction (tinatawag ding avascular necrosis)
    • Cataracts
    • Bone fractures

    Maaaring magrekomenda ang doktor ng skin biopsy upang ma-diagnose ang ganitong uri ng lupus. May mga sariling characteristic lesions at patterns kasi ang bawat uri nito.

    Nakatutulong ang mga gamot at lifestyle modification upang makontrol ang mga sintomas at inflammation, at mabawasan ang pagkasira ng mga organ sa katawan.

    Drug-induced lupus erythematosus

    Ang drug-induced lupus erythematosus ay naiiba at hiwalay sa SLE at dulot ng pag-inom ng ilang prescription drugs. Kapansin-pansin ang parehong sintomas nito at ng SLE, kung saan mayroon ding pamamaga. Posible ring ang erya sa paligid ng mga bato ay magkaroon ng impeksyon.

    CONTINUE READING BELOW
    Recommended Videos

    Ang prescription drugs na karaniwang sanhi nito ay ang sumusunod:

    • Hydralazine: ginagamit sa high blood pressure o hypertension
    • Procainamide: ginagamit para sa irregular heart rhythms
    • Isoniazid: gamot sa tuberculosisMinocycline: ginagamit na gamot sa acne
    • Anti-TNF: ginagamit sa paggamot sa rheumatoid arthritis, psoriatic arthritis at spondyloarthropathy

    Neonatal lupus erythematosus

    Isang rare condition ang neonatal lupus erythematosus, na nakaaapekto sa mga sanggol ng mga babaeng mayroong anti-Ro at anti-La antibodies. Ang antibodies na ito na mula sa nanay ang makaaapekto sa heart conduction system ng kanyang baby. Sa oras na ipanganak ang sanggol, maaaring mayroon siyang skin rash, liver problems, o low blood cell count.

    Madalas na cardiovascular diseases (CVDs) at hindi ang lupus mismo ang pangunahing dahilan ng pagkamatay ng pasyente, ayon sa Johns Hopkins Medicine.

    Ang CVDs ay grupo ng disorders ng puso, blood vessels, at kasama rito ang coronary heart disease, cerebrovascular disease, rheumatic heart disease at iba pang mga sakit. Nasa 17.9 milyong tao ang namamatay bawat taon dahil sa mga karamdamang ito. Ang isa pang dapat iwasan ng mga may lupus na sakit ay mga impeksyon.

    Ligtas ba ang pagbubuntis kung may lupus?

    Posible pa ring magkaroon ng ligtas na pagbubuntis ang mayroong lupus, ayon sa mga eksperto. Kailangang sumangguni sa rheumatologist upang maunawaan ang risks o panganib, at upang mabigyan ng sapat at wastong payo tungkol sa healthy pregnancy at maayos na panganganak hanggang sa isilang ang malusog mong baby.

    Paalala ng mga eksperto na ang kidney lupus ay maaari ding maranasan sa panahon ng pagbubuntis. Mas mayroon ding posibilidad na makunan ang mga babaeng may lupus kaysa sa mga babaeng walang ganitong medical condition. May mga pagkakataon ding nanganganak sila nang mas maaga sa inaasahang buwan.

    ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

    Bilin din ng mga eksperto na kailangang umiwas sa oral contraceptives ang mga babaeng mayroong lupus na sakit at antiphospholipid antibodies dahil sa mas mataas na risk ng blood clots, lalo na sa mga binti, baga, at utak.

    Dagdag pa rito, ang ibang mga gamot para sa lupus na sakit ay maaaring maging sagabal o balakid sa bisa ng birth control pills. Mahalaga ring komunsulta sa ob-gyn upang magabayan ka sa tamang option, na naaayon sa pangangailangan at estado ng iyong kalusugan.

    Diagnosis ng lupus na sakit

    Maaaring komunsulta sa dermatologist at kapag natukoy na may posibilidad nga ng lupus, ire-rekomenda nilang magpatingin ka sa rheumatologist. Mahalagang magpatingin sa doktor upang mabigyan ka ng wastong medical diagnosis.

    Read also: Emmeline Villar Was Diagnosed With Lupus and Was Told Not to Expect Kids. She Refused to Listen

    What other parents are reading

  • You're almost there! Check your inbox.

    We sent a verification email. Can't find it? Check your spam, junk, and promotions folder.

Smart Parenting is now on Quento! You will love it because it personalizes news and videos based on your interests. Download the app here!

Don't Miss Out On These!
View More Stories About
Trending in Summit Network
View more articles